Doctor
Sobrang bilis ng araw, lahat naging mabilis since the day na puno na lang ng sakit. I study hard to reach my dream and to become a successful doctor someday. Iisipin ng maraming tao mabilis lang ako kasi may sarili kaming hospital pero iba parin pag pawang paghihirap mo lahat.
Ilang taon na rin akong nag-aaral and Daddy told me na if kung gusto ko nang mag start as a doctor pwedeng-pwede na raw base sa records at mga naging grades ko. And Top 1 din ako sa board exam. I got my own experience na rin since nagpatayo si Daddy ng sarili namin Hospital dito sa America.
Me and Greysier is still in a relationship. We become one of the most successful couple in our campus. Madalas kaming magkita dahil na rin kapitbahay namin sila Brent at madalas siya roon.
Nagkikita kami once a week. Hindi kasi pwedeng madalas dahil na rin sa studies namin. Nung nakarating ako ng America I asked Brent na kung pwede yayain niya si Greysier sa bahay nila. Napapayag ko naman siya.
Nang magpanggap siyang may sakit, he saw me having a big smile. Wala si Daddy that time kaya sobrang saya niya dahil nakita niya ako. He become the CEO of V Inc, dahil missing in action parin ang Daddy niya.
"Stacey, you need to manage our hospital in the Philippines. It's been 7 years Stacey. If possible, kailangan next month makakaluwas kana. I want you to know that you will still become a doctor kahit na wala tayong hospital. You're great so please bare with me. Grant my wish." I'm just 25 years old and my daddy already gave me the pressure.
"Okay. No problem Daddy." pero ang totoo hindi naman na talaga. Naiintindihan ko naman na si Daddy kasi hindi niya na kayang pagsabay-sabayin ang 6 na Hospital.
We become popular kasi lahat ng magagaling na Doctor nasa Hospital namin. Top 2 na rin ang pamilya namin sa pinamayaman na Hospital sa buong mundo. While my mom's company is already in the name of Winnie. Siya muna ang namamahala because of her dark past.
"Stacey, I keep on discussing some things and you're not listening!" bulyaw sakin ni Daddy.
We should calm. Pareho kaming may sakit sa puso baka atakihin na lang kaming dalawa ng dahil sa galit. Baka sabay pa kaming mararatay sa Hospital.
"I'm sorry Dad. Nalilito pa kasi ako." tugon ko kay Daddy habang nakayuko.
Mommy is right. I'll be better on Daddy's side. I missed her already. It's been 7 straight fucking years since the last day I saw her.
"Go to your room, Stacey. You should rest." buti naman ikaw ba naman magkaroon ng 4 na pasyente.
Napapaisip naman ako dahil sa sinabi ni Daddy na ako na mamahala at magiging isang Doctor na ako sa sarili naming Hospital.
Magtutulog na sana ako ng biglang tumawag si Greysier sa FaceTime. Hindi talaga nakakalimot tumawag tuwing gabi.
[Baby, how's your day?]
"Fine." sabay irap ko dahil na rin siguro sa pagod.
[Tell me. Babe I know you're not.] okay talo na ako dahil alam kong hindi niya ako
papakinggan dahil mata ko lang nagsasabi ng totoo ngayon."Sabi ni Daddy kailangan ko ng lumuwas papuntang Pilipinas next month. Tinatawag na ako ng kaluluwa ng Hospital." sabi ko habang abalang kinukulikot ang kuko ko.
[And? I'll go with you. Tutal nandun ang kompanya namin. Mas matututukan ko pa.] seryoso niyang tumbad saakin.
"Seriously babe? Nandito ang family mo remember?" dito na talaga sila nakatira. And there's no turning back.
This is the reality. Matagal na kami ni Greysier pero ni minsan hindi pa niya ako pinapakilala. At hindi ko pa siya napapakilala kay Daddy. Sobrang busy ng pamilya naming dalawa may kanya-kanyang gawain. So we don't have time para ipakilala ang isa't-isa sa kanya-kanyang pamilya.
[Pamilya rin kita.] naka-pout na tugon niya. Ang gwapo talaga, kahit saang anggulo sarap ikama.
"Opo, debdeb." tugon ko naman sakanya habang naka-nguso which means kiss ko siya.
[Hindi ka pa ba matutulog deb?]
"Hindi pa why?" biro ko sakanya at kunyaring seryoso ako.
[Gusto lang kitang panoorin matulog. Come on deb. Tulad ng dati.]
"Tulad ng dati. Lagi naman nating ginagawa to." reklamo ko pero pinupwesto ko na ang phone ko sa side table na ka-level ng bed ko.
Pinatong ko ang phone ko at siniguradong kita niya ako. Nang makapwesto na rin siya tumingin naman siya sakin at hinalikan ang screen.
[Good night deb! I love you!]
Nagbigay na lamang ako ng Thumbs Up sakanya tiyaka naman nagsimulang pumikit.
Nagising akong tulog parin si Greysier. CEO ba talaga to? Palibhasa mayaman kaya pakampante lang talaga siya.
Bumangon na ako nagsimulang mag-ayos ng higaan ng bigla siyang nagsalita.
[Fuck babe. What a nice view.]
Dali-dali ko naman napansin na kaya niya pala nasabi iyon dahil naka pwesto ang pwet ko sa Camera habang abala ako sa pag-aayos ng higaan.
"Tangina mo!" tugon ko sabay pakita ng gitnang daliri ko sakanya.
[Ganda tuloy ng umaga ko. Pero mas maganda kung wala yang short mo.] manyak talaga ang mokong.
"Alam mo tuturukan talaga kita ng pampatulog." banta ko sakanya.
Imbes na matakot mas lalong tumaas ang ngiti. Dad knows that I'm in a relationship with his number one patient in America.
[Gagahasain mo ako? I like it.] sambit niya sakin. Aba! Tang ina naman neto.
Hindi ko na lamang siya pinansin naghilamos na ako at nag-ayos bago lumabas at kumain ng almusal. Pinatay niya na rin ang call, dahilan para lumabas na ako ng kwarto.
"Stacey kailangan mo ng pumunta ng Pilipinas bukas na bukas din. Please anak, sunod-sunod na kasi ang problema dito kaya hindi ako makauwi. Kaya anak please be my representative." kahit litong-litong ako.
Tango parin ako ng tango. Akala mo bihasa na talaga ako sa mga kailangan at dapat kong gawin. I know him, if he made a decision wala ng makakapigil pa kahit sino.
Nilibang ko muna ang sarili ko pag-iimpake. Syempre lagi kong dinadala ang notebook ko na simbolo ng pagmamahalan namin.
Kinagabihan, inayos ko naman ang schedule ng phone ni Daddy. The time kung kailan siya iinom ng Meds. Matiyaga ko iyong ginawa hanggang sa susunod na 3 taon. Hindi naman tayo sure kung kailan ako babalik dito. Mas mabuti ng handa.
Nanay Piling and Kuya Sergio nag-decide na maiwan na lang sila dito kay Daddy. Sinabi ko rin kay Greysier na aalis na ako bukas and he said na susunod siya within this week.
Kinabukasan naman ang alis ko papunta Pilipinas. Again my new life, begin. Habang nasa plane ako may nakatabi akong batang babae. Napakadaldal niya she's so cute and amazing.
"Alam mo po ate, si mama lagi akong binibili ng maraming candy and chocolates. Pero wala na siya ngayon." girl. I feel you.
Hindi ko alam pero ganun din naman pinagdadaanan ko. I can figure out her pain. Bata palang sila siguro around 8-10 at masakit para sakanya iyon.
"Sinong kasama mo?" tanong ko sakanya dahil sa pag-iisa niya.
"Wala po. Actually, my daddy will going to fetch me in the Philippines." uso naman yan eh. Yung ihahabilin kana lang sa flight attendant.
Nagpatuloy lang siya sa pagkwekwento hanggang sa makatulog siya. Nakasandal lamang siya sakin at mahimbing na natutulog.
Nang makarating na kami ng Pilipinas. Sinabay ko na siya sa paglabas at pagkuha ng kanyang maleta. Maliit lang naman ang dala ko dahil na rin may mga gamit pa ako sa bahay.
Nang palabas na kami ng Exit ng Airport, she immediately ran to her father. Doctor din ang daddy niya and sa Hospital pa namin.
"Dr. Mariano. Wow! Thank you so much. It's a pleasure." pagpapakilala niya.
"And you are?" malumanay kong tanong sakanya.
"Dr. Joselito Reyes." sagot niya naman saakin.
Tumango na lamang ako sakanya at nagpaalam. Niyakap naman ako ng anak niyang babae bago ako umalis. Niyakap ko naman siya pabalik.
Ganap na talaga akong Doctor.
![](https://img.wattpad.com/cover/222149589-288-k738984.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cupids Chain
RomanceS & G (2020) Paano panghahawakan ang mga pangako ng unti-unting napapalitan ng galit. Maging sapat ba ang pagmamahal na nagbibigay o handa mong bitawan ito.