Chapter 18

21 10 0
                                    


Nakasurvive naman kami sa hell week pero ilag pa din ako sakanila. Minsan si Kuya Chris ang nakakasama ko sa tuwing nakikita ko syang pagala gala pero kadalasan ay lagi akong mag isa. Hindi ko na maintindihan sarili ko eh.



Pati si Xander mismo ay naging ilag na sakin mula nung nagkausap kami sa hallway. Maybe nagtampo? Kasi wala nga daw akong tiwala sakanya. Pero okay na din yun kasi mas mapapadali sakin mag move on.



Move on. Napatawa nalang ako sa naisip. Mag momove on ako kahit di naging kami? Hanep!



"Well, Congrats guys dahil nakasurvive na kayo sa prelims. At wala namang bumagsak diba?"



Napabalik ako sa huwisyo ng marinig ang sinabi ng instructor namin sa harap. Kanya kanya namang sagot ang mga kaklase ko.



"Wala naman pong bumagsak ma'am."


"Pasado ma'am sakanya lang naman ako bumagsak."



Nagtawanan agad ang klase dahil sa mga pinagsasabi din nila mismo. Kahit ako ay napangiti na din. Mga abnormal din!



"Haha kayo talaga! Puro kalokohan." tumayo ng maayos si maam sa harap. "Well, di ako magtatagal ngayon since pahinga niyo muna to after ng exams. Im just here to congratulate you guys and to inform you na mag start na mag sisimula na ang foundation week 2 weeks from now."



Nagbulungan agad ang mga kaklase ko dahil sa announcement ni maam.


Foundation week? Sounds fun! Pero baka mag isa ko lang mag gagala dun. Tsk! Hirap ng may iniiwasan tapos katabi ko pa ngayon.



Pasimple akong tumingin kay Xander na diretso lang ang tingin sa harap at Naka focus sya sa sinasabi ni maam ngayon.



"Sshhh! Quiet guys. May sasabihin pa ako. Wag kayong excited jan." natawa si maam dahil sa reaction ng klase.



Natahimik naman agad sila at nakinig ulit sa sasabihin ni maam. Debale sakin dahil yumuko ako at sa sahig tumingin. Excited din naman ako pero naisip kong mag isa nga lang pala akong mag gagala sa buong campus nun. Tss!



"Alam niyo naman kapag foundation week diba? May mga booths, madaming events including pageants. At base sa meeting ng department natin kahapon ay sa 3rd year kukunin ang representative ng HRM department since walang 4th year dahil busy sila sa OJT nila. At sa block niyo kukunin ang representative na yun. So I'm giving you the freedom to choose class. Kayo ang magkakakilala dito dahil kayo ang magkaklase. Sino sa tingin niyo ang capable para sa pageant?" Pagpapatuloy ni maam. Haba ng paliwanag ni maam. Ako ang hiningal para sakanya.


Hinayaan ni maam na mag ingay na ang klase after nun. Nag uusap usap na sila kung sino ang mas bagay na sumali sa pageant na yun. Well, di na ako nakisali sa usapan nila dahil wala na akong pake jan.


"Ma'am Suggest ko po si Xander para sa lalaki. Malaki ang chance na manalo maam!" sabi ng kaklase ko habang nakataas ang kamay.



Malaki nga naman ang chance pag si Xander. For sure, gigiba ang buong gym sa hiyawan non.



"Okay lang ba sayo yun Mr.Xander? Kasi tama sya. Malaki ang chance na manalo tayo." tanong ni maam kay Xander.



Na kay Xander na ang atensyon ng lahat ngayon. Pati ako. Naghihintay ng sagot niya.


"Okay lang sakin. I'll do it for the HRM department." ngumiti pa sya kay maam.


"Okay. Thanks Mr.Xander. At sino naman ang sa babae?" luminga linga pa si maam habang nag aantay ng suggestion.



In Your Arms (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon