Question
"Come with me." utos naman sakin ni Doctor Quezon.
Tumingin lang ako saglit kay Gresysier ngumiti lamang siya sakin. Tumingin din ako kay Daddy na mahimbing na natutulog, ngumiti lang ako sakanya bilang paalam.
Noong makarating na kami sa Clinic niya agad naman akong umupo. Maybe this is all about the Hospital. Wala naman kaming problema maliban sa nangyari kay Daddy.
"Doc Celyne." he call me with his cold voice.
"Is there any problem?" tanong ko sakanya.
Ramdam ko na hindi siya komportable, naghihintay nang tamang oras para sa sasabihin niya. Nilabas niya ang isang papel at ibinigay sakin. Nagtataka naman ako papel na ibinigay niya dahil wala naman akong inaasahan na ganito.
"Hindi kayo mag kapareho ng dugo ng Daddy mo." simple niyang tugon sakin ng bubuksan ko pa lang ang resulta.
Tatlong beses na test ang ginawa pero ni isa walang chance na magkapareho kami. Lahat ng 'yon negative at ang malala iba't-ibang Hospital.
"Alam kong alam mo na ang ibig sabihin niyan Doc." nakayuko niyang tugon sakin.
"Imposible." simple kong tugon sakanya. "Ulitin niyo 'yan!" sigaw ko sa opisina niya.
Paano na si Daddy?
"Doc Celyne, maybe kay Ma'am Sierra ka nagmana ng blood type." simpleng paliwanag sakin ni Doc Quezon.
"Anong maaari pang gawin?" kailangan na ni Daddy ng dugo. Hindi ko alam kung saan hahagilap ng kamag-anak.
"Pwede kang bumisita sa ibang Hospital for the Blood." simpleng tugon sakin ni Doctor Quezon.
Tumango na lamang ako at hindi umimik. Alam ko namang hindi siya sigurado sa naging sagot niya. Ayaw ko ng mag-isip pa ang mahalaga ngayon ang blood donor ni Daddy. Noong ramdam kong wala na siyang sasabihin tiyaka naman ako tumayo mula sa kinakaupuan ko.
"Doc, are you sure? He's your Dad?" tanong sakin ni Doc Quezon.
"Why?" tanong ko sakanya.
"Wal-la." nahihiya niya ng sambit sakin.
Alam ko na ang gusto niyang sabihin. Alam kong naghihinala rin siya kung bakit ganoon na lamang ang naging resulta. Maybe may isa pang kasinungalingan na unti-unti ng naguungkat.
"Doctor Quezon, can I trust you?" mahina kong tanong sakanya.
"Yes, why?" gulat niya namang tanong sakin.
Huminga ako ng malalim. Tulad niya duda rin ako sa pagkatao ko. Malaki rin ang chance dapat na magpakapareho kami ng Blood ni Dad pero hindi. Maybe may iba pang rason at may iba pang paraan.
"DNA." simple kong sambit sakanya. 'yon na ang paraan na naiisip ko. At doon walang lusot.
Tumingin lang siya sakin na nalilito sa kung anong pinaplano ko. Huminga ako ng malalim at tumingin sakanya, noong nakuha niya na ang plano ko tiyaka naman na siya naliwanagan.
"Kukuha ako ng buhok niya mamaya pagbalik ko sa kwarto niya." bumunot naman ako ng ilang piraso kong buhok. "This is mine." abot ko naman sakanya ng mga buhok.
"Are you sure Ms. Mariano?" tanong niya sakin na tila ba nag-aalala sa magiging kalalabasan.
"Yes." simple kong sambit sakanya.
Tumalikod naman ako sakanya at umalis na sa clinic niya. Hindi parin maaalis lahat ng mga katanungan dammsa isip ko. Habang abala ako sa paglalakad naalala ko naman ang sinabi sakin ng tatay ni Greysier. Hindi kami pwede.
Maraming tanong.
Dahil sa pag-iisip hindi ko inaasahan na lumampas na pala ako ng kwarto ni Daddy. Pumasok naman ako agad at tumingin sa paligid. Nakita ko si Greysier na natutulog na sa sofa. Ito na ang tamang oras para bumunot ako. Tumingin ako kay Daddy at hinalikan siya sa noo bago bumunot ng buhok.
Mahigpit kong hawak ang buhok niya habang palabas ng kwarto. Habang palabas ako hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Paano kung hindi niya ako anak?
Paano?
Noong nakarating na ako sa clinic ni Doctor Quezon, kumatok lang ako at pinagbuksan niya ako. Inabot ko naman agad sakanya ang buhok ni Daddy. Huminga lang siya ng malalim bago ito tanggapin.
"Limang iba't-ibang Hospital ka magpa-test para mas sigurado." utos ko sakanya.
"Okay Doctor. Aabsent ako bukas." simple niya namang paalam.
Tumango lamang ako sakanya at umalis na mula saking pwesto. Naglakad naman ako pabalik sa kwarto ni Daddy. Nung makarating na ako lumapit ako agad kay Daddy at niyakap siya.
"Please Daddy, huwag naman." yakap ko kay Daddy. "Hindi ko kaya." simple kong bulong habang humihikbi na. "Tell me the truth please." huling sambit ko sakanya.
Habang abala ako sa pagluha, pansin ko namang bumangon si Greysier mula sa pagkakatulog. When he saw me crying, lumapit siya agad sakin at niyakap ako. Hinarap niya naman ako sakanya at tumingin sakin ng nag-aalala.
"Shhh." pagpapatahan niya sakin.
"Hindi ko na alam." simpleng paliwanag ko sakanya.
"What happened?" tanong niya sakin.
"Pwedeng umupo lang tayo sa sofa at huwag munang mag-isip ng kung ano-ano?" pakiusap ko sakanya.
Hindi naman siya naging mahirap na kausap. Ngumiti lang siya at inalalayan ako paupo ng sofa. Habang nakaupo sa sofa tumitig naman ako kay Daddy. Si Greysier naman napansin 'yon. Gusto niyang magsalita pero pinipigilan njya dahil na rin sa pakiusap ko.
"Ang daming tanong." simple kong tugon sakanya tiyaka lumingon.
"Bakit hindi natin hanapan ng kasagutan?" tanong niya naman sakin.
"Hindi pa ako handa." mahina kong sagot sa naging katanungan niya.
Inakbayan niya ako tiyaka hinalikan sa noo.
"No matter how hard the situation. It's always better to have the truth." at hinawakan niya ang kamay ko habang naka-akbay.
"Paano pag masakit ang katotohanan?" tanong ko naman sakanya.
"Mas masakit pag hindi mo nalaman." mahina niyang sambit sakin.
"What if my life is a lie?" tanong ko sakanya.
Pansin kong nagulat siya sa tanong ko. Hindi niya alam kung anong magiging sagot niya dahil na rin sa dami naguluhan siya sa mga sinabi ko. Tumingin siya sakin at niyakap ako.
"Sabihin mo sakin kung ano ang nasa isip mo." he said.
"Wala iniisip ko ang donor ni Daddy. Sana may mahanap na kami ngayon." pagsisinungaling ko sakanya.
Kinalas niya naman ako mula sa pagkakayakap. Ngumiti siya sakin at huminga ng malalim. Hinawakan niya naman ang kamay ko at hinalika ito. Nakita ko naman ang pag-aalala niya sa kanyang mga mata.
"Makakahanap din tayo. Sasamahan kitang maghanap." mahina niyang tugon sakin.
Tumango lang ako sakanya at pumikit. Pagdilat ko nakatingin parin siya sakin. Ngumiti naman ako at hinawakan naman ang kanyang kamay.
"Hindi ko kayang mawala ka." I whispered.
BINABASA MO ANG
The Cupids Chain
RomanceS & G (2020) Paano panghahawakan ang mga pangako ng unti-unting napapalitan ng galit. Maging sapat ba ang pagmamahal na nagbibigay o handa mong bitawan ito.