IALS: Chapter 23
Sa mga sumunod na araw ay kitang-kita ang pag-aayos sa sa school ground. Doon magaganap ang freshman night na paparating. Ang sabi ni Angelica, sa PU Hall daw dapat iyon, pero nagchange plan ang school at sa ground na gaganapin. Tila isang garden-themed party ang ganap nila.
Ang mga janitor ay tinatabas ang medyo matataas ng damo, nang pumasok ako kanina sa gate. May iilang professor na hindi pumasok ngayong araw dahil tumutulong sila sa pagpaplano para roon. Ang ganap naman sa room ngayon, ay nagdidiscuss ang classroom president tungkol sa magiging handa sa year-end party ng block namin.
"Lumpiang shanghai!" si Alberto na nagpataas pa ng kamay.
Ang sasarap ng mga pagkain na sinasabi nila, kaya parang trip kong dumalo para kumain. Panay suggest ng food and drinks ang mga kaklase ko, habang ako ay tamad lang na nakaupo sa upuan. Iniisip na isang araw makakain ko rin iyong masasarap na pagkain na sinabi nila.
"Paano kung boodle fight nalang? Para hindi ganoon ka-hassle?" suggest ng classroom vice president.
"Pwede rin. Para hindi na mastress sa mga lulutuin, lalo pa at naghahanda rin tayo sa freshman night" ang classroom muse namin.
Ang spaghetti, macaroni, caldereta at kung ano-ano pang suhestyon nila kanina ay hindi na natuloy. Nag-go nalang silang lahat sa boodle fight. Walang exchange gifts na magaganap, dahil hindi sila magkasundo sa kung ano ba talaga ang presyo ng regalo.
May nagsabi ang korni raw kapag 150, may iba singkwenta naman ang gusto, ukay ukay na panty daw ay ayos na. May iba rin gusto isang libo, iba rin, RK. Bakas ang saya sa mga hitsura ng blockmates ko. Halatang inabangan nila ang araw na iyon.Ako rin naman. Inaabangan ko dahil buong araw akong matutulog 'nun. Mukhang iyon na nga ang araw na ginawa para sa akin. Lalo akong natuwa sa kaisipan na iyon. Sila Angelica ay mapapagod at mananakit ang paa dahil sa pagsuot ng takong. Samantalang ako ang ganda nang higa sa kama. Tulog at humilik pa.
Nang matapos sila sa pagpaplano ay muling namutawi ang tugtog galing sa bluetooth speaker. Sinasabayan iyon ng mga kaklase ko. Pinag-uusapan din nila ang possible na kulay ng mga susuotin nila.
"Juliet! Isasayaw kita sa freshman night!" si Alberto na naglalakad papalapit sa akin.
Nasa likod si Julio ngayon at katabi si Romeo. Si Angelica ay nasa ibang circle at nakikipagchikahan. Ako naman ay nanatili lang sa upuan, dahil tinatamad ako. Naupo si Alberto sa upuan ni Angelica na malaki ang ngiti sa akin. Nakataas baba pa ang kilay nito.
Kung makalapit sa akin ay akala mo close kami."Sumayaw ka mag-isa mo" matabang kong sabi at inismiran siya.
"Ito naman si Juliet ang sungit" aniya at natatawa pa.
Anong nakakatawa?
"Ikaw nga mukhang singit" balik ko sa kaniya.
Lalong lumakas ang tawa niya roon at nilingon pa ang mga kaibigan sa likod. Nilingon ko rin naman sila, pero si Romeo na nakatingin na sa amin ngayon ang nalingunan ko. Nagkatitigan kami kaya agad ko siyang inirapan. Umay.
Walang ginawa buong araw dahil pumasok lang ang isang professor para sabihin na cut na muna ang lesson, at itutuloy nalang kapag nagresume na ang klase galing sa Christmas vacation. Tuwang-tuwa naman itong mga kaklase ko. Ako naman, naisip na sana natulog nalang ako sa bahay.
Bumaba nalang kami nila Angelica para kumain sa canteen. Hindi na kami bumalik ng classroom at tumambay nalang sa oval, bago tuluyang naisipan na umuwi na.
BINABASA MO ANG
It's A Love Story
RomanceThis is not your typical Romeo and Juliet love story. This is a story where a feeling cool Juliet, met the loser-type Romeo. This story... it's not just a story. It's a l.o.v.e story. Posted: May 21, 2020 - June 12, 2020 UNEDITED.