C15
PatientKinabukasan pumasok na agad sa Hospital. Inasikaso lahat ng kailangan at tinatawagan ako ni Daddy para kumustahin ang nangyayari. Lahat naman ng kailangan kong gawin sinasabi ko kay Daddy para sure na walang palya. Dahil na rin baguhan palang ako rito.
Naglalakad lakad lamang ako. At tinitingnan ang mga paligid at sulok ng Hospital. Noong bata ba ako madalas na ako rito kaha kabisado ko na ang bawat sulok, pero hindi ko napansin may mga nabago na pala rito. Mas nadagdagan at mas lumaki. My grandma and grandpa ang nagpatayo ng Hospital na ito. Dinagdagan lang ni Daddy ng 2, Med lahat ng miyembro ng pamilya maliban na lamang kay Mommy.
"Excuse me? Saan po dito ang clinic ni Dr. Stella Mariano?" tanong sakin ng isang pamilyar na lalaki. Parang nakausap or narinig ko na ang boses niya, hindi ko lang talaga alam kung saan at kailan.
"Ah. Ako si Stella. Why?" I asked him with a calm voice.
"Magpapcheck lang po sana ako." pormal na sagot niya.
Tumango na lamang ako at nagsimula na kaming maglakad papuntang clinic.
Pinaupo ko naman siya agad sa nakalaan na seat para sa pasyente. He looked very familiar parang kilala ko na siya. Hawig ko ang kanyang mata at hulma ng mukha. Hindi parin maalis sa isip ko ang posibilidad na kilala ko talaga siya.
"Ano pong nararamdaman niyo?" pagbabaliwala ko kahit na sobrang daming bumabagabag sa loob ko.
"Bigla na lamang po kasing sumasakit ang tiyan ko." hinanaing niya naman saakin.
Hinawakan ko naman ang tiyan niya upang malaman kung ano nga ba ang nararamdaman niya. Wala naman masyadong kakaiba. Maybe may mga kulang at may mga bawal siyang nagagawa kaya sumasakit.
"Uminom na lamang kayo ng maligamgam na tubig. May maintenance po ba kayo?" tanong ko sakanya habang abalang nagta-type ng mga nararamdaman at posibleng maging gamot.
Daddy decided na gawin na lang na print since nasa nagiging way na ang technology sa lahat ng bagay.
"Wala po." simpleng sagot niya sakin. And he looked at me seriously.
"Daily po ba kayo kung magbawas?" tanong ko sakanya, dahil na rin naghahanap ako ng posibleng maging sakit niya.
He looked at me seriously. I nodded and binaling ang sarili sa computer.
"Hindi po Doc." at tiyaka siya yumuko.
Lahat ng tinanong ko maaring sintomas ng Dyspepsia, Diarrhea at Hyperacidity ay wala siya.
"Constipation lang siguro ang nararamdaman mo. Dahil may roon kang problema sa pagbabawas. Siguro kulang ka sa water mas maganda kung maligamgam na tubig at kumain ka ng pagkain na mayaman sa fiber for able para maagapan mo ito." mga payo ko sakanya.
Nang matapos na ako mag-type ng mga tips sa laptop. Bisacodyl ang nireseta kong gamot sakanya. Tahimik lamang siyang nakikinig sa mga naging payo ko sakanya.
"Sir, name please." simple kong tanong sakanya para mailagay ko sa reseta.
"Grey Villacorta." I was absolutely shocked. Malamang tatay to ni Greysier dahil na rin sa mga features na hawig niya at hindi nalalayo sa pangalan.
"Okay sir." nahihiya ko ng tugon.
Nakakagulat naman ang mga kaganapan, naging pasyente ko na agad ang Daddy ni Greysier. And pinaghinalaan ko pa na kamukha ko.
Walang hiyang utak to.
Nang matapos na ang diskusyon tiyaka naman may kumatok ng clinic. Pinatunog ko naman ang bell na hudyat na pwede nang tumuloy.
"Dad, pinaghanap mo ako nandito ka lang pala." pagpasok ng isang batang lalaki na kamukha rin ni Greysier.
Mayaman ata sa sperm ang tatay ni Greysier isipin mo halos lahat ng anak niya kamukha niya.
"Sorry son. By the way, thanks doc!" paalam niya at tiyaka ko naman inabot ang reseta.
Ni minsan hindi nabanggit sakin ni Greysier na meron siyang mas bata pang kapatid. Hindi niya nasabi sakin na 3 pala silang magkakapatid.
Nang makaalis na sila tiyaka naman ako nakahinga ng maluwag. Siguro tong araw na to ang nagsisilbing pinakamahaba.
Nang tapos na shift ko tiyaka naman na ako umuwi agad sa bahay. Nag drive thru muna ako sa McDo upang may makain sa bahay. Nagbihis ako agad at tinapon ang mask at surgical gloves na ginamit ko sa Hospital.
After how many minutes tiyaka naman na ako nag-decide na kumain. Habang abala ako sa paghahanda ng foods tiyaka naman tumawag sakin si Greysier.
Habang kumakain ako, abala naman siya sa pag-aayos ng gamit niya. Pinagmamayabang niya pa na bukas na raw siya uuwi ng Pilipinas.
[Deb, isang bahay na lang tayo. Diyan sa bahay niyo.] he smirked.
Napakaganda nga naman ng suggestion ng mokong na to. Kalandian lang ang alam sa buhay.
"No!" then I raised my eyebrows.
[Deb, damot mo naman.] nakapout niyang tugon saakin.
"Deb, may hindi ka pa ba nasasabi sakin?" curious kong tanong sakanya at pag-iiba ng usapan.
Naalala ko nanaman yung batang lalaki sa clinic na tinawag ang Daddy niya ng Daddy. At hindi mo maipagkakaila dahil kamukha niya pa yung batang lalaki.
[Wala deb, alam mo naman na lahat tungkol sakin diba? Why?] curious niyang tanong at halatang nalilito rin siya.
"Deb, may kapatid ka pa ba?" tanong habang sumusubo ng fillet.
[Deb, si Grein lang. Bakit? Teka, don't tell
me na meet mo yung kapatid ko sa labas. He's 5 years old I guess.] what? So may kapatid nga siya.Kapatid sa labas.
Kinabahan ako at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Pakiramdam ko may mali. May pakiramdam ako na merong bumabagabag sa loob ko.
"Do you mind kung tatanungin ko pangalan ng mother nung bata?" malumanay kong tanong matapos kong isubo ang kanin.
[Mom knows about the girl. But she never told us. Para na rin daw sa kaligtasan namin at malayo kami sa kung ano mang gulo. Actually, gusto na ni Daddy ng annulment pero ayaw ni Mommy. Because of Grein and I.] nakayuko niyang sagot sakin.
"I'm so sorry." nahihiya kong sagot sakanya.
[Ayos lang deb! Pero sa totoo lang. Pag nakilala ko yung kabit ni Daddy, I'm sure baka mapatay ko silang dalawa.] gigil niya nang sagot.
"Kalma." sagot ko at nakahinga naman ng maluwag dahil kumalma naman siya kaagad.
Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit at kumain. Tiyaka naman na ako natulog. As usual kailangan hindi parin pinapatay ang video call.
Now, I know na marami pa parin talagang rebelasyon na sumisira ng isang relasyon at pamilya.

BINABASA MO ANG
The Cupids Chain
RomanceS & G (2020) Paano panghahawakan ang mga pangako ng unti-unting napapalitan ng galit. Maging sapat ba ang pagmamahal na nagbibigay o handa mong bitawan ito.