C2

41 8 0
                                    

Waiting

"Congratulations, batch mate!" masaya kong tugon saka binababa ang mikropono. Isang taon mahigit ang lumipas at ayun natapos ko na rin ang Senior High School Life. Highest honor lang naman ang natanggap ko. Sobrang nakaka-proud lalo na sa mga taong naniniwala na kaya ko.

After naming kantahin ang Graduation Song namin, ay maraming nag-picture at kung ano-ano pa. Ganun naman talaga pag-graduation diba? Sobrang saya mo, tipong nasa cloud nine mood ka.

"Saan mo gusto mag celebrate?" akbay na tanong sakin ni Daddy. Yes super bait, siya ang kauna-unahang lalaking minahal ko ng buong-buo. I can say that, I have the best dad in the world.

"Uhm, max's I miss the chicken na eh." nakangiti kong sambit sa kanya. Wala lang sobrang saya lang, na makita kong maayos at masaya ang pamilya namin.

Actually this past days nagkakaroon ng strange actions si Mommy. Ayaw kong isipin na may kabit siya. Pero wag naman sana ayaw kong madungisan ang pangalan ng pamilya namin.

"Stacey!" tawag sakin ni Winnie. Ano ba naman hindi pa rin ba ako lulu bayan ng babaeng ito? Joke lang. Hindi ko kaya, marupok ako pag-dating sa mga kaibigan ko.

Kung may tao man akong pinapahalagahan sa mga oras na ito, yun ang mga taong nananatili sa tabi ko kahit anong mangyari. Masaya ako kasi hindi ko man lang naranasan mag-isa. Kaya siguro sobrang hirap sa akin mag-isa kasi nasanay akong may matatakbuhan sa lahat oras.

"Winnie the pooh king ina, what?" tanong ko sa kanya. Habang ako hindi mapigilan ang tawa dahil namasid si mommy sa narinig niya. Sorry na ganito talaga mag-kaibigan.

"Tito and Tita, pwede po bang makatulog sa bahay niyo?" biglang nanlaki ang mata ko sa mga naririnig ko. Nakipag lampungan nanaman ba to kung saan-saan kaya ganito na naman mga lumalabas sa bibig? Hindi ko na alam kung may rehabilitations paba sa mga tulad niya. Bat ko ba siya tropa?

"Sure, no problem. Para naman hindi laging mag-isa si Stacey. You know naman na my daughter never go to a sleepover." pilyong sagot naman ni Mommy sa pang-gugulo ni Winnie.

"Sige tita. Kuha lang ako damit then, I'll go straight to your house. Thank you so much tita and tito." nako naman talaga push nang may kahati ako mamaya sa kama.

Sanayan na lang yan kasi lagi naman natutulog si Winnie lalo na pag-urgent at kailangan ko ng tulong sa mga project. Hindi ko alam pero sobrang laking tulong niya sa buhay ko.

After namin kumain ay umuwi naman kami agad dahil baka nag-hihintay na si Winnie sa bahay.

"Grocery lang ako." paalam ni mommy at hindi na nag-atubiling pakinggan ang permission ni Daddy.

Ganyan naman na siya lagi eh, at hindi ko alam kung normal pa bang madalas siyang lumabas at hindi nauubusan ng alibi. She's kind of weird. Sobrang nakakapagtaka pero support ko parin siya sa lahat ng gusto niyang gawin.

"Pagpasensyahan mo na mommy mo ah?" simpleng paalala naman ni Daddy saka niya ako hinalikan sa noo.

Maya-maya ay may nag-doodbell at si Winnie iyon. Napaka-gago niya sa part na tinotoo niya ang pag-tulog dito sa bahay ah. Sinamahan ko naman siyang iakyat ang bag niya sa kwarto.

"Ang gwapo ni Greysier. Iba talaga nagagawa ng America." what? Sino raw Greysier. Umuwi ba siya?

"Huh?" isang malupit ang palusot para makakalap ng chismis.

"Sila Greysier umuwi na, nakasalubong ko sila kanina. Nag-hi pa nga siya sakin eh." kinikilig niya naman reaksyon habang nag-kwekwento siya dakin.

Hindi ako nagsasalita at hindi rin ako umimik. Aba gago tong babaeng ito, alam niya naman yung tungkol sa nararamdaman ko para kay Greysier tapos sa akin siya mag-kwekwento.

"Tela bat ka ba sakin nagsasabi?" siga kong tanong sa kanya.

"Anong gusto mo sa pempem ko? Huh? Tanong ko lang ah! Hindi porque ex-crush mo bitter ka parin. Kanya-kanya tayo ng mood sa buhay please lang." aba-aba inirapan ako nito.

Dali-dali naman akong pumasok sa cr para mag-shower hindi ko alam pero sobrang saya ko na malamang umuwi na pala si Greysier. Kinuha ko ang phone para i-check ang profile niya at para malaman kung totoo ngang umuwi na talaga siya.

Greysier Villacorta

Aba! Walang lumabas.

Greysier Justine Villacorta

Thank God at may lumabas na naman. Nakita kong umuwi na talaga sila dahil sa Family Picture. Nag-scroll pa ako at nag-hanap ng picture ng biglang may tumawag sakin. And the name is Villacorta, Greysier. Ganyan kasi ako mga-pangalan sa contacts ko.

Hindi humihinto ang pintig ng puso ko. Hindi magkamayaw. Sobrang saya ko, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Hello?" tanong ko habang nanginginig sa lamig dahil nandito ako sa bathtub nakahubad at parang basang sisiw na naliligo.

[Finally. Waiting is over.] sambit sa kabilang linya. Hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating naguguluhan na lamang ako.

"What did you say?" kunyaring tanong ko kahit malinaw ko namang narinig lahat.

[Nothing. May notification kasi sa account ko. Ni like mo yung previous photo ko.] halos hindi ko alam gagawin ko kaya dali dali kong kinuha yung iPad kahit na hindi ako naka bathrobe.

Tumakbo ako papunta sa kama at dali-daling kinuha yung iPad sa lamesa. "What? Babae ako, babae--" hindi ko na natapos ang sasabihin ni Winnie sa halip dumiretso na lamang ako patungo pabalik ng CR.

[What are you doing? May problema ba?] tanong naman niya sa kabilang linya.

"Ah--no ka-si, eh basta bat ba ako mag-eexplain sayo?" umiiral ang tanong ko sa kanya. That's my secret, pag wala na akong masasagot itatanong ko sa kanila pabalik.

[Isang taon lang ako nawala sumungit kana. Nag-bago kana talaga. Pwede kaba bukas?] yayain niya ba ako ng date? Sobrang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Pakiramdam ko anytime, kukunin na ako ng langit sa kilig na nararamdaman ko.

"Bakit?" yan na lamang ang pumapasok sa isip ko. Dahil maski ako hindi ko na alam ang isasagot ko. Pakiramdam ko, mamatay na ako sa walang humpay na takbo ng puso ko.

[Ipapakilala ko lang sayo ang gf ko.] hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nasasaktan na ako ng wala sa oras. Nawalan na tuloy ako ng gana kaya pinatay ko na rin ang iPad kahit na nahanap ko na yung picture na na-like ko.

"Bakit mo sakin ipapakilala? Magulang mo ba ako?" iritang tanong ko sa kanya. First of all hindi niya naman kasi ako nanay para sakin niya ipakilala.

[Hahaha] simpleng tawa niya na lamang dahilan para mas lalo akong mairita.

Maya-maya naman ay pinatay niya na ang tawag. Hindi na lamang ako umiimik, at sa halip tinuon ko na lang lahat sa paglilinis ng katawan. Kung saan siya masaya susuportahan ko siya. I'm just here waiting for him.

The Cupids Chain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon