Wish
Makalipas ang ilang oras nakalabas naman na si Daddy ng Hospital at nakabalik na rin sa trabaho. Kahit nalaman na namin ang totoo nanatili parin ang connection naming dalawa. Alam niya na rin ng tungkol samin ni Greysier, pumayag naman siyang pagbigyan ako saking huling hiling.
"Let's go?" tanong sakin ni Greysier ng makarating kami sa Tuguegrao.
Pinangarap naming pumunta dito noon pa. Nagdecide kami na magkaroon man lang ng pahinga mula sa nakakapagod na panahon. This is it my wish with my man.
Tumango naman ako tiyaka lumabas ng eroplano. Pagdating namin sa Hotel na kung saan kami magpapahinga ng ilang oras tiyaka naman ako nahiga sa kama at niyakap siya ng mahigpit.
"Para naman akong aalis sa ginagawa mo." reklamo niya mula sa pagkakayakap ko.
"Hayaan mo lang ako please." I said habang nagpipigil ng luha.
"May problema ba?" tanong niya sakin habang nakayakap parin.
"Wala." simple kong tugon sakanya.
"What do you want?" pag-iiba niya naman ng usapan.
"The things that I want, is not meant for me." I said.
Natahimik siya saking mga sinabi. Hindi siya umiimik at naguguluhan. Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yon. Hindi ko maintindihan.
Naalala ko naman ang pag-uusap sakin namin ni Daddy sa Hospital, the day nagising siya.
"Daddy, how are you?" tanong ko sakanya habang naiiyak na.
"Thank you for taking care of me." nakangiti niyang sambit tiyaka naman ako hinalikan.
Huminga ako ng malalim bago umangat mula sa pagkakayakap. Kinuha ko naman ang DNA Results at pinakita 'yon sakanya. Ayaw ko ng malaman ang totoo dahil baka masaktan lang ako. Akmang pupunitin ko na sana ang papel pero pinigilan niya ako.
"Hey, Stacey what is this?" tanong niya sa papel noong maagaw niya na ito.
"DNA Results. Sorry Dad." umiiyak ko ng sambit sakanya.
"For what?" naguguluhan niya ng tanong.
Pero bago pa ako makapagsalita nabuksan niya na ang Resulta. Nagulat naman siya noong makita 'yon at hindi na lamang umimik. Nabitawan niya ang papel dahilan para lumipad ito. Dahan-dahan ko naman kinuha ang papel na nabitawan niya.
Negative.
Gulat na lamang ang naging reaksyon ko sa naging resulta. Akmang kukunin ko na sana ang iba pang resulta pero pinigilan ako ni Daddy.
"Don't, it will be the same." he said gently.
"Ha?" naguguluhan kong tanong sakanya.
"Bago ako ikasal sa Mommy mo buntis na siya sa iba." mahina niyang tugon sakin dahilan para mas lalong umagis ang luha ko. "Pero kahit na ganoon tinanggap ko parin." himihikbi ng paliwanag niya sakin.
Kinuha niya naman ang kamay ko at hinawakan ito.
"Noong una kitang nakita, sabi ko sa sarili ko mamahalin ko ang batang ito na parang akin. Ibibigay ko lahat sakanya, lahat lahat. Papalakihin ko bilang sarili kong anak at ibubuhos ko lahat ng pagmamahal sakanya." he said while still holding my hand.
"Daddy." humahagulgol ko ng sambit sakanya.
"Anak, hindi kita ipagdadamot sa tunay mong ama. Dahil alam kong kailangan mo paring malaman ang totoo. Kung tinatanong mo kung bakit hindi ko sinabi sayo ng maaga, anak patawarin mo ako. Natatakot lang ako kasi baka hindi kana bumalik sakin, natatakot ako na baka kapag nakasama mo na siya makalimutan mo na ako." umiiyak niyang tugon habang humahagulgol na siya.

BINABASA MO ANG
The Cupids Chain
Roman d'amourS & G (2020) Paano panghahawakan ang mga pangako ng unti-unting napapalitan ng galit. Maging sapat ba ang pagmamahal na nagbibigay o handa mong bitawan ito.