Tinignan ko ng masama si Cassy dahil sa sinabi niya. Bwesit talaga to!
"What? Sinasabi ko lang ang nakikita ko." Sabay irap pa at kumain ulit.
Pati si Cassy nagiging ma issue na din. Ano na ba nangyayari sa mga tao dito ngayon! hmp!
"Ma issue ka. Alam mo yun? Kita mo na ngang halos patayin ako nito tapos sasabihin mong bagay pa kami. Punta kang EO Cassy" pairap na sabi ko din sakanya.
Sanay na kami mag irapan. Pero hindi naman kami nag aaway. Weird lang talaga kami haha!
"Okaaaay chill. Napaka defensive mo naman. Crush mo?." nang aasar niyang sagot. Ano bang meron kay cassy ngayo? Lakas mang asar.
"Siraulo!" binatukan ko pa sya at kumain nalang ulit.
"Uh guys baka nakakalimutan niyong andito pa ako ah. Makapag asaran kayo jan parang wala ako dito ah" biglang nagsalita si Xander.
Bwesit ka talagaaaa cassy! Andito pa si Xander kung ano ano pinag sasabi! Nakakahiya tuloy.
"Kala namin natigok ka na jan hahaha" si cassy na ang nag salita dahil natahimik ako sa sobrang hiya.
Bat ba ang lakas ng impact sakin ni Xander? Dapat nabwebwesit ako jan eh. Dapat naiinis ako sakanya.
Nagpatuloy nalang kami kumain dahil baka matapos na ang lunch break. Sayang naman tong matitirang pagkain.
"Andaming pang foods. Sayang naman to! Bat ba kasi andami mong binili?" bigla ko nalang nasabi.
"Ha? Ganito kasi ako magpasalamat eh. Debale di pa naman ubos pera ko." sagot ni Xander.
Sayang pa din!
"Di naman porket madami kang pambili ay okay lang na masayang na to. Andaming nagugutom anuba!" sagot ko nalang.
Andami ko nga nadadaanan na mga batang nanghihingi ng pagkain at pera pag papunta na ako ng university eh. Kaya pag may nakita akong kahit biscuit lang sa loob ng kotse ko ibibigay ko nalang sakanila.Tsk!
"Ganyan talaga si Kiara. Ayaw niyan na may natitirang pagkain kaya laging walang laman condo niyan eh lahat nasimot" tinignan ko ng masama si cassy dahil sa sinabi niya.
Sapaw ang loka! Kanina pa ako nahihiya sa pinagsasabi nito ah.
Napatingin ako sa wrist watch ko. May 30 mins pa bago matapos yung Lunchbreak pero tapos na kami kumain at andaming hindi nagalaw sa mga inorder niya.
"Ipa-take out mo yan. May pupuntahan tayo." utos ko kay xander.
Tinignan niya lang ako na parang isa akong weird na nilalang.
"Take out? pwede ba yun dito? wala tayo sa Jollibee o McDo ah. Tsaka san tayo pupunta?" andami namang tanong nito.
"Uh guys. Mauna na ako sainyo. Pupunta pa kasi akong library eh imemeet ko yung kuya ko. Di na ako makakasama kung san man kayo makakapunta. Sige byeeee!" paalam ni Cassy at tumakbo na palabas.
Lokong yun. Iwan ba naman ako sa taong to. Tsk!
"Bwesit na yun" napatingin ako kay xander. "Oh ano? pwede mag take out dito. Bilisan mo! Mauubos time natin eh" utos ko sakanya kaya agad naman syang nagpunta sa counter at may kinausap dun.
Pagbalik niya ay may kasama na siyang staff at kinukuha na ang lahat ng foods na hindi nagalaw.
"San ba talaga tayo pupunta?" curious na tanong niya.
BINABASA MO ANG
In Your Arms (On-Going)
Novela JuvenilAnong gagawin mo kung ang taong minamahal mo ay namatay? She loved him-- no let me rephrase it. SHE LOVE HIM! Three years had passed! She's trying and giving her best to move on. Pero.. Pano niya magagawa yun kung may biglang dumating na hindi inaas...