Not anymore
"Greysier." mahina kong tawag sakanya. Habang ang mata ko ay punong-puno na ng luha.
Hindi parin siya lumilingon sakin. Hindi man lang siya nag-abalang tingnan ako kahit ilang segundo sa halip. Binaliwala niya lang ang pagtawag ko sakanya. Parang anino lang ako na hindi man lang napapansin.
"Deb." once more.
Again, wala nanaman siyang reaksyon at hindi man lang lumingon sakin. Hindi parin ako makapaniwala sa kanyang mga sinabi. Anong pumasok sa isip niya para iwan ako? Hindi na ba magkakaroon ng pag-asang itama man lang ang mga mali. Itigil?
Pitong taon.
Hindi ganoon kadali na kalimutan ang ilang taong pinagsamahan namin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Lahat ng mga sinabi niya nananatiling katanungan.
"Stella, it's already complicated. So please, let's make it easy. We should end this right now, before it's too late." sagot niya sakin at akmang aalis na.
Hinila ko ang kanang braso niya at hinarap ko siya sa harap ko. Hindi ako titigil hanggang maalala niya lahat kung paano kami nagsimula. Hindi siya nakatingin sakin. Lumunok na lamang ako ng laway at huminga ng malalim. Akmang gagawin na ang planong nasa isip ko ngayon.
Lumuhod ako sa harap niya. Nag-mamakaawang huwag niya akong iwan but, hindi siya nag-abalang tingnan man lang ako. His pride over his gf.
"Deb, please huwag mo akong iwan." pagmamakaawa ko sakanya pero hindi parin siya nagpatinag.
Just like my mom. He left me without even saying Good Bye. Umalis siya at sinarado na lamang ang pinto habang ako nanatiling nakaluhod at hindi alam kung ano ang gagawin.
Noong marinig ko na ang engine niya. Dali-dali ko namang kinuha ang susi ko. Hindi ko parin alam kung anong gagawin ko. Instead I decided na pumunta na lang ng bar at maglasing.
Pero nangingibabaw parin ang pagiging doctor ko. Ayaw kong sayangin ang lisensya ko para sa isang lalaking hindi man lang kayang panindigan ang mga pangako niya. Pumunta na lang ako sa pinakamalapit na grocery at bumili ng 2 case ng beer. Ito na lang ata ang magiging karamay ko sa lahat ng sakit.
Umuwi ako kaagad pagkabili ko. At bago pa ako malasing sinabi ko na kay Daddy at sa Hospital na hindi ako makakapasok bukas dahil may sakit ako. Hindi na rin ako naghintay ng sagot sa halip sinimulan ko ang paglalasing.
"Cheers." yaya ko mula sa kawalan.
Nagmumukha akong tanga sa ginagawa ko. Pero wala nangingibabaw parin ang tawa at hagulgol ko sa loob ng bahay. Kung tutuusin hindi ako nasaktan sa sampal ng nanay at kapatid niya nasaktan ako pang-iwan niya sakin.
Masakit parin.
"Putangina niyong lahat. Mga pangako na lang pala kayo. Tapos iiwan niyo lang pala ako." sigaw ko sabay tagay ng isa pang bote ng beer.
Puro ako rants at tagay ng biglang may mag-doorbell. Pagewang-gewang naman akong tumayo para pag-buksan ng pinto ang sino mang kumatok.
"Winnie the pooking ina." kantyaw ko ng makita si Winnie sa pintuan.
Halos mapanganga naman siya sa naamoy niya. Galit naman niyang hinila ang beer na hawak ko. Kitang kita kong irita na siya sa mga ginawa ko.
"What are you doing?" irita niyang tanong sakin. Sabay hatak niya ng kamay ko dahilan para magkaharap kami.
"Naglalasing. Oopss. Teka baka hanapin ka ni ---" pero pinutol niya agad ang ano mang sasabihin ko.
"Mag-open ka sakin dali." sagot niya.
I saw her tears when she saw me miserable. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nakikita ko na siyang umiiyak. Naiyak siya ng dahil sakin, dahil sa sakit na nararanasan ko. Hindi niya deserve umiyak napakabuti niyang kaibigan.
"Sabihin mo sakin dali. Makikinig ako." she said with her painful voice.
Hindi parin ako umiimik. She hugged me and massaged my back. She's still my bestfriend. She never changed.
"Ang sakit." panimula ko sakanya habang humahagulgol. "Ang sakit sakit, wala na akong ibang maramdam kundi ang sakit." I said.
Yakap niya parin ako at nararamdaman ko na ang luha niyang tumutulo saking likuran. This is the real definition of friendship, yung tipong maiiyak kayong dalawa sa problema ng isa.
Kinuwento ko lahat ng nangyari habang nakayakap parin sakanya. Hindi parin maalis lahat ng sakit na meron ako. Nakikinig lang siya sakin at hindi nagbibigay ng opinyon. Nasanay kami na ganito na tuwing may problema hindi kami nagbibigayan ng opinyon. Open means makikinig hindi para sabibin mo ang bagay na nasa isip mo.
"Alam kong nasasaktan kana. But please huwag mong hayaang umikot ang mundo mo sa isang lalaki. Maging matapang ka. Nandito lang ako hindi kita iiwan kahit anong mangyari. Hindi ko tinuro sayo yan, ang maging mahina." makabuluhan niyang sagot at yakap parin ako.
"Ano nang gagawin ko?" I asked her with my tipsy voice.
Kumalas siya sa pagkakayakap at hinarap ako. Nakatingin lang siya sakin at seryosong nag-iisip ng paraan.
"Ano pa nga ba? Patunayan mong hindi siya karapat-dapat. Patunayan mong kaya mong wala siya at hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Ex is ex, wala sa bokabularyo nating dalewa ang balikan ang isang basura." seryoso niyang sagot sakin.
Natawa naman ako sa sinabi niya. Bilib ako sakanya dahil kahit anong tinalon sakanya ng langit nanatili siyang nakatayo at hindi man lang sumuko. I admire her for being the strongest woman. Alam kong lahat kaya niya lahat hindi tulad ko na simpleng sakit lang susuko na agad. Hindi ko kasalanan na naging mahina ako, kasalanan ko lang dahil pinapabayaan ko ang sarili masaktan.
Kasalanan to lahat ni Mommy.
"Magpahinga kana ako ng bahala dito." she said.
Hinatid niya naman ako kwarto ko at binihisan. Ang dami niyang payo pero hindi ko parin maintindihan dahil wala na ako sa wisyo. Ang init na rin ng katawan ko. Kumuha naman siya ng basang tuwalya at nilagay sa noo ko. Umiiyak parin ako at si Winnie naman napapaiyak na rin dahilan para dalawa na kaming maiyak.
Hindi ko alam na lahat ng meron ako unti-unting mawawala pati na rin ang lalaking nangako sakin na hindi niya ako bibitawan kahit anong mangyari.
Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nakatulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/222149589-288-k738984.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cupids Chain
RomanceS & G (2020) Paano panghahawakan ang mga pangako ng unti-unting napapalitan ng galit. Maging sapat ba ang pagmamahal na nagbibigay o handa mong bitawan ito.