C7

29 6 0
                                    

Kiss

After that very long day. Nag-start na ang work namin, after ng study sa TESDA nag-decide na kami mag-apply for summer job. Para naman may pang-gala kami. Sobrang dami ng customer dahil payday ngayon. Sa cashier ako naka-assign samantalang si Winnie nasa kusina, isa sa mga naghahanda ng foods.

"Good Day Sir! What's your order?" tanong ko sa lalaking matipuno at gwapong lalaking nasa harapan ko ngayon. Siguro nasa around 40 na yung age niya. Hindi ko alam pero parang nakita ko na siya.

"One beef steak and barbecue. And regular coke, less ice please." tiyaka niya inabot ang card niya.

Swinipe ko naman agad yung card. "Keep this number sir, your order will be serve within 10-15 mins." nakangiti parin ako sakanya. Tumango na lamang siya at umupo sa table malapit sa bintana. Tiningnan ko naman kung may kasama siya pero dun ko napagtanto na mag-isa lang pala siya.

Parami na ng parami ang customer. This is the first time na sobrang pagod na pagod na ako, ngayon lang kasi naging ganto talamak yung customer. Winnie is smiling at me. Nag-sign siya ng rock and roll that means maga-ba-bar nanaman kami mamaya.

Shift na namin mga bandang 8:30 pm, kaya naman nag bihis na kami agad at nag-paalam. Every katapusan ang sweldo namin, when I talked to dad and told him na magka-karoon ako ng summer job naging
proud siya sakin. Minsan ako na rin ang nagluluto ng ulam namin. At nag-mamasahe sakanya, sobrang naging malaking tulong sakin yung TESDA para maging better sa loob ng bahay.

"Stella." may tumawag sakin mula sa likuran ko ng palabas na kami ng Resto. Napatingin na lamang ako sakanya si Greysier.

I was so shocked that 'o' expression na lang nagawa ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman at sasabihin ko. Dahil mula nung masama naging asal sakin ni Greysiel hindi na kami nakapag-usap pa.

"Nandito ka pala." nahihiya kong tugon sakanya. Obvious naman sis diba? Nasa harap mo siya ngayon. At sobrang gwapo dahil sa suot niyang oversized shirt and ripped jeans with white shoes.

"Hi! Susunduin sana kita." at napatingin siya kay Winnie na ngayon umakbay sakin at pinapaikot niya sa daliri niya ang keychain.

Tumingin naman ako kay Winnie at kumindat lang siya. At walang paalam aalis na siya. Nagulat na lang ako kung bakit siya umalis at iwan ako kay Greysier.

Walang pasabing niyakap niya ako at nag-simula siyang umiyak ng umiyak. Niyakap ko na lang siya pabalik at hinayaang ibuhos niya yung sakit na nararamdaman.

"Anong problema?" naka-kunot noo kong tanong sakanya. Bakit ang unfair? Ang gwapo niya parin kahit umiiyak siya. Sana lahat.

"Si mama at papa, araw-araw na lang nagtatalo. Mom is accusing him of cheating." hindi lang pala ako nakakaramdam ng sakit na meron ako sa pamilya ko.

Pinunasan ko ang luha sa kanyang mata. "Shhh. I'm here." I gave him a fake smile.

"Mahal kita. Mahal na mahal, kahit anong mangyari please huwag mo akong iiwan" bigla niyang bulong sa tenga ko. Tumaas ang balahibo ko sa mga narinig ko.

He gave me sweet kiss. Hindi ko alam uminit na ba ang pisngi ko. Hindi pa kami, tapos hahalikan niya ako? Parang huminto pa ang paligid ko dahil sa mga narinig ko. Sobrang saya ng puso ko.

Love na ata ito. Ito na ba yung sinasabi niyamg saya sa tuwing kasama mo yung tao. Ito na ba yung ayaw mong mawala na pakiramdam. Niyakap ko na lamang siya, hindi ko alam pero sobrang saya ko. Alam kong may sakit siyang pinag-dadaanan pero nawawala lahat ng yun dahil sa sayang umaapaw.

Kumalas kami sa pagkakayakap tiyaka niya naman ako tinitigan at pinunasan ang kanyang luha.

"Tara na?" yaya niya sakin. Tumango naman ako tiyaka niya nilabas ang susi ng sasakyan niya.

The Cupids Chain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon