C17

26 5 0
                                    

Ang susunod na kabanata ay Rated SPG. Striktong Patnubay at Gabay ng magulang ay kailangan para batang nagbabasa. Maaaring may tema, lingwahe, karahasan, sexual, horror o droga na hindi angkop sa mga bata.

Read at you own risk!

My Man

Maaga kaming nagising para sa trip namin papunta Cebu. I'm so excited kasi ito ang unang out of town namin. Nang nasa biyahe kami hindi parin maalis ang ngiti ko, dahil na rin makakapagpahinga na ako at may bonus pa dahil kasama ko ang lalaking mahal na mahal ko.

Nasa note ng phone niya ito, ang mga lugar na gusto naming puntahan. I think it will be the best start for us. Tatlong araw lang ang nilaan naming araw para rito at alam kong mabababad nanaman kami sa trabaho pagkatapos nito.

Nang nag-take off na ang eroplano tumingin naman si Greysier sakin at hinawan ang kamay ko. Maya-maya binuksan niya naman ang Airpods niya at nag-connect sa phone niya.

"Deb, Airpods?" sabay abot sakin ng isa.

As usual nakikinig nanaman siya sa old songs. Natuto lang ako makinig sa Old Songs tulad ng Air Supply dahil sakanya. Sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya. Alam kong paborito niya itong pwesto dahil malalaro niya na ang buhok ko. Habang abala kami sa pakikinig hindi ko naman namalayan na nakatulog na ako.

Ginising na lamang ako si Greysier nang makarating na kami. Paglabas ko ng Eroplano sariwang hangin naman ang sumalubong sakin. The natural one, yung wala masyadong usok yung galing lang siya sa kalikasan. Nakakamiss dahil sa siyodad hindi mo na ito mararanasan.

Balak ko sanang kunin yung maleta kay Greysier pero ayaw niya. Siya na lang daw ang hihila dahil baka raw gamitin ko nanaman ang linya kong "Magpakalalaki kang may bayag."

Nang makalabas na kami at ayos na ang lahat dumiretso naman kami sa Hotel na binook namin sa Trivago. Buti na lamang dahil kung ano ang nasa picture ganoon din naming dadatnan. Pagod na kami ma-scam dahil ilang beses na itong nangyari sa America lalo na kapag may event or may lakad kaming dalawa madalas kaming maghotel.

"Stella, sobrang saya ko." abot langit na ngiti niya sakin.

Napangiti naman ako sakanya at tumango. Ako rin sobrang saya ko, isa na ata ito sa pinakamasayang araw sa buhay ko. He's the best.

"Ako rin, Greysier sobrang saya ko." and then I hugged him.

He kissed me on my cheeks and then he gave me a sweet smile. Alam kong malaki ang respeto niya sakin mula pa noon. He never asked me about sexual interaction gusto niya ikasal daw muna kami.

"Saan mo gusto unang pumunta?" tanong niya saakin habang abalang nag-aayos ng gamit.

"Deb pwede bang bukas na muna tayo gumala? Gusto ko lang muna magpahinga buong araw alam mo naman siguro na galing tayo sa work kahapon. I just want to have a rest. Promise bukas na bukas gagala tayo." nakangiti kong favor sakanya.

Ngumiti lang siya sakin at lumapit. Nasa kama ako nakaupo habang siya papalapit na saakin.

"No problem deb. Baka magsisisi ka mas lalo kang mapagod dito sa loob." manyak niya naman banat sakanya.

"Try me, Villacorta." panghahamon ko naman sakanya. May pagkamalandi pa ang pagkakasabi ko.

Hinalikan niya ako sa labi ng mapusok at nag-aalab. Nang unti-unti nang lumalalim bigla naman siyang tumigil at lumayo saakin. Itinuon niya naman ang sarili niya sa pag-aayos ng gamit at lumayo sakin.

Bitin amputa.

"I'll cook. What do you want?" medyo galit kong tanong sakanya.

Nabitin ako, ano bang magandang iasal? Villacorta naman kasi nandoon na, nawala pa. Hotdog na umayaw pa.

The Cupids Chain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon