"Hoy Xander kinakabahan talaga ako." huminga ako ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili ko para pigilan ang kaba na nararamdaman ko.This is the day! Ngayon na ang pageant pero parang gusto ko na talagang umatras.
Andaming tao sa labas. Ofcourse, to support their own departments. May mga banners pa nga. Andun din ang supporters ng HRM department.
Pero ang may pinakamalaking banner dun ay si Xander. Kahit ata taga ibang department naka support sakanya eh. Tss!
"Relax ka lang, okay? Sabi mo hindi naman ito ang first time mo sa pageant diba? Kaya dapat may confidence ka nang humarap sakanila." hinawakan ni Xander ang kamay kong mahigpit na ang pagkakahawak sa tuhod ko.
"Oo nga. May experience na nga ako sa pageant pero puro bad naman kaya kinakabahan talaga ako dito." sagot ko sakanya.
Naka white Off shoulder, High waisted black pants and 6 inch killer heels na kulay peach ako. Naka ponytail ang buhok ko na may kulot sa dulo para mas ma expose ang leeg at balikat ko.
Habang si Xander naman ay naka white sando na may punit sa gilid dahilan pa maexpose ang side ng abs niya. SHEEET may abs talaga syaa-- potek! Nakapartner yun sa black pants. May shades pa sya para daw pogi. Hayp -.-
Ganito ang ayos namin para sa production number. Kanina pa nga ako nagdadasal ng tahimik dito eh. Kanina ko pa din pilit nirerelax ang sarili ko.
Naramdaman kong pinisil ni Xander ang kamay ko na hawak niya kaya napatingin ako sakanya.
"Relax okay? Andito ako. Lalaban tayo as partners kaya wag kang kabahan jan. Gagawin natin to para sa department. Basta, don't pressure yourself and just enjoy." ngumiti sya sakin pagkatapos niya sabihin yun.
Hindi ko alam kung may magic ba sa sinabi niya pero unti unti na nga akong kumalma. Pero andun pa din yung kunti kaba. Well, hindi naman mawawala yun sa pageant kaya okay lang. RELAX LANG KIARAAA..
Hawak niya pa din ang kamay ko ng bigla kaming tawagin nung event organizer para pag linyahin dahil magsisimula na daw in 5 minutes.
Binitawan lang niya ang kamay ko nang nasa pila na kami dahil hiwalay ang pila ng lalaki at babae.
'girl, kita mo yun? hawak ni xander yung kamay niya kanina.'
'Sila na ba?'
'Pano yung cassy ba yun? kala ko yun ang ka date ni xander?'
'Gaga! kaibigan lang daw sila. Kasi iba daw ang gusto ni xander.'
'Ssshhh. ang iingay niyo kaya. marinig kayo jan.'
Kakarating ko palang sa pila ay yan na agad ang chismisan na bumungad sakin. Nasa likod kami pareho ni Xander dahil kami ang huling lalabas sa stage mamaya.
"SO STUDENTS!! ARE YOU READYYYY??!!" sigaw ng emcee mula sa labas na nasundan naman ng sobrang ingay na hiyawan.
Sinalakay ulit ako ng kaba ng marinig ko ang sigaw ng mga studyante. Shet! andami nila dun!
"Okay, let us all welcome on stage the candidates for Mr. And Ms. University!" yun ang cue kaya nagsimula na nagsilabasan ang mga candidates.
Nang kami na ang lalabas ni Xander ay tumingin ako sakanya. Ngumiti naman sya sakin at tumango tapos sabay kaming lumabas.
Malakas na tilian agad ang bumungad samin dahil sa paglabas ni Xander. Ngumiti lang ako kahit halos nanghihina na ako sa sobrang kaba.
BINABASA MO ANG
In Your Arms (On-Going)
أدب المراهقينAnong gagawin mo kung ang taong minamahal mo ay namatay? She loved him-- no let me rephrase it. SHE LOVE HIM! Three years had passed! She's trying and giving her best to move on. Pero.. Pano niya magagawa yun kung may biglang dumating na hindi inaas...