"So may tanong pa ba?" kakatapos lang namin mag report kaya nakatayo pa din kami sa harapan habang naghihintay ng tanong galing sa mga kaklase ko.
"Magtanong na kayo class kung may gusto kayong itanong about sa report nila" nagsalita na si Sir Garcia sa likod.
Wala pa ding nagsalita sa klase dahil nakatitig pa din sila kay Xander na kasama namin dito sa harap.
Tss. Sige tunawin niyo pa!
"Well, I think wala na silang tanong. Very good reporters. Isulat niyo nalang sa 1/4 sheet of paper ang pangalan niyo pati ang group number. Class Dismissed!" sinabi ni sir habang naglalakad papunta sa harap dahil andito ang mga gamit niya
Sinulat ko agad sa papel ang pangalan ko at ni Cassy kaso di ko pa pala alam ang full name ni Xander.
"Xander! Sulat mo nalang full name mo dito. Ikaw na din mag abot kay sir ah? Thanks!" sabi ko at nilapag na sa table niya ang papel.
Yun na ang huling klase namin ngayong monday kaya nagpaalam na ako agad kay Cassy dahil mag rereview pa ako para sa prelim exam.
Prelim exam na namin next week. Hell week nanaman yun kaya ngayon palang ay todo review na ako at practice para sa practical exam din.
Pagdating sa condo ay naligo muna ako bago humarap sa mga books at notes ko. Nakakapressure na din dahil hindi ako pwedeng mag failed sa mga subjects ko kahit pahirap na ng pahirap dahil 3rd year na ako. Next year OJT nalang ang kailangan ko at graduate na ako kaya di pwede ang chill pag exam.
Basa at sulat ang ginawa ko hanggang sa makaramdam ako ng gutom. Haaaays! Break na nga muna. Sumasakit na din ulo ko kakareview.
Mag oorder nalang ako ng foods. Tinatamad na ako magluto.
Tumayo na ako para sana kunin ang phone ng may biglang kumatok sa pinto ng condo ko.
Hmm? Anong oras na ba? 7:00 na ng gabi may dadalaw pa?
Dumiretso nalang ako sa pinto para pagbuksan ang kumatok at mukha ni Cassy ang bumungad sakin.
"Ginagawa mo dito?" tanong ko agad sakanya.
Ngumiti lang sya at pumasok na sa loob. Kita mo to!
"Good eve din Kiara! Ganda ng bungad mo ah. Btw, dito ako matutulog. May dala naman akong foods. At hindi ako maniningil ngayon.Libre to!" Hyper na sabi niya. napaka energetic niya ngayon
"May condo ka naman. Dito ka pa makikitulog. Tsk!" dumiretso na kami sa kitchen para kainin ang dala niyang pagkain.
Buti nalang may dala kundi papalayasin ko sya ng wala sa oras. Char!
"Actually wala na yung condo ko na yun. Binenta ko na nung weekends pa. May bumili naman agad." Casual na sabi niya na parang pagkain lang yung binenta niya.
Halos maibuga ko naman yung kinakain ko dahil sa sinabi niya. So san sya nakatira ngayon?
"San ka na titira? Wag mong sabihin na dito ah." uminom na ako ng tubig pagkatapos ko sabihin yan.
"Dito nga!" ngumiti pa sya. "Dito sa building na to! Binili ko yung unit sa tabi ng condo mo. Sakto naman na binenta din nung dating nakatira jan kaya kinuha ko agad. Magkapit condo na tayooo. hahahaha!" tuwang tuwa niya sabi.
Seriously?
"Bat ka pa lumipat? Baka guluhin mo lang ako araw araw dito eh" sabi ko sakanya sabay kuha ulit ng chicken na dala niya.
BINABASA MO ANG
In Your Arms (On-Going)
Fiksi RemajaAnong gagawin mo kung ang taong minamahal mo ay namatay? She loved him-- no let me rephrase it. SHE LOVE HIM! Three years had passed! She's trying and giving her best to move on. Pero.. Pano niya magagawa yun kung may biglang dumating na hindi inaas...
