Broke
Habang tumatagal mas lalong lumalapit kami sa reyalidad. It's already the last day of August. And bukas September 1 will be our flight. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kasi bukas na ang takdang araw para pirmahan ang annulment.
Naalala ko yung sinabi sakin ni Mommy nung nag-bond kami sa Zambales.
"Stacey, always remember na lahat ng tao nagkakamali. Lahat ng bagay natatapos at minsan hindi maganda. I want you to become an independent woman. You're my right decision, I'm glad I had the best daughter in the world. I hope mapatawad mo ako sa mga naging kasalanan ko. Maybe this not the right time para malaman mo lahat pero I want you to know that I'm already paying for my sins. The first time I saw you, my world suddenly change you become my strength and my weakness. Anak, I may not showy but I'm so proud of you for all your achievements and the things you perform. Always keep on your mind that no matter what happen I will always here for you. This separation is just letting go of our mistakes. You're great! Panatilihin mong proud sayo ang Daddy mo. You will be better on his side! I love you Stacey!" that moment lahat ng luha ko bumagsak. Lahat ng sakit unti-unting bumabalik dahilan para maiyak ako mula sa kinakatayuan ko.
Para akong batang inagawan ng candy, para akong batang gustong magsumbong sa nanay pero wala siya.
"Sweetheart?" nabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Mommy mula sa pinto.
Dali-dali ko naman itong binuksan. Naupo naman kami sa kama. Nagkunyari na lamang akong hindi ako galing sa pag-iyak pero yung totoo sobrang bigat na ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung paano ako lalaban at kung paano ko makakayanan ang sakit.
"Your Dad already signed the annulment paper. And today is the day that I finally say good bye." seryoso niyang sambit sakin. Nakayuko sa mga oras na to, ngunit ng bitawan niya ang mga salitang iyon dahan-dahan kong ibinangon ang ulo ko.
Tumingin ako ng seryoso sakanya. Inaanalisa lahat kung nanaginip lang ba talaga ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hindi yung tulad ng nararamdaman ko kay Greysier pero this time sakit.
"Sorry anak ah? Tatawagan kita araw-araw. Kukumustahin at lagi kong sasabihin na mahal na mahal kita." I saw my mom crying. Ang sakit na makita mo yung nanay mo na umiiyak at hirap na hirap sa isang sitwasyon.
Huminga ako ng malalim at dinadama ang sakit na nararamdaman ko. Hagulgol lang namin mag-ina ang naririnig sa buong kwarto.
"Mom, please don't leave me! Hindi ko kaya." umiiyak kong tugon sakanya.
Reality.
Hindi ko parin talaga kayang wala si Mommy sa tabi ko, despite of her mistakes.
She didn't listen, instead she kissed my forehead and she walked out the room.
Tumakbo ako hinila ang damit niya begging her to comeback pero hindi she let go of my hand. Noong huminto siya niyakap ko siya ng sobrang higpit mula sa kanyang likuran.
"Starting today, we are not going to treat each other as mother and daughter. From now on..." masasakit na salitang kanyang binatawan. Dahilan para unti-unting kumalas ang yakap ko. "Let's be friends."
The only girl I loved the most is the now the reason behind my pain. Ang nanay kong dinala ako sa sinapupunan niya ng 9 na buwan, nanay kong handang gawin lahat para sa ikakasaya ko. Iniwan ako ng nanay ko ng walang sapat na pagpapaalam.
My Mom.
Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko. She just leave me hanging in the air. At wala akong magawa kundi magkunyaring kaya ko kahit ang totoo sobrang hinang-hina na ako.
Binuhos ko ang buong gabi na iyak nang iyak. Daddy visits me pero wala parin akong gana sa lahat. Nay Piling cooked my favorite food pero wala parin.
Sobrang sakit pala na iwan ka ng nanay mo. Iniwan ka niya ng sobrang gulong-gulo ka. Noong bata ako, lagi niyang sinasabi na hindi niya ako iiwan pero nasaan siya ngayon? Nasaan lahat ng mga pangako niya saakin? Iniwan niya parin ako.
Kinabukasan tumuloy parin kami sa America. 3 days ago pa naka pack lahat ng gamit ko. Kaya naman hindi na ako nag-abala pa, gumising ako ng maaga para hindi kami ma-late sa airport.
Nag-scroll naman ako sa IG nakita ko ang post ni Greysier. Nakaupo siya sa sofa with the caption of 'Vibe' a month ago bumyahe na sila pa-America still wala siyang alam na pupunta akong America at doon magpapatuloy ng aking kolehiyo.
Bigla naman may tumawag sa number.
'Mommy'
Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin or haharapin man lang. I'm still in the process. Hindi ko pa alam kung paano ko nga ba dapat itrato ang nanay ko.
Nilakasan ko naman ang loob ko at sinagot ang tawag niya.
"Mars. Kumusta?" so totoo nga? Wala na akong nanay.
Hindi ko siya sinagot sa halip pinatay ko na lamang ang tawag at pati na ako rin ang phone ko.
I know sobrang bastos ng trato ko. Hindi mo rin ako masisisi. Ikaw ba naman na punuin ng sakit tingnan natin kung hindi ka magbabago.
Nagsabi ako kay Greysier na hindi ako makakatawag sakanya kasi pupunta kaming Event. Hindi siya satisfied sa mga rason ko pero alam ko naman na maniniwala parin yun.
Nang makarating kami ng Airport. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Naiiyak ako kasi iiwan ko na ang naging tahanan ko at ang nanay ko. Sobrang sakit na may kapalit pala lahat ng araw na sobrang saya ko.
Nang makasakay na ako ng Escalator. Someone called me, my Mom. She was wearing a black leather jacket and a leggings with a white shoes.
She gave me a flying kiss and wave at me as a sign of good bye. Okay, her decision is final.
Iiwan niya na talaga kami. Now, I keep on asking myself. Anong kulang samin? Why did she do that? Am I not enough?
And.
Paano natiis ni Mom na iwan ang kaisa-isang anak niya?
BINABASA MO ANG
The Cupids Chain
RomanceS & G (2020) Paano panghahawakan ang mga pangako ng unti-unting napapalitan ng galit. Maging sapat ba ang pagmamahal na nagbibigay o handa mong bitawan ito.