Chapter 2

27 17 0
                                    


Nagising ng makaramdam ako ng uhaw kaya bumangon na ako at dumiretso sa kusina upang uminom ng makaramdam din ako ng gutom.

Teka nga? Anong oras na ba? Jusko nakalimutan ko kumain. Haaayys letcheng pagod yan. Gutooom na akooo! :<

Magluluto na nga din sana ako kaso puro chocolates, Chuckie at yakult lang nakita ko sa ref. Bat wala man lang maluto dito? Malas nga naman oh. Di naman ako mabubusog ng chocolate eh. Kahit paborito ko yan, di ako kakain niyan ngayon dahil gutom na nga talaga akoooo!

No choice Kiara! Bibili nalang ako sa malapit na convinience store.

Nagpalit muna ako ng damit at kinuha at wallet at phone ko. Sinigurado ko muna na nakalock ang condo ko bago ako bumaba. Maglalakad nalang ako dahil malapit lang naman yun.

Medyo nakalayo na ako ng maramdaman ko ang lamig. Letche nakalimutan ko magdala ng jacket. Alas dose na ng madaling araw kaya malamig lamig na ang paligid na di ko ramdam paglabas ko kanina. Kung kailan nakalayo na tsaka pa nagparamdam yung lamig eh. tsk!

Tiniis ko nalang at diretsong naglakad papunta sa store. Nanguha nalang ako ng instant noodles, biscuits at doughnut bago pumunta sa counter para magbayad.

"365 pesos ma'am" sabi nung nasa counter kaya dali dali akong kumuha ng 400 at binigay sakanya.

"Keep the change na kuya, Thank you!" ani ko tapos nginitian sya. Binuhat ko na lahat ng binili ko at akmang lalakad na sana paalis ng narinig kong bumulong yung kasunod kong magabayad.

"Yabang naman. tss!" medyo mahina yun pero narinig ko pa din. Ako ba pinagsasabihan nito?

Nag init bigla yung ulo ko at pakiramdam ko ngay lahat na ata ng dugo sa katawan ko at nasa ulo ko na ngayon.

Ano daw? ako? Mayabang? Dahil lang iniwan ko yung sukli kay kuya? Bwesit! Humarap ako agad sa taong yun at namaywang. Grabe sya ah.

"Excuse me?" tinaasan ko pa sya ng kilay para ipakita sakanyang nairita ako sa bulong bulong niya jan.

Lalaki sya na nakaCap at shades pa. Wtf? nakashades sa gabi? Taas ng araw kuya ah!

"Uhh. Dadaan ka miss?" Sabi niya ng naka smirk pa. Nananadya ba to? Nakakainis!

Kahit nang gigigil ay tinalikuran ko nalang sya at lumabas na ng store. Bwesit! Bwesit! Bwesit! Laki ng sapak sa utak ng lalaking yun ah! Abnormal hmp!

Naglakad nalang ako palayo pero tumigil din at humarap ulit sa Convenience store. Kingina niya nasan na ba yun? Hinanap sya ng mata ko at nakita ko syang nakaupo na sa mga upuan sa loob at nakatingin sakin ng nakangiti pa mukhang nang aasar.

Tinignan ko sya ng masama at tinaas ko ang kamay kong nakapakyu sakanya. FUCK YOU! BWESIT!  kita kong napaawang ang labi niya at mukhang nagulat sa inasal ko kaya ako naman ang napangiti at naglakad na pabalik sa condo.

Pagkarating ay binuksan ko agad ang instant noodles at nilagyan ng mainit na tubig bago isara ulit. Hintayin ko pang maluto yun kaya kinuha ko ang doughnut at sinimulang lantakan habang nanunuod ng TV.

Bored akong napatingin ng makitang balita lang pala ang mapapanuod ng madaling araw. Letche kiara! Malamang balita lang ang mapaoanuod ngayon. Wala ka kayang Netflix tss.

Papatayin ko na nga sana ng isang balita ang nakaagaw ng attention ko. Nanlaki ang mata dahil familiar sakin yung mukhang naka flash sa TV screen ngayon.

'Ang hottest teen star sa America na si Xander ay andito na sa Pilipinas'

Yan ang nakalagay sa ibaba ng TV screen at nasa taas naman nun ang mukha ng taong nakaCap at nakashades. SYA YUNG PINAKYU KO KANINA! wtf? napasapo ako agad sa noo ko. Naku naman Kiara! Sikat pala yung tao tapos pinakyuhan mo lang.

In Your Arms (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon