Mommy
Kinagabihan dumiretso naman ako kaagad sa Hospital para saking shift. Sinalubong naman ako ng mga ngiti ng nurse at kapwa ko doctor. Hindi naman nila ako tinatrato bilang may-ari, tinatrato nila ako bilang isang doctor lamang.
Pinuwesto ko naman ang maliit kong shoulder bag at sinuot na coat. Agaran ko naman binaligtad ang simbolo sa labas na 'Doctor is In.' Pumasok naman na ako ulit upang makapagsimula.
"Doc Celyne." tawag sakin ng secretary ko mula sa labas.
"Nandito po si Doc Quezon." she said.
Agaran ko naman pinagbuksan ng pinto si Doctor Quezon. Hindi ko alam kung ano ang sadya nga ngayon besides nakausap ko naman na siya kagabi. Nakatayo lamang ako at naghihintay na may magsasalita. Tumingin lamang siya ng malalim sakin bago nagsalita.
"Doc Celyne, makikiusap sana ako na kung maaari ikaw muna ang mag-umaga bukas. May lakad po kasi kami ng asawa ko bukas for the wedding of her sister." he said politely.
"Ayos lang Doc. Asahan mo ako bukas ng umaga." sagot ko naman sakanya.
Lumalalim na ang gabi at wala parin akong naging pasyente. Bihira lang kasi ang pasyente rito tuwing gabi dahil hindi naman lahat nagkakasakit. For Outpatient lang talaga ako. I'm not yet, stable at hindi parin ako handang makihalubilo sa ibang tao.
"Doc Celyne." another call from my secretary.
"Yes?" I asked while looking in my phone.
"May regalo po kayo. From deb daw po." she said while having a weird smile.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Deb? It was our endearment. Agaran ko naman siyang pinapasok at may dala siyang paper bag. Nilapag niya lang ito sa lamesa ko at lumabas na kaagad habang abot langit ang ngisi na halatang nang-aasar. Nanatili naman akong tahimik at napapaisip kung bubuksan ko ba ito.
Halos ilang minuto akong nag-isip noong nakapagdesisyon na ako. Binuksan ko naman kaagad ang paper bag. It's my favorite beef steak, from the best restaurant in our town. He knows me very well.
Walang nakalagay na kahit anong note. Noong tapos na ang shift ko ay lumabas naman na ako agad patungonh parking lot at nag-decide na umuwi na muna. Nagpatugtog naman ako ng ilang kanta habang nasa biyahe ako. Noong makarating na ako sa Condominium agaran naman akong pumasok at pumunta ng kwarto ko. I was standing in front of his room, thinking if I will going to say thank you.
Habang nakatayo ako hindi ko naman namalayan na papasok palang si Greysier. Abala siya sa paghahanap ng susi ng bulsa niya. This is the right time para magpasalamat. Huminga muna ako ng malalim at humugot ng lakas ng loob.
"Uhm, Greysier." tawag ko sakanya.
Napatingin naman siya sakin nang nakakunot-noo tila ba naguguluhan kung bakit ko siya tinawag. He didn't expect that I will going to call him.
"Yes?" tano niya sakin.
"Thank you." I said.
"For what?" tanong niya naman sakin and finally humarap na siya.
"For this." sabay pakita ko ng paper bag at nakangiti pa nga.
"Doctor Stella. I'm sorry, pero hindi ako nagbigay niyan." he said habang ang ngiti niya hindi parin maalis.
Pati ako naguluhan sa mga sinabi niya. Anong hindi galing sakanya? Base sa pagkakaalam ko, siya lang ang deb sa buhay ko. Besides siya ang last boyfriend ko, kaya imposible na hindi sakanya galing to.
"What? Sabi ng secretary ko, galing to kay Deb. And ikaw lang ang deb na nakilala ko." I said.
Lumapit naman siya sakin. Palapit ng palapit habang ako atras ng atras. Ramdam ko ang tibok ng puso naming dalawa. Sinandal niya naman ang isang kamay niya sa pader habang ako nakatago sa buong katawan niya. He was teasing me again. Alam niya talaga kung paano ako makukuha. He was still my Greysier.
"It's not from me. Itapon mo na lang 'yan at lulutuan kita." he said while still looking in my eyes.
Nairita naman ako sa sinabi niya. Itapon? Seriously? Ang daming taong nagugutom at naghihirap. Hindi ganyan ang nakilala kong Greysier.
"Ganyan ba talaga mag-isip ang CEO ng V inc?" taas kilay kong tanong sakanya.
"No. Maybe ganyan mo lang talaga ako kadaling husgahan." tugon niya at nagkagat labi pa nga.
"Well, atleast hindi ako nang-iwan." pang-aasar ko naman sakanya.
"Ad Honinem." sagot niya at nakangiti sakin.
"Sinasabi ko lang ang totoo." tugon ko at tinulak siya palayo.
Pumasok naman ako kaagad sa kwarto ko. Nag-set din ako ng alam para bukas. Maaga na rin akong natulog upang hindi ako malate. It's not easy to sleep, dahil na rin sa rami ng iniisip ko.
Kinabukasan, nagising naman ng maaga upang makapasok na. Nag-drive naman ako at ng makarating na sa Hospital sinalubong naman ako agad mg mga ngiti ng mga Doctor at Nurse. May iba pang nang-aasar na blooming daw ako.
"Doc Celyne. First patient is here." she said pagkatapos ko mag-ayos.
Isang babae naman ang pumasok pagkatapos ko magbigay ng hudyat. She was so beautiful as ever, walang nagbago. Mrs. Francheska with her daughter Grein in my clinic.
"Please sit." I said at umupo naman sila kaagad.
Walang umiimik samin at dahil na rin gusto kong patunayan na professional ako, ako na ang unang magsasalita.
"Wala si Doc Quezon today for his personal agenda. So I will be your Doctor for today." I said. Pinatong ko naman ang dalawang kamay ko sa lamesa. "So let's start Ma'am. Is this your first time?" tanong ko sakanya.
Hindi parin siya umiimik na tila ba nagpipigil. Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi parin siya nagsasalita. Napatingin naman ako kay Grein na nanatiling tahimik. Ramdam ko rin ang hindi pagiging komportable ng mag-ina.
"Don't worry Ma'am. Hindi ko naman nilalagay sa trabaho ko ang mga personal na problema. Hindi ka pumunta rito para umupo lang diyan at tumahimik. You're the patient and I'm the Doctor that's our set-up." I said with the sarcatic voice. Hindi para manakot kundi para narin mang-asar.
Naghintay ako ng ilang minuto pero wala parin nagsasalita. Dahil sobrang napikon na ako. Umimit na bigla ang dugo ko. Nag-isip muna ako ng bagay na maaaring magpakalma sakin bago muling magsalita.
"Maybe, that's the end. Marami pang pasyenteng naghihintay. Hintayin mo na lang ang pagbalik ni Doctor Quezon. Maybe he can help you. We're just wasting our time." deklara ko.
Napatigin naman sakin si Grein at ang Mommy niya naman abala sa parin sa pananahimik. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang sadya nila rito.
"I'm sorry for all the pain. I'm sorry. I'm so sorry, hindi ko sinasadya." lumuluha ng tugon ni Ma'am Francheska dahilan para mas lalong pumasok ang sandamakmak na katanungan sa isip ko.
Hindi ko alam kung anong sasabihin. Nanatili lamang akong tahimik at tulala. At hindi ko namalayan ang tuluyan nilang pag-alis.
![](https://img.wattpad.com/cover/222149589-288-k738984.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cupids Chain
RomanceS & G (2020) Paano panghahawakan ang mga pangako ng unti-unting napapalitan ng galit. Maging sapat ba ang pagmamahal na nagbibigay o handa mong bitawan ito.