Disaster
Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko. Tumingin naman ako sa paligid pero ako na lang pala mag-isa. Kinuha ko naman ang phone ko at nagbabalasakaling nag-text man lang si Greysier sakin pero hindi. Kahit isang mensahe wala man lang akong natanggap. Siguro ganoon na lamang kadali na iwan niya ako sa panahon na kailangan ko siya.
Luminga naman ako sa paligid agad ko naman hinanap si Winnie. Noong wala akong makita nagdesisyon naman na akong hanapin siya sa labas. Lumabas ako ng kwarto at pumunta ng sala, wala na si Winnie at napakalinis na ng bahay. Ginawa niya yung ginawa ko noong panahong lasing siya. Napakabait niyang kaibigan. Siya yung tipo ng kaibigan na hihilingin nino man.
Nag-ring naman ang landline ng bahay dahilan para mapalingon ako. Nagbabakasali na si Greysier ang tumawag. Nagbabakasaling babalik siya.
"Gising kanaba?" nag-aalalang tanong sakin ni Winnie. "The fuck malamang sinagot mo nga eh. Kumusta pakiramdam mo?" tanong niya habang may tumawag sa pangalan niya.
"Ayos lang. Sige na magtrabaho kana." akmang magpapaalam na ako.
"Wait, sorry hindi na kita nasamahan. Super urgent kasi ng meeting namin. By the way, pupuntahan kita mamaya." her explanation and then she ended the call.
Humanap naman ako ng pagkakaabalahan para mawala man lang lahat ng mga iniisip kong nakakapagpasakit lang ng damdamin ko. Nilibang ko naman ang sarili ko panonood ng Netflix. Winnie is right I should always keep my self worth it. Hindi lang dapat sakanya umiikot ang mundo ko.
Nag-story ako saking FB account. Picture lang iyon ng movie na pinapanood ko, with a caption of 'Forget about the past.' Habang abala naman na ako sa pinapanood ko bigla naman nag beep ang phone which means may notification.
After how many minutes Doctor Reyes replied to my story. He said "We are destined to each other."
Tangina, assumero. Wala ba tong pasyente?
Greysier saw it. He reacted a like. What the hell? Yun na yon? Tangina mo pagsisisihan mo lahat ng sakit na binigay mo sakin. Inis ko namang pinatay ang phone ko. Inayos ko naman ang gamit ko at tinapon lahat ng ala-ala naming dalawa.
I saw the notebook, the story of us. I immediately print my picture yesterday. Kinuha ko naman ang glue at agad ko itong dinikit. Nilagyan ko naman ng message 'The End.' Nakangiti ko namang tinakpan ang notebook at nilagay sa maleta ko. Siguro ito na ang wakas ng pagmamahalan naming dalawa.
Abala naman ako pagluluto nang biglang may nag-doorbell hinihiling na sana si Greysier man lang. Hindi parin maalis sa isip ko ang lalaking minahal ko ng sobrang tagal. Akala ko si Winnie ang kumatok pero hindi naman pala.
"Anak." she said.
The reason of my heart ache is here. Tumalikod na lamang ako sakanya habang siya abala sa paglalakad para malapitan ako. My mood changed immediately.
"What?" I asked.
Hindi ba niya alam ang sakit na dinulot niya sakin? Nakatingin lang siya sakin na tila ba naguguluhan sa naging asal ko. Hindi niya alam?
"May problema ba?" nag-aalalang tanong niya sakin. Hindi maalis ang tingin niya sakin. Tila ba inaaral lahat ng mga nasa isip ko.
"May pake ka pa pala." sarcastic kong sagot sakanya. At tumingin ng masama sakanya.
Dumiretso naman ako sa kusina at pinagpatuloy ang pagluto. While she is still waiting in the table. Ano bang ginagawa niya rito? Hindi niya man lang ba alam na ayaw ko ang presensya niya.
Nang matapos na akong magluto. Hinanda ko naman ang plano. Hindi pa ako nakakalapit sa lamesa bigla naman siyang lumapit. Nilagay ko naman plato sa lamesa, humihiling na sana wala akong magawang masama.
"Stacey, handa akong makinig. What's the problem?" lumapit siya sakin at hinawakan ang braso ko.
Magkaharap kami ngayon. Wow! Himala nag-aalala pa pala siya sakin matapos niya kaming talikuran ni Daddy at piliin ang tatay ng... putang ina napakasakit.
"Wag na tayong magplastikan. You know what mommy napakasakit eh. Sobrang sakit! Bakit ako yung nagbabayad sa mga kasalanan mo? Hindi ko deserve to mom." duro ko sa puso ko.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nilalayo ko siya sakin pero lapit parin siya sakin ng lapit. Ano ba dapat ang trato ko sakanya? Dapat ba maging dahan-dahan muna ako? Hindi ko alam kung paano ko i-handle lahat ng sakit na nararanasan ko parang nawawala na rin ako sa sarili ko.
She come closer to me and grab my hand. But I refused.
"Mom, sana kahit isang beses inisip mo naman ako. Sobrang sakit ng ginawa mo sakin! Lahat ng meron ako nawala ng dahil sayo pati na rin ang lalaking mahal na mahal ko. Nakakasuka kayo!" sabay tulak ko sakanya. This is the first time na nabastos ko siya ng sobra.
Napaatras naman siya dahil sa ginawa ko. Nakatingin lang siya sakin at gulong-gulo sa mga sinasabi ko. Hindi siya marunong makiramdam sarili niya lang talaga ang nasa isip niya. Basta masaya ayos lang at wala siyang pakialam sa mga taong nasasaktan niya.
"Anak hindi ko maintindi-" I cut her.
"You're a fucking mistress! Kaya mo kami iniwan ni Daddy tama? And yung kalaguyo mo Tatay ng BF ko! Napakagago mo rin mommy! Sobrang landi mo. Ako yung nasasaktan dahil sa mga ginagawa mo! The worst nagkaroon pa ako ng kapatid." sigaw ko sakanya.
Gulat na gulat siya sa mga sinabi ko. Hindi ko alam pero sobrang naguguluhan din ako. Hindi ko lubos maisip na manggagaling yung sa sarili ko. Nanay ko parin siya hindi parin tama ang ginawa ko. It's like killing your own flesh.
"Yes, malandi ako. Makati ako kasi hindi ako nakuntento sa Daddy mo. Pero Stacey walang araw na hindi kita iniisip. Noong iniwan kita gustong-gusto kitang balikan kaya pumunta ako sa Airport para man lang makita. When you where in America lagi kitang sinisilip sa school mo. Syempre ayaw kong magpakita dahil alam kong galit ka sakin. Noong nagtake ka Board I was there in the window watching you until you finished the test. I saw every step of your achievements." hindi ko alam pero bigla na lamang tumulo ang sunod-sunod ko na luha.
Napatingin ako sakanya na ngayon lumuluha na. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. I can't talk. Speechless ako sa mga nalaman ko.
"Walang ina ang matitiis ang anak niya. Sa tuwing nahihirapan ka I asked Monica to gave you the cake, the food and notes that I made for you. Gil also helped me to bake those sweets." Monica is one of my friends in America. Hindi ko alam.
I never had a chance para matanong si Monica kung sinong gumagawa ng mga binibigay niya sakin. Maybe I was busy back then, kaya hindi man lang ako nagkaroon ng chance para magpasalamat.
"I didn't know." humahagulgol kong tugon sakanya.
Hindi parin ako makapaniwala sa mga naririnig. Nakapatingin parin siya sakin at hindi maalis ang kanyang luha. Lalapit na sana ako sakanya ng bigla siyang umatras. Kung nasaktan na ako kagabi mas lalo naman akong nadurog ngayon.
"Anak, magpahinga ka muna. Maghihintay ako hanggang sa mapatawad mo ako. Sa ngayon mahalin mo muna ang sarili mo." she said.
And for the second time...
Iniwan niya ako ulit na gulong-gulo at nasasaktan.
BINABASA MO ANG
The Cupids Chain
RomanceS & G (2020) Paano panghahawakan ang mga pangako ng unti-unting napapalitan ng galit. Maging sapat ba ang pagmamahal na nagbibigay o handa mong bitawan ito.