Chapter 14

16 10 0
                                        

Nakaupo lang ako sa sala pagkagising ko kinabukasan. Pinoproblema ko yung mata ko dahil sobrang puffy niya. Naging instant singkit ako bigla.



Bored na bored akong nakatulala dahil wala akong makakasama buong weekend. Uuwi kasi si Cassy sa bahay nila. Sana all!



Di kasi ako pwedeng umuwi samin na mugto ang mata. Magtataka sila mama at papa eh. Wala din ako sa mood lumabas ng condo. Diko alam pero tinatamad talaga ako ngayon.



Busy ako sa pagtunganga ng biglang tumunog yung phone ko. San ko ba nilapag yun? Inikot ko ang paningin ko sa buong condo para hanapin ang phone ko. Nakita ko yun sa book shelf ko. Nakapatong sa wattpad books ko.



Kinuha ko agad yun para tignan kung sino ang nagtext dahil baka importante. Napasimangot naman agad ako ng makita ang pangalan ni Xander sa phone ko. Kailangan neto?




Xanderific:
Open mo TV mo. Support
mo ko. Mag guest
ako sa isang TV show dali na!




Napairap ako bigla. Tss! Utusan pa ako.




Me:
Bat naman kita isusupport?
Madami ka ng supporters,
wag mo na ako isali.




Xanderific:
Dami pang tanong eh.
Buksan mo nalang,
magsisimula na eh.




I frowned. Bwesit talaga yun kahit kelan. Hindi ko alam ang sumanib sakin pero nakita ko nalang ang sarili kong binuksan ang TV at hinanap ang TV show na sya ang guest. Tss! Sisingilin ko sya dahil inutusan niya ako.




Nakita kong nakaupo na sya sa isang sofa sa gitna at nasa gilid naman niya ang mga host. Nakangiti sya at mukhang hindi sya ang mapang asar na Xander na nakakasama namin sa school.




Goodboy sa TV. Amp!




Nakasuot sya ng White shirt, black pants at white shoes.May black leather jacket pa. Ang simple ng suot pero sobrang lakas ng dating. Sht!




Nagsimula na silang mag usap usap ng mga bagay tungkol kay Xander. Kung kamusta ang career niya sa ibang bansa bago sya umuwi ng pilipinas. Kung bakit magaling sya sa tagalog kahit galing sya sa ibang bansa.



"My parents are both Filipino. Pure filipino ako at sinanay ako nila mommy at daddy ng tagalog." yun ang sagot niya dun.




Oo nga noh? Bat nga ba hindi ako nagtaka kung bat magaling sya sa tagalog kahit galing sya sa ibang bansa? Hmp! Halos isang buwan ng nang aasar sakin to pero ngayon ko lang din napansin.



Natawa nalang ako at nanuod ulit. Naging interesado bigla sa pinapanuod.



Nagpatuloy lang sila sa tanungan hanggang sa may isang tanong ang naka agaw ng atensyon ko.



"So Xander, May nagugustuhan ka na ba? Special someone ganun?" tanong bigla nung host.




Mas lumapad ang ngiti ni Xander kaya nag asaran muna sila bago siya makasagot.




Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero bigla akong kinabahan para sa sagot niya. Hmp! Naman kiara! Bat ikaw ang kinakabahan? ikaw ang iniinterview teh?



In Your Arms (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon