Chapter 24

18 6 0
                                    


"Hey chill, okay? Kakasabi palang sayo na ikaw ang ipapalit kay Cassy e kinakabahan ka na agad jan. Relax, ako naman partner mo." napatingin ako kay Xander ng sabihin niya yun.



Oo, kinakabahan ako. Ayoko na ulit sumali ng pageant dahil nung high school ako ay lagi akong talo jan. Baka mapahiya lang ako sa buong department.



Tapos si Xander pa ang makakapartner ko. Eh ayoko ngang madikit jan kasi nakukuryente ako.



"Kapal. Ayun na nga eh. Ikaw ang makakapartner ko kaya ako kinakabahan. Baka matalo!" inirapan ko pa sya para hindi niya mahalata yung totoong rason ko.



"Aba't! Ang sakit nun ah. Grabe ka!" nakangusong sagot niya kaya natawa nalang ako. "Ayan, natawa ka na." dugtong niya.



Napa iling nalang ako habang nakangiti at nagsimula ng kumain ulit. Kahit naman di ka mag effort na pangitiin ako, kapag anjan ka ngingiti talaga ako.



Tss. Stupid Kiara. Ang corny nun!




Pagkatapos kumain ay Convoy ulit kami papuntang hospital. Siguradong pang aasar nanaman ang aabutin ko kay Cassy dahil sa pageant na yan. Tsk!


"Oy artistang abnormal! Ako ang magsasabi kay Cassy about sa pageant ah!" sabi ko sakanya habang naglalakad na kami papunta sa room ni Cassy.



Tumingin naman sya sakin at ngumiti. "Okay Baby.." kumindat pa.



Baby.. Tsk! Paasa ka Xander taeka!




Inirapan ko sya nun at nilampasan. Nakakainis! Simpleng ganun lang niya eh kinikilig na ako. Hmp



Narinig ko pa ang mahinang tawa niya bago sumunod sakin hanggang sa makarating kami sa room ni Cassy.



Pagkapasok palang sa loob ay mapanuring mata agad ni cassy ang bumungad samin. Nakatayo palang kami ni Xander sa harap mismo ng pinto dahil kakapasok lang namin tas ganyan na ang bungad niya. Problema nito?



"Matchy Matchy na kayo ngayon ah. Ayiieeee.." sumubo pa sya ng ubas na kinakain niya bago kami dumating habang nakangisi.



Naalala ko naman bigla yung suot namin ni Xander na nakalimutan ko na kanina. Letche naman oh! Dapat pala nagpalit muna ako sa condo.



"Nagkataon lang." sabi ko bago lumapit sakanya at inirapan sya.



"Baka Destiny!" ngumisi pa sya bago umayos ng upo. "Btw, nasabi mo na kay Dean? Update naman oh."



Napansin kong naglakad na din si Xander palapit samin at nakidukot sa ubas na kinakain ni Cassy.



"Ahm.. O-oo nasabi ko na. At ahm.. ano..--"



"Hoy Kiara! Bat mukhang kabado ka naman jan?" pagpuputol ni Cassy sa sasabihin ko.



Oo nga? Bat nga ba ako kinakabahan? Eh kasi matinding pang aasar nanaman akong makukuha ko sakanya. Alam niya yung nararamdaman ko kay Xander tas ganyan. Hmp!



"Ah.. Don't laugh okay? Ano kasi..--"



"Sya ang pinalit ni Dean sayo. Sya ang bagong pambato ng department natin." pagtuloy ni Xander sa sasabihin ko.



Tinignan ko sya ng masama dahil sa ginawa niya. Sinabi na ngang ako ang magsasabi eh! Nakakainis talaga tooo.



"What? Hirap na hirap ka magsabi jan eh. Kaya ako na nagtuloy. Ayokong mahirapan ka eh." inosenteng sabi niya sabay kindat.



In Your Arms (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon