Thirteen

65 5 0
                                    

IALS: Chapter 13

Kanina pa lukot ang mukha ko at hirap na hirap sa steps. Si Romeo na nga lang nag-aadjust para sa akin, buti naman. Di uso sakin 'yun.

"Okay! Hindi naman pala kayo mahirap turuan. So next meeting, by five ang magpeperform. Nakasalalay sa bawat magpartner ang grade niyo for this performance" sabi ng professor, habang ako naman ay umiinom ng tubig na inagaw ko kay Angelica.

"Anong feeling na ka-holding hands si Romeo?" panunukso ni Angelica nang nasa CR na kami, para magpalit ng damit dahil pawis na pawis kanina.


Himala at hindi mabaho ang CR ngayon, may mga araw na sobrang baho talaga na mas gugustuhin mo nalang na 'wag umihi o di kaya ay magpalit ng damit. Lalo na roon sa CR ng mga lalaki, mas mabaho pa sa ugali ko. Gugustuhin mo nalang 'wag huminga, kesa ang malanghap ang mabahong CR.

"Ewan ko, try mo" sabi ko sa kaniya, at inunahan na siya sa isang cubicle nang lumabas ang babae.

Dumaan muna kami sa convenient store, bago naisipang sumakay ng jeep. Bibili raw kasi ng Gatorade si Julio kaya bumili na rin ako ng bottled water. Patawid na kami ng pedestrian lane habang umiinom ako ng tubig, nang makita ko si Romeo sa hintayan namin ng jeep. Anong ginagawa niya diyan?

"Maliligo talaga ako pag-uwi ng bahay" sabi ni Angelica, at todo punas ng pawis sa batok niya.


"Uy Romeo!" gulat niyang tawag, na mukhang ngayon lang napansin si Romeo, nang makatawid na kami at malapit na kay patpatin.

Patpatin pa rin siya para sa akin. Mas malaman pa rin ako sa kaniya kahit nagkakalaman na siya. Hindi pa rin siya chix.

"Hi," maikling bati ni Romeo at sinulyapan pa ako.


Tinaasan ko agad siya ng kilay. Anong sinusulyap sulyap niya diyan. Tusukin ko mata niya e. Close kami?

"Bakit ka nandito? Hindi ba sa tawid ka naghihintay ng jeep?" si Angelica na nakangiti, chismosa talaga.

"May dadaanan ako sa Cubao," sabi ni Romeo, kaya tumango naman si Angelica na parang namamangha.

Anong nakakamangha roon? Kami nga halos araw-araw umuuwi ng Cubao, hindi naman ako namangha? Try ko kayang 'wag umuwi, at baka roon ko pa lang maramdaman ang pagkamangha.


"Edi makakasabay ka namin sa iisang jeep?" dagdag naman ni Angelica, kaya sinulyapan ko si Romeo.


Ngayon ko lang napansin na nagpalit din pala siya ng damit. May bakas ng pawis sa may noo niya dahil nakikita na iyon. Malinis na ang gupit ng buhok niya at wala ng bangs. Mukha pa rin namang loser. What's new? Sa sobrang wala akong pakealam sa kaniya, kahit magkalapit kami kanina ay ngayon ko lang napansin na bagong gupit na pala siya. 

Iniwas ko ang tingin sa kaniya nang mapasulyap siya sa akin, matapos sagutin ang tanong ni Angelica. Ni hindi ko nga narinig sagot niya kasi nakatingin ako sa kaniya. Baka isipin niyang nakatitig ako, ang kapal niya kung ganoon nga. Sa buhok niya lang ako nakatingin hindi sa kaniya.

Nang may huminto na jeep, ay nauna na ako at sa pinakadulo ako umupo na siyang favorite spot ko sa jeep. Mas mabilis bumaba kapag nag-one two three sa jeep, kapag walang pamasahe. Biro lang. Hindi maganda ang bagay na 'yun. Nagpakahirap ang mga driver sa pagpasada, tapos tatakasan lang. Concerned citizen na naman ako ngayon.

"Romeo sige na!" tulak ni Angelica sa kaniya na pinapauna na si Romeo sa pagpasok sa jeep.

Nagdalawang isip man si Romeo ay pumasok nalang din, dahil maraming naghihintay na pasahero. Umupo ito sa tabi ko, kaya nangunot agad ang noo ko.

Sinuyod ko ang tingin sa loob ng jeep at halos puno na ang kabilang side. Itong hilera nang inuupuan ko lang ang siyang may malaking espasyo, kaya siguro rito umupo si Romeo. Pwede naman siyang sumiksik doon, gusto lang talaga akong katabi nito.

It's A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon