Dreams
Maraming tao iispin na sobrang ideal couple kami kasi napaghahandaan namin lahat. At handa naming harapin lahat ng ibabato samin na pagsubok. Today is the day na nakuwi na si Greysier ng Pilipinas.
He promised me na magbabakasyon muna kami sa Cebu para naman magpalamig. I already asked for my Dad's permission. Sabi niya maganda raw iyon dahil sa 7 years kong nakatira sa America ni minsan hindi naman daw ako lumalabas ng madalas.
Greysier decided to take a rest first. No videocall.
Habang nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ng Garden. Tapos na rin kasi ang shift ko. Mas pinili ko ang umaga kaysa sa gabi para na rin magawa ko lahat ng kailangan ng gawin dito sa bahay.
"Stacey?" boses ni Mommy ang narinig ko mula saaking likuran.
"Mommy? Wow! You're here." excited kong sagot sakanya.
Same as me, sobrang excited niya ring lumapit sakin. Sobrang saya ko kasi for almost 7 years nakita ko na siya. Bilang anak na naiwan wala ng sasaya kapag nakita mo ulit mong yung babaeng nagbigay sayo ng buhay.
"Anak, sobrang galing mo. Sinubaybayan kita mula sa board at sa mga achievements mo. Sobrang proud ako sayo." masaya niyang sagot sakin na mag pakembot pa.
"Thanks Mom, by the way mom are you going to stay here?" maligaya ko namang tanong sakanya.
Bigla naman nawala ang ngiti sa labi niya hindi siya makatingin sakin ng deretso hindi rin siya umimik agad.
"Actually, hindi nak. Winnie and I have a trip to Boracay bukas para sa isang meeting. We planned na makuha yung sales ng kabilang Company so that we can expand more, hindi lang sa America." she said while still wearing that sad face.
Hindi lamang ako umiimik. Ayaw kong humantong sa point na pagseselosan ko na si Winnie dahil madalas kapag tumawag si Mommy pinupuri niya si Winnie.
It's okay with me. Alam ko naman lahat ng pinagdaanan ni Winnie at alam kong hindi madali ang lahat para sakanya. I'm still her friend and I'll continue to support her.
"No prob mommy." I gave her my sweetest fake smile.
She looked at me and then she hugged me so tight. Bumabalik lahat ng ala-ala noong bata pa ako, kung paano niya ako itayo sa tuwing nadadapa at nahihirapan ako.
"Pasok ka Mommy." yaya ko naman sakanya sa loob.
Hinanda ko naman ang lamesa at magsimula ng maghanda ng makakain. Dahil sobrang busy nag order lang kami sa Pizza Hut. Hindi rin kasi ako nakapag-grocery kaya walang laman ang refrigerator dito sa bahay.
"Inlove ka anak?" nakatitig niyang tanong saakin.
Tumitig lamang ako sakanya, napansin ko rin na mas lalo siyang gumanda at mas lalo pang gumanda ang katawan niya. Baligtad ata ang mundo niya, mas gumaganda kapag tumatanda.
"Yes." medyo nangingig pa ang boses ko dahil nahihiya akong sabihin sakanya besides ilang years din mula ng huli akong nag-open sakanya.
"Alam kong mabait at masaya ka sa piling niya. Ramdam ko naman." sagot niya sakin at sinimulan niya ng buksan ang box ng Pizza.
"He's very nice mommy." simple kong sagot sakanya at nagsenyas kay Mommy na magdadasal na kami.
Pagkatapos namin magdasal tiyaka naman ako nagsimulang kumain. Nakatingin lang siya saakin at para bang may gusto siyang sabihin pero nauunahan ng kaba.
"Stacey, sana lagi kang masaya. Piliin mo laging maging masaya." nakangiti niya sakin.
"Why mom, pinipili mo ba palagi ang nakakapagpasaya sayo?" medyo madiin kong tanong sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/222149589-288-k738984.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cupids Chain
Любовные романыS & G (2020) Paano panghahawakan ang mga pangako ng unti-unting napapalitan ng galit. Maging sapat ba ang pagmamahal na nagbibigay o handa mong bitawan ito.