C9

27 5 0
                                    

Harana

Abala na ako sa lahat ng mga gawain. Nang maka-receive ako ng text galing kay Winnie. Nagpapasalamat siya sa ginawa ko sa Condo niya. Sinabi ko naman sakanya na maliit na bagay lang iyon.

Kaibigan ang masasandalan mo sa lahat ng oras kaya dapat sila piliin mo, dahil tiyak na hindi ka naman nila iiwan.

"Ang halik mo namimiss ko, bakit iniwan mo ako!" birit ko habang abalang naglilinis ng bahay.

Sa mga sumunod na araw naging marami parin ang Customer at noong sumunod na Sunday na lamang ako nakauwi sa Bahay. Si Greysier naman bumibisita sakin pag may time siya he's so busy with his family business in Tarlac and Batangas palipat lipat siya. According to him, sakanya raw ipapamana lahat ng ari-arian ng daddy niya besides si Greysiel sinusuka na siya.

Habang abala ako sa pagbabalik ng mga furnitures sa dating ayos may biglang kumatok sa pintuan ko. Kumunot naman agad ang aking noo dahil wala akong inaasahang bisita ngayon.

"Awit sayo, awit saakin" hindi ko alam pero kinikilig ako sa tuwing naririnig ko iyan. Theme song kasi yan sa isa sa mga naging palabas ng Kathniel. And yes I'm a fan of Kathniel.

Hindi ko alam kung kaninong boses iyon, pero halos ikamatay ko na yung ganda ng boses niya. Dali-dali ko naman binuksan at may tumumbad sakin na di ko kilalang lalaki.

"Hinahanap-hanap kita." maya-maya naman lumabas na si Greysier mula sa likuran at may dalang bouquet of tulips.

"Hindi kasi ako marunong kumanta dahil pangit boses ko kaya inarkila ko muna si Brent." mukang tangang ngisi niya sakin.

Hindi naalis ang ngisi niya hanggang noong niyaya ko silang pumasok sa Condo.

"Pasok kayo." yaya ko sakanila sa loob. "Pasensya na naglilinis kasi ako kaya magulo pa." sabay yuko ko naman sakanila.

"No it's okay." maikling sagot naman nung Brent habang nakatitig sakin ng mabuti. "I heard a lot of things about you." nakangising sagot ko. At tiyaka siya binatukan ni Greysier.

"Like what?" curious kong tanong sakanya.

Binatukan lalo ni Greysier si Brent. Tumawa naman malakas si Brent. May sasabihin na sana si Brent kaso biglang tinakpan ni Greysier yung bunganga niya.

"Dali na kasi!" naka-pout kong tugon kay Greysier. Napakamot na lamang ng noo si Greysier at nag senyas ng Go saka umirap kay Brent.

"Nung nasa America pa kami, lagi ka niyang kinukwento about your achievements and everything you have accomplished. While in America, we always saw your Dad infront of our house. Do you have a house in America?" tanong niya naman saakin, habang nakangisi na parang aso

"Yes, maybe that one. I never saw our house in America." konklusyon ko naman. 5 years ago since huli akong pumunta. Dati hotel lang pero now, Daddy bought a house.

"Oww, then everytime na nagkakasakit si Greysier si Doc Mariano agad ang hinahanap niya." sunod-sunod naman na suntok sa braso natamo ni Brent.

"Stop hurting him!" suway ko sakanya kaya naman nanahimik na lamang siya sa tabi.

"Sobrang close na sila ng Daddy mo ngayon. Isipin mo everytime na pumupunta dun si Doc Mariano, nagkakasakit siya." what the hell? Daddy don't even mentioned anything.

"Wow! Kotang-kota ka na sa sakit. Baka sa susunod nakaburol kana." pang-aasar ko sakanya. Dali-dali naman siyang lumapit sakin at hinalikan ako sa noo. Hindi pa nakuntento at kinurot ako sa ilong.

Tinulungan naman ako ni Brent at Greysier sa pag-aayos kaya naman nung natapos na niyaya ko sila kumain sa labas this time, my treat. Hindi naman na nag-reklamo si Greysier.

The Cupids Chain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon