Chapter 5

32 15 0
                                    

*Kiara's P.O.V*

Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko ng makita ko ang balitang naka flash sa tv ngayon.

Ambilis naman ata ng balita? Kakagaling lang namin dun for fuck sake! Hindi ko man lang napansin na may nangunguha na pala ng picture samin.

"Cassy? Ano na ang gagawin ko?" yan lang ang nasabi ko dahil parang tinakasan ako ng lakas sa balita na yun.

Wala naman akong plano na sumikat ah! Bat ba simula nung dumating yung lalaki na yun ay puro kamalasan nalang nangyayari sakin?

Unang una nung nabunggo niya ako at sumakit yung pwet ko. At Oo, Sya yung nakabangga ko noon nung akala ko naghahallucinate na ako kay Jace. Letche!

Pangalawa ay nung hinila niya ako mula room hanggang cafeteria kaya napicturan kami kaya naging miserable ang buhay college ko.

And then now, sa balita nanaman.

"A-ah Kiara." ti-nap niya yung likod ko. "Hindi naman kita yung mukha mo diba? Kasi medyo nakatalikod ka naman sa camera tapos naka shades at Cap ka pa. Kaya relax lang ha?" pang aalo ni Cassy sakin.

Haaay! Buti nalang talaga nagsuot ako ng shades at cap kanina dahil kung hindi lagot na talaga ang buhay ko nun at I swear na pag nangyari yun, tatanggalan ko ng bayag yang Xander na yan.

'Jace? Galit ka ba sakin dahil di kita napuntahan noong araw na nawala ka? Kasi kung oo, Bat naman ganito? Pakisabi naman kay lord na wag na ako pahirapan oh. Di pa nga ako nakaka move sayo kahit 3 years na yung nakalipas eh tapos may magpapakita pa na kamukhang kamukha mo. Di mo naman ako nainform na dalawa pala kayo na may gayang mukha. Kambal mo ba to? Pero diba nag iisang anak ka lang? Haaaay!'

Nababaliw nanaman ako.

Hindi na ako nagsalita at nilinis nalang yung nabasag ko na baso.

Tsk sayang yung baso Kiara. Napaka drama mo naman kasi eh!

Pati sarili ko ay sinisermonan ko na. Kailangan ko na atang magpa admit sa mental hospital?

"Cassy? sa tingin ko kailangan ko na pumunta sa mental hospital." sabi ko sakanya kahit nakatalikod at busy ako sa paglilinis ng bubog.

Naramdaman kong may bumatok sakin ng malakas. Muntik pa akong masubsob. Aray ah!

"Gaga! Anong trip mo at magpapa mental ka na?" hinarap ko sya at tinignan ng masama.

"Kasi naman sa mga nangyayari sa buhay ko mula nung dumating yung mokong na yun ay puro kamalasan nalang. Tas lagi pa akong napapaisip kung ano pa ang pwedeng mangyari sakin sa mga susunod na araw. Cassy, mababaliw ako kaka isip sa mga yun" sabay higa sa may sofa at pumikit na.

Matutulog nalang ako. Bahala na si Cassy jan kung anong gusto niyang gawin.

---

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may bahagyang yumugyog sa balikat ko.

Shit! Nakatulog nga talaga ako?

Napalingon pa ako sa wall clock para tignan kung anong oras na.

'8:05' na ng gabi. Ilang oras din ako nakatulog.

"Oy gising na kaluluwa mo? Tara kumain na." napalingon agad ako sa nagsalita at nakita si Cassy na nakatayo sa likod ko.

Gabi na ah? Bat andito pa to?

"I know what your thinking. Dito ako matutulog. Sabado naman bukas eh tsaka may damit naman ako dito diba?" sabi niya na parang nabasa nga ang laman ng isip ko.

In Your Arms (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon