Thirty-nine

43 4 0
                                    

IALS: Chapter 39


Nilapag ko ang backpack sa sofa, nang tuluyan nang makapasok sa bahay. Umupo rin naman ako pagkatapos 'nun, at nilapag ang nakitang box ng regalo sa labas ng bahay sa hita ko. Kunot noo ko iyong tinitigan.


'Merry Xmas Juliet'

Iyon ang nakalagay sa maliit na papel na nakadikit sa regalo. Kunot noo ko iyong tinitigan. Sigurado akong noong  December 25 ito nilapag sa harapan ng bahay. Tuwing pasko nalang ay lagi akong nakakatanggap ng ganito.


Tuwing binubuksan ko ang pintuan kinabukasan pagkatapos kong magmukmok sa Christmas Eve, ay lagi akong may naabutang regalo sa labas ng bahay.


Nag-umpisa ito noong grade six ako, ang unang pasko na wala si Julia pati ang mga magulang ko. Akala ko ay isang beses lang iyon nangyari. Pero noong grade seven ako, ay muli na naman akong nakakuha ng regalo sa labas ng pintuan.


Noong mag-grade eight ako ay pasimple kong inabangan ang pintuan, at pinapakiramdaman kung may tao ba. Pero nakakatulugan ko na ito sa sahig, at kinabukasan ay may regalo ulit. Noong nakaraang taon lang wala, kaya akala  ko ay titigil na ang nagbibigay. Pero heto ngayon, at nakatanggap ako.


Ang pinagkaiba lang ngayon, ay naka-address na lamang iyon sa akin. Ang mga natatanggap ko kasi noon ay nakasulat ang pangalan namin ni Julia, kahit wala na siya. 'merry xmas Juliet and Jualia' iyon noon. Ngayon pangalan ko nalang.


Kanina ito galing? Imposibleng sa magulang ko dahil alam naman nilang wala na si Julia, at bakit sa ganoong paraan naman nila ako bibigyan ng regalo? Bakit? dahil ayaw nilang magpakita?


Hindi ang regalo nila ang kailangan ko, kundi sila.


Umiling nalang ako at tumayo papunta sa kusina. Pumatong ako sa lababo at binuksan ang cabinet sa itaas 'nun. Pinasok ko ang regalo katulad na lamang ng mga iba pang natanggap ko sa nagdaang pasko, maliban noong nakaraang pasko.


Ang unang regalo na natanggap ko noon lamang ang siyang binuksan ko. Purong laruan lamang ang laman 'nun. Ang ibang regalo ay hindi ko na pinag-aksayahan pang buksan at pinili na lamang na itago ito sa cabinet.


"Yet! Meery Christmas! Sorry ngayon lang kita nabati! Ngayon lang ako nag-online e" si Angelica sa kabilang linya.


Nakapatong sa lababo ang naka-loudspeaker kong cellphone, habang nasa harapan ko naman ang washing machine na umiikot ngayon. Nilabhan ko kinabukasan ang mga damit na dinala ko sa Batangas.


"Ge, Merry Christmas din," sagot ko, habang nasa washing machine ang atensyon.

Dinrain ko ang washing machine nang tumigil na ito sa pag-ikot.


"Mukhang masaya ang pasko natin ngayong taon ah? With Romeo and family]" aniya, at humalakhak pa sa kabilang linya.


Parang bruha lang.

"Inggit ka na naman," saad ko at umismid, na nasa nilalabhan pa rin ang atensyon.

"No no no! All night long kaming magkatawagan ni Julio noong pasko," pang-iinggit niya, kaya napailing na lamang ako.


"Ako hindi mo binati, tapos katawagan mo pala si Julio," usal ko.


"Baliw! Siya ang tumawag sa number ko. Wala akong load e," sagot naman niya.


"De, wala. Ayos lang" usal ko at ngumisi.


"Parang tanga, Yet!"


"Ikaw nga, tanga talaga e"

Hindi nagtagal ang pag-uusap naming dalawa. Nagpaalam na rin si Angelica sa akin dahil may gagawin pa raw siya. At naririndi rin daw kasi siya sa ingay ng washing machine namin, na naririnig niya. 


Sa mga sumunod na araw, ay balik na ulit ako sa dating gawi na panonood sa youtube ng tutorial sa programming. Patapos na ang bakasyon kaya dapat ay muli ko nang i-kondisyon ang sarili sa pag-aaral, at baka tamarin ako buong taon kapag puro hilata lang ako sa bahay.


Hindi ko aaminin, pero sige. Naghihintay ako noong nakaraan pa na magchat si Romeo sa akin na nakarating na siya sa Taiwan, o kung ano pa mang balita. Pero walang dumating. Hindi niya man lang sinabi kung nakarating na ba siya.


Minsan ay naabutan ko ang sariling nakatitig sa convo namin ni Romeo sa messenger, umaasang baka typing siya at nahihiya lang na isend sa akin. Pero mukhang baliktad, dahil ako ang siyang nagtatype ngayon.

It's A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon