C12

23 5 0
                                    

Sky

Gumising ako na wala na si Greysier sa sofa. Sabi nila ngayon daw ang pa-fireworks, singing at dancing competition na hinanda ng ilang sa mga kaklase namin noon.

Lumabas ako agad at nakita kong nag-aalmusal na sila. Napakagago talaga ng jowa ko, kumain ng hindi man lang ako ginising.

Nang makita niya ako. Tumayo naman siya agad at sinalubong ako. Pagkalapit niya sakin agad niyang hinawakan ang dalawang kamay ko at hinalikan.

"Sorry. I don't want to disturb. And I'm so hungry na kaya nauna na ako. Thank you for taking care of me! You're the best girlfriend in the world." nambobola naman para hindi makalusot. Lakas talaga ng tama ng mokong na ito.

"Winnie!" pagbabaliwala ko sakanya. Maria Clara tayo today, pabebe rin. Gusto ko namang masuyo no.

"Baby." pantawag niya sakin pero mas lalo ko siyang hindi pinansin. Akala mo makakalusot ka sakin ah.

Pagkatapos sumubo ni Winnie ng grapes tiyaka naman siya lumapit sakin. Dali-dali naman akong lumapit at hindi ko na pinansin si Greysier.

"Anyare?" curios niyang tanong sakin.

"Alam mo na gusto naman magpasuyo no." pero ang tono ng boses ko halatang nag-iinarte.

"Ganda ka sis? You know what napaka-ingrata mo sa gwapong yan hindi mo man lang papatawarin. I bet 2 oras o 3 lang yang tampo mo! Ipupusta ko ang puki ko para sayo." napaka-bastos talaga ng bunganga ng babaeng to.

"What the?" madiin kong tanong sakanya na kunyaring asar na asar na.

"Luh, ayaw mo ba?" boses nang nagtatampo kunyari pero panay parin ang subo ng grapes.
m

Siguro tama nga si Winnie. Ilang oras lang tatagal ng tampo ko dahil ang gwapo ng nanunuyo sakin na ngayon abala sa pagpapansin.

Nang tuluyan kong binabaliwala, bigla niya na lamang kinuha ang phone niya at busy habang nagta-type. Maya-maya umakyat siya ng stage. Hindi ko alam kung bakit pero nakatitig parin ako ng masama habang ginagawa niya ang karumaldumal na act.

"Hi guys. Gusto ko lang handugan ng awitin ang kaisa-isang babaeng nagpapatibok ng puso ko. Nag-search kasi ako sa google kung paano manuyo ng nagtatampo na girlfriend at sabi doon kailangan ko raw awitan ng isang kanda." nagsigawan naman agad ang boys.

"Iba pala pag Villacorta ang natamaan." sigaw ni Sean mula sa kabilang table.

"Akin kana lang!" sigaw naman ni Veron na dahilan para mag-init ang ulo ko. Malandi ka, Veron!

Napatingin naman ako kay Winnie na abala ng hinahanda ang phone niya. "Tingnan natin hanggang saan tatagal ang katigasan ng pempem mo." bulong niya sakin sabay ngisi nang kademonyohan.

Binalik ko naman ang tuon ko kay Greysier na ngayon nakatingin lang sakin ng deretso.

"Stella Celyne Mariano, this is the first na kakanta ako. Bare with me. Alam kong hindi ako magaling kumanta. I heard you always play this song everytime na bumabyahe tayo. Sorry kung ano man nagawa ko kagabi. I love you always. Keep your eyes on me and listen." ngisi niya sakin pero malungkot parin ang kanyang mga matax

Nag-start naman ng mag play ang minus one. It was my favorite song. 'Rewrite the Stars."

"You know I want you." simula niya. Lahat ng babae nagtiliin hanggang sa pinagpatuloy niya ito. Pati si Winnie hinahampas ako sa braso dahil sa tili.

Naalala ko yung time na hinara ako ni Brent tapos sabi niya sakin na hindi siya marunong kumanta. He's a liar. Sobrang pure at ganda ng boses niya. Nakakataas balahibo at kikiligin ka talaga. Sige na talo na ako, oo na nasuyo na ako agad. Ang rupok ko naman.

"What if we rewrite the stars? Say you were made to be mine. Nothing could keep us apart." dahil sa kilig hindi ko na mapigilan ngumiti dahilan para ngumiti na siya habang kumakanta.

Tinapos niya lang ang part ni Zac tiyaka lumapit sakin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Okay, dapat pala hindi muna ako ngumiti para naman tapusin niya yung kanta. Rupok naman kasi eh!

Nakakainis.

Niyaya niya naman ako sa dalampasigan. The waves of the water remind me of hope and peace.

"Stella." he called me while he was busy playing with water.

"What?" nakataas ang isang kilay kong tanong sakanyaz

"Alam mo pangarap ko to. Ang makasama ka sa out of town. Maybe this time kasama natin mga kaklase natin but I want you to know that I enjoyed every moment that I'm with you." seryos niyang banat sakin.

Dahil sa mga sinabi niya bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis at hindi ko maipaliwanag dahil sakanya ko lang nararamdaman ang mga ganitong pangyayari.

"The first time I saw you. My world stop and I told myself that I'm going to marry you." nakatitig niyang tugon sakin. Tiyaka binato ang tubig ng dagat.

Seryoso naman akong nakikinig sakanya. Pasikat palang ang araw at unti-unti ng lumiliwanag sumasabay pa ang mga ibon at alon ng tubig. At sobrang mas nagiging romantic dahil sa mga confession niyax

"Nagpapasikat pa ako sayo noon para lang mapansin mo. Gustong-gusto ko ngang nakikita ka naiinis sa tuwing natatalo kita sa mga quiz. Napakasipag mo at determinado sa lahat ng bagay. Alam mo nung time na nakita kitang umiyak dahil nawawala yung pencil case na regalo sayo ng Mommy mo? Mas lalo kitang minahal kasi marunong kang magpahalaga sa mga simpleng bagay. Sa sobrang pagka-inlove ko sayo, hinihiling ko na sana isang araw yayain mo akong kumain sa ulam na lagi na mong baon. Desperate in good term. Ngayon na akin kana at magiging akin lang gusto kong ibigay sayo lahat ng gusto mong makamtan. Gusto kong nasa tabi mo ako sa bawat laban na haharapin nating dalawa." at hindi ko alam na tumutulo na pala ang luha ko sa mga naririnig ko sakanya.

Mahal ko siya. Mahal na mahal.

"Stacey, please promise me na kahit anong mangyari hindi mo ako iiwan. Because I'm sure na walang rason para iwan at talikuran. You're the best battle I ever had." sambit niya tiyaka hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Promise. I will not going to leave you." sagot ko naman sakanyaz

He gave me a smack. And kissed my forehead. He gave me sweet smile and whisper 'I love you.' While hes was busy playing with my finger I suddenly remember my notebook.

"Picture tayo." yaya ko sakanya tiyaka kinuha ang phone ko at hinanda na ang camera.

"Pagnanasaan mo nanaman ako." pilyo at naka-pout niyang tugon sakin.

Ginawa pa akong manyak ng moko na to.

"Dali na!" iritang-irita ko ng sambit sakanya.

Hindi naman na siya umimik at nagsimula ng ngumiti sa camera. Dinamihan ko na at siya naman todo pa-cute. Kumuha din ako ng Pict ng sunrise.

Ilalagay ko sa notebook ko na magiging simbolo ng pagmamahalan naming dalawa.

The Cupids Chain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon