Reunion
"Daddy ayaw ko po yan na dress." hindi naman kasi mahilig sa pink.
Sabi ko kay Daddy na mag simple attire na lang ako. Pumayag naman siya agaf at sabi niya kailangan pumunta raw ako sa reunion ng may bagong damit. Kailangan ko raw kasing bilhan sarili ko paminsan-minsan ng mga bagay na gusto ko.
"Doc Mariano." tawag ng isang pamilyar na boses kay Daddy. Kaya naman napalingon ako agad.
"Long time no see, Wilbert." sabay apir ni Daddy.
Daddy ni Winnie. May alitan nga sila naiwan ang daddy niya dito sa Pilipinas eh. Sana maayos parin nila at huwag hahantong sa kaganapang nangyari sa pamilya namin.
Happiness.
How I wish na sana iyon na lamang ang patuloy kong maramdaman. I'm so desperate to feel the real happiness right now.
"Stacey, ang laki mo na ah? Pasensya kana wala akong gift sayo nung Graduation mo. Hayaan mo sabihin ko kay Winnie na isama ka sa ot of town namin next month." lagi na akong kasama ano pa naman bang bago?
"Sana nga po tito payagan ako ni Daddy." sabay tingin kay Dad ng may pang-aasar. Natawa naman si Dad at ginulo
ang buhok ko.Nagpaalam naman agad si Tito Wilbert dahil may pupuntahan pa raw siya. Mabilis naman akong nakapili ng damit at kumain lang kami ni Daddy sa Burger King.
Mabilis na natapos ang araw. Hindi ko na namalayan na bukas na pala ang reunion. Dapat daw idala ang PE uniform namin upsmang yung daw ang gagamitin namin sa mga laro.
Lumabas ako kaagad para puntahan si Nay Piling at tanungin kung saan niya nailagay ang PE uniform ko.
"Nanay, meron pa po ba yung PE uniform ko?" tanong ko naman kay Nay Piling.
"Stacey, huwag ka sana magalit. Pero binigay ko na sa mga pamangkin ko. Sa mga anak ng kapatid ko noong nag day off ako. Pasensya na hindi ko alam na kakailanganin mo pa. Wala na kasi silang damit na mausot." totoo naman yun kasi mahirap lang ang kapatid ni Nay Piling.
Para sa simpleng tulong namin sa tuwing may nagkakasakit sakanila libre na lamang.
"Nay naman, ayos lang po. Hihiram na lang ako sa mga kaibigan ko noon. Don't be sorry. Good night nay." paalam ko naman tiyaka sinarado ang pinto.
Agad naman akong na-text kay Greysier.
Me
Oyyy! Peram ako PE. Nabigay na kasi ni Nanay Piling yumg PE Unif ko sa mga pamangkin niya.
Sent
Naseen niya naman agad ang message.
Villacorta, Greysier
Yes. Dala ko bukas. I'll fetch you tomorrow.
Received
Kinabukasan nagising ako ng maaga. 2 days ang reunion at alam naman ni Daddy iyon. Sinabi ko na rin na si Greysier ang susundo sakin. Hindi naman na siya nag-abalang itanong pa kung sino siya.
Pagkatapos kong suotin ang Fila White Shoes, black ripped jeans and simple sando shirt paired with leather jacket and simple LV bag ay bumaba naman na ako.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Greysier. Hindi ko alam pero hindi ko pa siya naipapakilala kay Dad lalo na sobrang komplikado pa nang nangyayari sa pamilya namin.
Sumakay naman ako agad sa sasakyan niya. As usual mabango parin, nilagay ko ang bag ko sa passenger seat. Sinet ko naman ang iPad at nagsimulang magpatugtog sa kotse.
BINABASA MO ANG
The Cupids Chain
RomanceS & G (2020) Paano panghahawakan ang mga pangako ng unti-unting napapalitan ng galit. Maging sapat ba ang pagmamahal na nagbibigay o handa mong bitawan ito.