Achievements
7 months after the heartbreak, I made myself busy. I changed everything, even my name in the Hospital and social media. I also changed my number for able to escape from those negativities. Ayaw ko ng ikulong ang sarili ko sa sakit, mas okay na ako sa ngayon kung saan mas natututunan kong unahin ang sarili ko.
"Doctor Celyne, meron na po ang next patient mo." tugon sakin ng secretary ko muna sa labas.
I gave her the signal na pwede na niyang papasukin. Gabi na rin, I already changed my shift into night para makaiwas na rin sa mga problema. Sometimes nakikita ko si Greysier somewhere here pero I always ignored him. Kinukulit niya rin ako kay Winnie kung kumusta ako, sinasabi sakin ni Winnie everytime na magtatanong si Greysier tungkol sakin. Lagi naman sinasabi ni Winnie na ayos lang ako.
Nang matapos ko ang akong huling pasyente tiyaka naman na ako umuwi sa Condo ko malapit sa Hospital. Dahil na rin sa ayaw kong maalala lahat ng nakaraan nag-decide na rin akong bumili ng Condo malapit sa Hospital.
Habang nasa biyahe ako napansin ko naman ang sasakyan na sumusunod sakin. It was the car of Greysier. Ilang beses ko na siyang nakitang gamit ang sasakyang iyon at pati na rin ang plate number kabisado ko na. Tinuruan ko na rin ang sarili ko huwag hahabulin yung mga taong ayaw ng manatili sa buhay mo.
Hindi ko na lamang pinansin ang kotse sa halip ay dumiretso na lamang ako sa parking lot. Akala ko hindi na siya susunod pero sumunod parin siya. Nagpark pa sa tabi ko. I ignored him again noong nakalabas na si Greysier ng sasakyan niya, mas nauna naman ako sa paglalakad. Ramdam ko naman ang tensyon saming dalawa pero mas mabuti nang hindi ko na lamang pinansin.
"Good Evening ma'am Celyne." pambati sakin ng Guard sa Condominium.
"Good Evening." nakangiti ko namang bati sakanyan.
"Welcome sir Villacorta." pambati naman ng Guard dahilan para mapalingon ako.
Nakatitig lamang siya sakin at umirap na lamang ako. Wala akong panahon sakanya dahil pagod na rin ako. Sumakay naman ako agad ng escalator nang bigla rin siyang sumabay. Pumindot naman ako ng numero at hindi siya pumindot dahilan para mairita ako. Kung ano-anong pumapasok sa isip ko na baka sinusundan niya ako at nagpapansin siya.
This Condominium is one of the most expensive Condo in the Philippines. Kaya bihira at kokonti lang ang nakatira rito. My room was in the 13th Floor. B17 is my room, lahat ng katabi kong kwarto 3 lang ang may nakatira.
Noong tumunog na ang bell hudyat na nakarating na. Dali-dali naman akong lumabas ng Escalator at nakakainis sunod parin siya ng sunod. I looked at him with anger pero hindi siya nagpapatinag.
Inis naman akong huminto. Humarap ako sakanya at tiningnan siya ng masama. He still used to wear his favorite perfume that makes me addicted everytime I smell it.
"Sinusundan mo ba ako?" inis kong tanong sakanya.
"No, Stella." paliwanag niya naman sakin.
"It's Celyne!" irap ko sakanya naka pamaywang parin siya sakin na tipong napaka-cool lang na CEO . "And what are you doing here?" inis kong tanong sakanya.
"B18 is my room. Here in the 13th floor. So what do you expect? Hindi tayo magsasabay?" tanong niya sakin tiyaka niya ako nilampasan.
Inis naman akong naglakad patungo ng kwarto at sinarado ito ng malakas. Nagdesisyon naman na akong maligo at matulog. I don't have time to eat. Wala akong gana.
Bigla naman may nag-doorbell, tumayo naman ako agad. Pero sobrang daming katanungan umiikot sa utak ko dahil na rin katapat ko lang ang kwarto ni Greysier. Base sa pagkakaalam ko wala naman akong inaasahang bisita o order ngayon. Binuksan ko naman agad ang kwarto ko at tumambad sakin si Greysier na naka-apron pa.
"Kumain kana nga. Huwag kang nagpapalipas. Oh eto, tira ko." he said while having that clingy smile.
Napansin ko naman agad ang soot niya naka t-shirt lang siya ay boxer. Bakat pa ang pagkalalaki niya. Walang hiya naman oh! Malaki parin kaya?
"Hoy, tititigan mo na lang? Namiss mo ba?" mga pilyo niya namang sagot sakin.
Hindi ko na lamang siya pinansin. Sa halip kinuha ko ang adobo na niluto niya. This is one of my favorite na madalas niyang lutuin noong nasa America pa kami.
"Thank you." sagot ko naman at sinarado na ang pinto.
Kumuha naman ako agad ng pinggan para kumain. Sakto dahil wala akong nilutong kanin kaya maintain parin ang diet ko. Another doorbell naman ang narinig ko.
What again.
Pikon ko namang binuksan ang pintuan. Si Greysier nanaman na wala ng apron. May dalang kanin na nakalagay na sa pinggan.
"I forgot." tugon niya at tumalikod sakin.
Nakatulog naman na ako kaagad pagkatapos kumain. Maaga akong nagising upang makapag-ayos ng bahay. Someone texted me, mga Head lang ng Hospital ang may number sakin kaya hindi madaling mahanap ang number ko. Ayaw ko na rin kasi munang magkaroon ng manliligaw dahil galing lang ako sa heartbreak. Gusto ko munang magpahinga mula sa sakit.
Quezon, Jude
Doc Celyne, our hospital in now on top of the World. Tayo na ang nangunguna sa pinakamagaling at matatag na Hospital. Congratulations!
Received
Dahil sa gulat ko hindi naman ako makapagsalita. Sobrang saya ko kasi for more than how many years ngayon lang kami ng Top 1. Tumawag ako nag-usap naman sandali tumgkol sa Hospital. Nang bigla nanamang may nag-doorbell.
Paglabas ko again si Greysier nanaman. Hindi ko alam kung ano ba dapat reaksyon ko. Mahal ko parin siya, nasasaktan parin ako. Pero alam kong ayos na siya besides siya naman ang nang-iwan.
"Stella." he said while staring at me.
I nodded. I don't like to hear that name anymore.
"What? I said Celyne." I said.
"Yung kaldero ko sana kukunin ko." he said with a shy type. At hindi man lang pinansin ang pagpapakilala ko.
Nagulat naman ako agad. I almost forgot. Yung kaldero niya nga pala hindi ko nabalik kahapon at hindi pa nahugasan.
"Pasok ka." yaya ko naman dahil kailangan ko pang hugasan ang kaldero.
Hindi naman ako nahirapan dahil agad naman siyang pumasok. Tumingin lang siya sa paligid at ako naman abala na sa paghuhugas ng kaldero. Habang hinuhuhasan ko iyon napatingin naman siya picture na nasa bookshelf. Picture ko sa America na siya ang kumuha. Miss ko na siya.
"Greysier." tawag ko naman sakanya dahilan para mapalingon siya. "The kaldero." I said.
Kinuha niya naman ito agad at nagbigay ng maliit na ngiti. Dumiretso naman siya agad sa pinto. Naglakad kaming pareho ay pinagbuksan ko siya ng pinto. Noong isasarado ko na sana yung pinto hinarang niya naman ako.
"Congratulations! You made it. Another achievement. I --" hindi niya tinuloy at tumalikod na lamang siya patungo sa room niya.
BINABASA MO ANG
The Cupids Chain
Любовные романыS & G (2020) Paano panghahawakan ang mga pangako ng unti-unting napapalitan ng galit. Maging sapat ba ang pagmamahal na nagbibigay o handa mong bitawan ito.