Twenty-seven

27 5 0
                                    

IALS: Chapter 27

Nakahiga ako sa malamig na baitang ng hagdan sa grandstand. Mabuti nalang at hindi backless itong night gown ko, kaya ang hubad kong braso lamang ang siyang nilalamig nang sobra. Nakabaling ang ulo ko sa payapa at tahimik na oval.

Nasa babang baitang naman ang tanginang takong at maskara. Rinig na rinig ang tugtog mula sa school ground ngayon. Patuloy pa rin silasa pagsasayaw nila. 


Humikab ako dahil nakakaramdam na nang antok. Hindi nakakatulong ang sariwang hangin na tila henele ako upang matulog. Tila binibigyan ako nito nang kapayapaan at gustong dalhin sa higaan.

Ang daming pumapasok sa isipan ko ngayon. Iniisip ko kung kamusta na ba si Mama at Papa. Masaya kaya sila ngayon? Hindi bagay sa akin ang magdrama dahil nakakabawas iyon ng coolness, ngunit sadyang nakalahalina ang lalim ng gabi, at ang tugtog sa school ground.

Minsan iniisip ko kung malungkot ba ako, o namamanhid lang kaya minsan walang pakiramdam. Minsan iniisip ko, kung malungkot ba talaga ang buhay, o sadyang hindi ko lang pinipilit sumaya. Minsan iniisip ko pa rin, kung paano ako makakapunta sa ibang planeta. Baka hindi sa mundo ang happiness ko, baka sa Mars o di kaya sa Jupiter.

Pilit kong tinatanggal kanina ang pekeng pilikmata, kaso ang sakit 'nun, kaya hindi ko nalang tinuloy. Mabuti at wala na ang lipstick ko. Mukhang nakain ko na nga ata, masarap naman. Tinanggal ko iyong mga maliliit na hairpin na may desinyong bulaklak sa buhok ko, dahil masakit sa anit gawa nang nakahiga ako sa semento.

Hindi ko alam kung ilang oras na ako rito. Baka hinahanap na ako nila Angelica roon sa mesa namin. Bahala sila, kakaumay naman doon. Panay yaya nang sayaw. Sayaw na sayaw? Hindi uso magpahinga?

Tumaas ang dalawang kilay ko, nang marinig ang anunsyo ng DJ na sulitin na raw ang gabi. Mukhang last dance na nila. Wala naman akong pakealam. Last dance ko pa nga ata ay iyong gate-crasher. Ang weirdo niya, feeling cool. Pa-mysyerious effect, di naman bagay sa kaniya.


Muli akong humikab nang maramdaman ang paghalik ng malamig na hangin sa mukha ko. Parang trip kong tumira rito sa grandstand. Hindi ko na kailangan ng electric fan. Baka kapag yumaman ako, hindi bahay ipagawa ko. Baka grandstand nalang. Tipid pa sa kuryente.

"Tired and sleepy?"

Muntik na akong mapatayo nang may magsalita...at alam ko na si Romeo iyon. Nangunot agad ang noo ko, dahil sa gulat. Kabute talaga 'tong loser elementary kid na 'to. Paano kung gumulong ako sa grandstand dahil sa gulat.

Kunot noo akong umahon sa pagkakahiga. Sumama lalo ang hitsura ko, nang tuluyan nang makita si Romeo. Nakatayo siya sa hindi kalayuan, habang ang dalawang kamay ay nasa likuran. Nakamask pa 'yan. Parang timang ampots.

"The best gulaters ka na niyan?" usal ko at inismiran siya.

Maliit siyang ngumiti, at nag-umpisa nang naglakad papalapit sa akin. Kunot noo ko lamang siyang pinanood. Umayos nang upo, at hinayaan ang likod na sumandal sa baitang ng hagdan. Mula sa akin, ay bumaba ang tingin ni Romeo sa takong ko, at nilipat niya ang tingin sa paa kong hubad na.

Akala ko ay uupo siya sa tabi ko, nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Pero hindi iyon ang ginawa niya, lumuhod siya sa harapan ko, sa isang tuhod. Dahan-dahan niyang hinubad ang maskara niya, kaya umismid ako nang tuluyan nang makita ang mukha.

"Wala man lang pinagbago. Mas matino ka tignan kung hindi mo tinggal," usal ko at muli siyang inismiran.

Maliit siyang ngumiti sa sinabi ko at nilapag ang maskara niya sa tabi ko. Sinundan ko naman nang tingin ang paglapag niya ng maskara.

It's A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon