Chapter 4

32 15 0
                                    

*Cassandra's P.O.V*

"Cassy ano na bang gagawin ko?! Ayokong magulo yung buhay ko ng dahil dun sa letcheng lalaki na yun. Bwesit sya! Di porket kamukha niya si Jace eh kailangan maging mabait ako sakanya. Potangena! Kamukha niya lang si Jace pero sa ugali bagsak sya. Hmp! Kung alam ko lang talaga na sinadya na yung pag hila sakin para maging miserable yung buhay ko edi sana sinapak ko nalang sya para sulit naman yung pang gugulo ng fans niya sakin sa school diba? Tas--- HOY! NAKIKINIG KA BA?!" napatingin ako kay kiara ng may bored na mukha.

Duh? kanina pa sya dada ng dada jan tungkol kay Xander. No, Let me rephrase it. LAST WEEK PA SYA GANYAN DAHIL KAY XANDER!

Nag start syang maging ganyan nung bigla daw syang hinila ni Xander papunta sa Cafeteria at dahil sikat na personalidad nga si Xander ay kumalat agad sa facebook, Instagram at Twitter ang pictures nila na magkahawak kamay habang naglalakad.

Kahit medyo hindi naman sya makilala sa picture dahil nagulo ang naka ponytail niya na buhok at nakayuko sya ay super affected ito to the point na halos araw araw na syang nagseseremonya sa harapan ko.

"Kiara, ilang beses mo na ba nasabi yan? Memorize ko na nga ata eh. Araw araw ko na naririnig yang pinagsasabi mo. Di ka ba nagsasawa? Kahit ako nauumay na talaga." sumbat ko sakanya. Kasi naman! Memorize ko na talaga lahat ng pinagsasabi niya.

Kahit naiintindihan ko naman kung bakit stress sya ng ganyan dahil usap usapan pa din sa school pati sa social media ang issue na yun.

Pero alam naman at kalat sa school na sya yung nasa picture na yun pero sinabi ng school admin na wag ng makakalabas mula sa school ang issue na yun para iwas gulo at para na din sa safety ng dalawa.

Kita kong napasimangot si Kiara sa sinabi ko at umob-ob nalang sa mesa.

Andito kami ngayon sa condo niya dahil half day lang anh klase namin ngayon. Niyaya niya ako dito para may mapagsabihan daw sya ng problema niya na araw araw ko na ngang naririnig.

Heto naman kasing si Xander! ano ba ang nakain nun at trip ata si Kiara? Tas sino ba tong Jace na sinasabi ni Kiara? Last week ko pa tinatanong kung sino si Jace eh. Kaso ayaw niyang sabihin dahil baka maiyak daw sya. OA ah!

"Alam mo? tara nalang bumili ng pagkain. Nagutom ako kakadinig jan sa paulit ulit mong sinasabi eh." pag aaya ko sakanya sabay kinalabit sya.

"Hoy! Bilisan mo naman. Wag kang mag mukmok jan at walang kwenta tong condo mo. Wala man lang makain kundi Chocolate! Nakakataba yun!" Hinila hila ko pa sya dahil mukhang walang balak tumayo ang loka.

Napakamot sya sa noo "Eehhh! Kiara ayoko lumabas. Pano kung namukhaan ako jan? Tapos bigla akong awayin? Mahal ko buhay ko Cassy!" pag tanggi niya sabay kapit pa sa may table para di ko sya mahila patayo.

"Ang OA ah?! Di naman halata na ikaw yun eh. Magulo buhok mo dun at nakayuko kaya shut up. Sumama ka nalang! Tara naaaaa.. Gutom na talaga ako eh" pinilit ko sya dahil ayoko naman pumunta mag isa dun sa convinience store kahit malapit lang yun.

She sighed. Yes! That's a sign na talo sya. Hahaha! Galing galing Cassy.

"Okay fine! Wait ka lang jan. Magpapalit lang ako" Aniya sabay irap pa sakin.

"Sigeeee. Bilisan mo ah kasi yung little tummy ko nag kruuug kruug na" sabi ko sabay himas pa sa tiyan ko.

Kinana pa talaga ako gutom kaso hinayaan ko lang sya sa pagsasalita kasi pag nasabi na niya lahat ay yun lang ang way para manahimik sya.

Wala pang 5 minutes ay lumabas na kaagad sya kaya lang ay nagulat naman ako sa ayos niya.

NakaCap at shades pa sya. Duh? Mukha syang ewan kaya.

In Your Arms (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon