One

118 8 0
                                    

IALS: Chapter 1


Alas kwarto y media nang idismiss kami ng purposive communication naming professor. Hindi muna ako lumabas dahil nagsisiksikan pa ang mga kaklase ko. Akala mo ngayon lang nakatikim nang uwian.

Pinasok ko na sa pencil case ang ballpen ko. Nasa mga nagsisilabasan kong kaklase ang atensyon ko, habang ginagawa iyon. Iniwas ko lamang ang tingin, nang ibaling ko na ang tingin sa binder notebook. Hinagilap ko iyon at pinasok na sa bag, kasabayan ng pencil case. Kami nila Angelica at Julio ang siyang huling lumabas sa room. 


"Yey! Walang pasok bukas!" masayang wika ni Angelica.


Tinanguan ko lang siya at nauna nang lumabas sa classroom. May mga bilang pa rin ng mga estudyante sa hallway, ang nakasabayan namin. May nagkaklase pa rin, sa nadaanan naming classroom. Nasilip ko pa sa bintana iyong estudyante, na parang inggit na inggit dahil uwian na namin.

Huwebes bukas kaya wala kaming pasok. Every Monday and Thursday ang araw na wala kaming pasok, kaya masaya si Angelica. Akala mo naman ay hindi absent kahapon. Gustong gusto na walang klase. 


Maraming estudyante sa school grounds. Ang iba ay katulad namin na naglalakad dahil uwian na. Ang iba naman ay pinapanood iyong mga basketball players ng college of engineering. Ang college department daw nila, ang tahanan ng mga gwapo. Saan banda?

"Ayaw mong magtry outs sa basketball?" tanong ni Angge kay Julio.


Nasa mga players din ang atensyon nilang dalawa. Inismiran ko ang basketball court, at binaling na ang tingin sa harapan. Pansamantalang nirerenovate ang gym, kaya sa outdoor court sila nagpapractice ngayon. Pinaghahandaan din kasi ang Intramurals ngayong taon, ayon sa narinig ko.

"Try ko," sagot ni Julio.


"Bakit try lang?"

"Kasi ty-outs? Kaya try lang," natatawang sabi ni Julio.


Napangisi ako dahil doon. Nang lingunin ko sila ay naabutan ko ang lukot na mukha ni Angelica.

"Joke na 'yun sa'yo?" kunot noong tanong ni Angelica.

"Napangisi si Juliet, kaya mukhang joke nga," sabi nito.


Hinawakan niya ang braso ni Angelica, dahil dadaan ang kotse ng isang professor. Dinala niya ito sa gilid. Gumilid din naman ako. Muli ko nang binalik ang tingin sa harapan. Napapalingon lamang sa mga nagbabasketball, kapag may nagtitilian.

"Nakabusangot na naman," malakas na bulong ni Julio.


Dahil nasa unahan nila ako ay nilingon ko sila. Nakita ko nga ang nakabusangot na Angelica, na akala mo pasan ang mundo sa balikat. Nakangisi nalang akong umiling at muling napatingin sa mga nagpapractice. Agad akong napahinto, nang makitang nakaupo si Romeo, sa isa sa mga sementong upuan na malapit doon. Mag-isa lamang siya.

"Aray naman!" reklamo ni Angelica, nang mapahinto ako sa paglalakad dahil sa nakita, kaya naman nauntog siya sa likod ko.

Panandalian ko siyang nilingon ulit na hinahaplos ang tumamang noo. Muli akong bumaling sa inuupuan ni Romeo, habang naglalakad na ulit. Tahimik ito na nakaupo at panay ang tingin sa mga estudyante na naglalakad. Tila hinahanap sa mga nakakalat na estudyante, ang kung sino mang hinihintay niya.


Mabilis na akong umiwas nang tingin, at itinuon na lamang ang atensyon sa malapit ng gate. Bago pa man niya ako maabutang nakatingin sa kaniya. Mamaya kung anong isipin. Napatitig lang naman ako, dahil mukha talaga siyang loser.


Muli akong napangisi sa naisip. Lalo ko nalang binilasan ang lakad, nang malapit na ako sa gate. May mga estudyante rin na lumalabas doon. Nag-abang lamang kami ng jeep papuntang Cubao, kasabayan ng mga estudyante nang araw na iyon.


"Hoy Juliet! Nasaan ka na ba? Mag-uumpisa na ang orientation!" ani Angelica sa kabilang linya.


"Otw na," tamad kong sagot.

It's A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon