C19

23 5 0
                                    

Looks

"Enough!" umalingawngaw na sigaw ni Greysier dahilan para matigilan ang dalawa. Napatingin din ang maid sa lakas ng sigaw ni Greysier.

Agaran naman akong hinil- ni Greysier palabas ng kanilang bahay nang wala man lang binibitawan na salita sa mag-ina. Nang makarating kami sa labas agad niya naman inabot sakin ang panyo pamunas ng aking mukhang basang-basa na ng luha.

"Sakay." he demanded.

Sumakay naman ako agad, pero this time hindi niya na ako pinagbuksan ng pinto. Walang umiimik saming dalawa, sinandal ko na lamang ang ulo ko bintana at pumikit.

Hinihiling na sana pagdilat ng mga mata ko isa lang pala itong panaginip. Hindi ko lubos maisip na ang pamilyang sinisira ng nanay ko at ang pamilya ng taong mahal na mahal ko. Bakit ni isang beses hindi ko man lang nalaman iyon?

Hindi parin maalis ang luha ko dahil na rin sa mga nalaman ko. Hindi rin ako matingin kay Greysier ng deretso dahil alam kong katulad nila galit na galit na siya sa nanay ko. Kung tutuosin dapat labas ako rito dahil hindi naman ako ang nanay ko pero napakakitid ng utak para madamay ako.

Hinatid niya ako sa bahay. Bumaba naman ako kaagad at hindi ako umiimik. I'm still waiting sa kung ano man ang gusto niya. Hindi parin ako umiimik at nanatiling tahimik.

"Open the gate." he commanded without looking in my eyes.

I opened the gate and let him enter his car. Hindi ako umiimik sa kung anong meron sakanya basta nanatili lang akong tahimik at hinahayaan siya sa kung ano man gusto niya gawin at sabihin. Sumasabay ang malamig na hangin sa sakit na aking nararamdaman.

Ihahanda ko na rin ang sarili ko sa mga posibilidad na maaaring mangyari. Kahit masakit tatanggapin ko. Kahit mahirap kakayanin ko. Kahit walang kasiguraduhan lalaban ako.

Pumasok kaming dalawa sa loob, tulad ng dati walang nag-aabalang magsalita. Umupo naman siya agad sa sofa at ako naman umiiyak habang tinatanggal ang sapatos ko. Naririnig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Pinaghalong kaba at sakit.

"Stella." he said with his cold approach.

Hindi na tulad ng dati.

"Sasampalin mo rin ba ako tulad ng ginawa nila? Tell me handa na ako." umiiyak kong tugon sakanya.

Hindi parin siya umiimik, nakayuko lang siya at tila ba nag-iisip ng mabuti. He's the CEO of the company and I know kung paano niya i-handle lahat ng problema para lang hindi makasakit.

"I'm sorry." he said.

"No, it's should be me. Alam kong nasaktan ang mommy mo at tiniis niya yon ng ilang taon. Kahit alam kong labas naman ako at hindi dapat kasali sa kung ano mang nagawa niya." panduduro ko sa pintuan.

"Stella, matagal mo ng alam?" he asked me. Iniba niya ang punto ko. Hindi niya man lang pinansin ang mga sinabi ko.

I looked at him and he looked away. I wiped my tears and lumapit ako sakanya para mas makausap siya ng masinsinan. Ako na ang lalapit para lang masubukang ibalik man lang lahat sa dati.

"I know na may kabit si Mommy. Nagpasundo pa ako sa condo niya right? And I talked to you about that. Yung kotse ko naiwan dun at pinakuha ko na lang kay Kuya Sergio. Alam kong mag kabit siya pero hindi ko alam na yung daddy mo. Deb, sinabi ko sayo yun una palang." humahagulgol kong sagot sakanya.

That's the truth hindi ko alam kung sino at wala akong ideya na Daddy niya yon. Maybe noong naging pasyente ko ang Daddy niya may mga bagay nakakapanghinala pero ang tanga ko kasi hindi ko man lang nalaman.

"Gusto kong maniwala sayo. But, I can't. Please don't call me by our endearment." he said while playing with his shirt.

I can feel the tension between the two of us. Wala na akong ibang marinig kundi ang hagulgol at malalakas na tibok ng puso naming dalawa. Alam kong nagpipigil lang siya para hindi ako lubos masaktan.

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya sakin. Hindi man lang ako makatingin ng deretso sa mga sinabi niya tungkol sakin. At mas lalong hindi ko maalis ang sakit sa simabi niya lalo na sa pagtawag ko sakanya ng Deb.

Napakasakit.

"Ganyan ba ang tingin mo sakin?" umiiyak akong nakatingin sakanya.

"Hindi ko alam. Biglang nag-iba lahat simula ng malaman ko lahat ng rebelasyon ni Mommy." nalulungkot niyang sumbat sakin. Tila ba sigurado na siya sa mga sinabi ng nanay niya tungkol sakin, samin.

Hinila niya ako palapit sakanya para mayakap niya ako. Naramdaman ko rin ang halik niya sa buhok ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin pero hinahayaan ko siya. For able to lessen the pain. Ramdam ko parin ang pagmamahal niya para sakin.

"I'm so sorry. In the first place noong sinabi kong may kabit si Daddy. Alam mo kung gaano na ako kagalit sa babae. Sinabi ko rin kung gaano ko siya gustong patayin." sinabi niya habang nakayakap parin sakin.

"I'm so-rry." nauutal ko ng sagoy sakanya.

He let me go and looked at me. Kinuha niya naman ang kamay ko at hinawakan. He kissed my left hand before he kissed my forehead.

"You're out of this messed." he said with his eyes still cold and blank. Kahit papano nabuhayan naman ang loob ko sa sinabi niya. "Kasalanan ng mommy mo iyon at hindi ikaw ang mommy mo. May kapatid tayong dalawa, sa mommy mo at daddy ko." yes we have. And I met the little boy already.

Hindi ko inakala na kapatid ko rin pala ang batang lalaking pinakilala sakin ni Greysier. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyayari, hindi parin maalis lahat ng kaba at mga nangyari. Hindi ko parin ma-absorb lahat ng sakit at rebelasyon na narinig ko. Tila ba lahat sariwa at masakit.

Hindi ko parin alam pero sobrang hirap parin ako sa mga desisyon nasasaktan parin ako. Tumingin siya sakin at huminga ng malalim. Nakatingin lang ako sakanya at hindi parin maalis ang kaba ko sa dibdib.

"Maybe we should end this relationship." he demanded and then he looked away while he still holding my hand.

The Cupids Chain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon