Twenty

31 4 0
                                    

IALS: Chapter 20

Ito na ang huling araw ng foundation day. Ito rin ang pinakahihintay ng iba. Nasa oval kaming lahat, at ang mga ilaw ng oval pati ng mga ilaw sa grandstand ang siyang nagbibigay liwanag. Meron ding iba na may dalang lightstick. Tila nagpipicnic kami sa ilalim ng madilim na langit.

Sa tuwing huling araw daw ng foundation day, ay nagkakaroon ng tila concert sa grandstand. Pinangungunahan iyon ng mga myembro ng glee club. Nag-uumpisa iyon tuwing 7:30 ng gabi. At matatapos ng alas dose ng hatinggabi, pagkatapos ng firework display. Hindi lahat ay makakadalo, dahil gabi na ito dinaraos. At hindi lahat ay pinapayagan ng magulang.

Sariwa ang hangin dito sa oval. Kanina pa ako naiinggit kay Angelica dahil may suot siyang hoodie. Samantalang ako nakasuot lamang ng t-shirt. Naiwan ko ang jacket sa sofa, dahil sa pagmamadali. Muli kasi nila akong sinundo ni Julio sa bahay. Baka raw hindi na ako sumipot, lalo pa at huling araw na rin naman.


Mas marunong pa sa akin.

Pinagbigyan ko nalang din, dahil mukhang enjoy din naman pala ang foundation day. Paulit-ulit akong pinipilit ni Angelica, dahil simula noong high school kami, ay hindi na talaga ako dumadalo sa mga ganap ng school. Bukod sa nakakatamad, ay gusto ko nalang na matulog.


"Sinong mga nagmahal na at nasaktan?" ang isa sa mga senior namin na nagsilbing emcee.

Naghiyawan naman ang mga estudyante sa paligid.  Kahit hindi ko alam kung bakit. Pati si Angelica ay humihiyaw din. Tuwang-tuwa naman ang emcee na tumatawa dahil sa pag-iingay ng mga estudyante sa paligid.

Tahimik lamang si Romeo sa likuran namin at katabi niya roon si Julio. Si Angelica naman ang siyang katabi ko, na gusto ko na rin ilipat ng puwesto. Ang tinis ng boses niya, at ang sakit sa tenga. Panay siya tili, at hindi alintana, na ako rito, ay nabibingi.

Nakaupo kaming lahat sa madamong oval, at siksikan kami roon. May iilang naglatag ng banig, dahil may ihi at tae raw ng pusang gala sa damuhan. Kami nila Angelica ay hindi na nag-abalang magdala. Pinili nalang namin ang puwesto na malinis.

May iilan na nagdala pa ng kumot dahil malamig daw ang gabi. Totoo naman, lalo pa at buwan na ng Disyembre. May iilan pa akong nakita kanina na may dalang thermos at  styro cup. Mukhang magkakape pa ata. Dapat pala ay nagdala ako ng rice cooker. Kalan na rin para mas masaya.

Tanging mga chichirya at mga tubig na dala lamang nila Angelica ang siyang dala namin.

"Paano naman ang mga nagmahal, tapos iniwan?" ang emcee ulit.

Hiyawan muli ng mga estudyante ang namutawi. May kung anong kumpulan ng grupo sa may unahan, at tinuturo ang mga kasamahan nila. Iyon daw ang iniwan. Nagkamot nalang ako ng batok, at tinatamad na sa mga kakornihan nila.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko kay Angelica.

"Gaga, hindi pa nag-uumpisa" aniya at hinampas ako sa braso.

Tangina. Kung sasagot, sagot lang. Walang hampasan. Nangati tuloy ang braso kong hinampas niya. Masama ko nalang siyang tinitigan at pasimpleng nilingon sila Julio. Nasa harapan lang naman ang tingin nila. Nang mapansin ni Romeo ang pagbaling ko sa kanila, ay agad niya akong tinignan.

"Tinitingin-tingin mo dyan?" taas kilay kong tanong at inirapan siya, bago bumaling na ulit sa harapan.

Edi silang tatlo na nakasuot ng jacket. Mga tangina. Hindi naman ako lamigin, hindi ko na kailangan niyan. Palibhasa sila, mga weak. Mahihinang nilalang.

"Are you ready PU's?!"

Muling naghiyawan ang mga estudyante dahil sa sigaw ng emcee. Partida nakamicrophone pa 'yan, pero sumisigaw. Kasabay nang hiyawan ng mga estudyante ay ang pagdagundong ng drums. Lalong umingay ang paligid, na sinasabayan ni Angelica. Hindi ako makarelate. Ganito siguro talaga ka-boring buhay ko.

It's A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon