Rain
Pagkatapos akong kuhanan ng sample, bumalik naman ako agad kay Daddy at kinausap ko naman siya kahit wala akong matanggap na sagot mula sakanya. Nagsabi naman ako kay Winnie na siya muna ang mag-bantay kahit sandali lang. Pumayag naman siya at sinabing magpahinga na muna ako dahil kailangan ko raw 'yon dahil na sa mga kaganapan.
Habang abala ako sa pagkuha ng mga damit na aking gagamitin para sa susunod na araw may natanggap naman ako na tawag. Hindi ko kilala kung sino ang tumawag dahil hindi naman nakarehistro ang numero saking cellphone.
"Hello?" tanong ko sa telepeno.
Rinig ko naman ang pag-ubo niya at pahinga ng malalim bago siya nagsalita.
[Ibuburol namin si Sierra dito sa town house namin sa Laguna.] boses ni Tito Grey mula sa kabilang linya.
Naalala ko naman na binigay ko pala ang numero ko sakanya upang masabihan niya ako sa magiging burol ni Mommy.
"Pwede po bang konting mga tao na lamang ang 'yong imbintahan. I know pagkakaguluhan kasi tayo. Pag-uusapan ang magiging mainit ang pangalan niya. Ayaw ko naman maging magulo ang pahinga niya." I said to him.
I heard a deep breath from the other line.
[Mabuti nga.] mahinahon niyang tugon sakin.
"Kilala mo na po ba ang gumawa nito sakanila?" kunyari kong tanong sakanya.
Alam kong alam niya dahil na rin tatay ng asawa niya ang sangkot sa kaganapang ito.
[Hi-hin-di ko a-lam.] nauutal niyang tugon dahilan para mas lalo akong mairita. Sa pagsagot niya palang sa tanong ko alam kong may alam siya.
"Pakitext na lang sakin ang Address para makapunta ako, after my donation for Dad." paalam ko naman sakanya.
[Hindi kayo pwedeng maging kayo ni Greysier.] tugon niya para mas lalo akong maguluhan.
Bakit biglang nadamay ang pangalan ni Greysier.
Binagsak ko naman ang tawag at hindi ko alam ang gagawin dahil na rin saking mga narinig. Anong meron kay Greysier? Bakit?
Itinuon ko naman ang sarili ko sa pag-aayos. Nag-isip ng pagkakaabalahan. Nagdesisyon ako na pagkatapos ng donation bukas tiyaka naman ako aalis at puntahan ang nanay kong nakaburol.
Hindi ko naman na napansin na gabi na pala. Malamang malaking istorbo na ako kay Winnie. Nagmadali naman ako sa pagligpit ay ni-lock naman na agad ang pinto.
Noong palabas na ako ng Condo nakasabayan ko naman si Greysier. Tumingin lamang siya sakin at tipid na ngumiti.
"Ihatid na kita." pormal niyang paalam sakin.
Dahil ayaw ko na rin ng away at ayaw ko na rin pahirapan ang sarili ko hinayaan ko na lamang siya. Nakasunod lamang siya sa bawat hakbang ko. Kinuha niya na rin ang bag na dala ko dahil pansin niya ring medyo mabigat 'yon.
Noong makapasok na kami sa Elevator ramdam ko parin ang pagiging wala niya sa sarili. Sumusulyap sulyap siya sakin at pagnahuli ko iniiwas niya ahad.
"Stella." tawag niya sakin dahilan para mapalingon naman ako.
"Anong sikreto nanaman ang ibubunyag mo?" tanong ko sakanya.
Tumingin siya ng naguguluhan sakin. Tila ba nagulat saking sinabi. Huminga lang siya ng malalim at lumapit sakin. Noong malapit na siya tiyaka naman niya ako hinagkan at niyakap ng mahigpit.
"Alam kong nasasaktan kana. But, please let me be--" hindi ko na siya hinayaang ituloy ang ano mang nais niyang sabihin.
"Let? The fuck Greysier. Sana naisip mo 'yan bago mo ako iwan noon. Iniwan mo ako noon, at alam mong kailangan na kailangan kita." hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
"I'm sorry." nakayukong tugon niya sakin.
"Sorry? Tingin mo ganoon na lamang kadali? Sana ganoon na lang talaga kadali. Pagod na ako Greysier. Hirap na ako please lang, huwag mo na akong pahirapan pa. Layuan mo na ako tulad ng ginawa--" he didn't let me to continue my words.
Hinalikan niya ako, hindi ko alam pero pansin kong wala sa sarili sumasagot ako sa halik niya. Napapaisip ako pero hindi ko alam kung bakit sobrang dali niya akong makuha. Siguro dala lang ng pagod ko at hirap ko.
Noong magising ako sa wisyo agaran ko naman siyang tinulak at lumayo ako sakanya. At napabuti naman dahil nagbukas na ang elevator.
Sumakay naman ako sa kotse niya noong makarating na kami ng Parking Lot. Tahimik kami buong biyahe walang gustong magbigay ng salita.
"Stella, please give me a chance. Pangako, gagawin kong worth it lahat." tugon niya sakin noong nakakuha na siya ng lakas ng loob.
"Please huwag ngayon." simple kong paliwanag sakanya.
Hindi naman na siya nagpumilit pa sa halip hinayaan niya na lamang ako manahimik. Noong nakarating na kami sa Parking Lot ng Hospital. Pansin ko naman na siya ang unang lumabas para pagbuksan ako ng pinto. Na matagal ko ng hindi nararanasan.
Parang tulad ng dati.
Dati.
Noong nakalabas na ako ng pinto. Pansin ko naman na may kinuha siya sa bulsa niya tiyaka siya lumuhod.
"Will you marry me?" he asked with his diamond ring.
"What the, Greysier please. Huwag muna nga ngayon. May oras para sa mga ganitong bagay. At hindi biro ang inaalok mo." paliwanag ko sakanya pero hindi parin siya nagpatinag. "Tumayo ka nga diyan." pagpupumilit ko sakanya pero hindi parin niya ako pinakinggan.
"Will you marry me?" he asked me again.
"No. I'm sorry." sabay hatak ko sakanya upang tumayo na siya.
"Will you marry me?" he asked me again for the third time.
"No." hatak ko muli sakanya.
"Will you marry me?" again he asked me.
"Please." tugon ko upang tumayo na siya.
Hindi parin siya tumayo sa kinaroroonan niya. Kaya naman naubusan na ako ng pasensya. Napansin ko naman na unti-unti ng bumubumuhos ang malalakas na ulan. At nananatili parin siyang nakaluhod habang pinapakita ang singsing.
"Please tumayo kana diyan uulan na." pagmamakaawa ko sakanya pero hindi parin siya nagpatinag.
"Will you marry me?" for his fifth time.
"Greysier hindi tayo nagbibiruan." tugon ko at basang-basa na nga kami.
Pansin kong hindi parin siya gumagalaw nakaluhod parin siya at pinapakita ang singsing.
"Mahal mo pa ako." he declared.
"Yes, I love you. So please tumayo kana diyan." nag-aaalala ko ng sambit dahil na rin malakas na ang ulan.
Hindi parin siya tumayo kahit ilang hila ko na. Ayaw at ayaw niya paring umalis kahit basang-basa na kaming dalawa.
"Will you marry me?" mahina niya ng tugon sakin.
"Yes. Fucking yes so please." sigaw ko sakanya.
Nagulat naman siya sagot ko at tiyaka tumayo. Sinuot niya naman sakin ang singsing at hinalikan ako.
"She's already my fiancé." mga sigaw niya Parking Lot.
Niyakap niya naman ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"I love you." he said and he kissed me again.
"I love you too." I said.
BINABASA MO ANG
The Cupids Chain
RomanceS & G (2020) Paano panghahawakan ang mga pangako ng unti-unting napapalitan ng galit. Maging sapat ba ang pagmamahal na nagbibigay o handa mong bitawan ito.