IALS: Chapter 24
Panay ang hila ko sa denim kong palda. Masyado akong naiiklian kahit hanggang tuhod naman ito. Hindi naman kasi ako nagsusuot ng mga ganito, kaya hindi ako sanay. Si Angelica naman ay suot ang jumper niyang denim din. Year-end party namin ngayon.
Ayaw ko sanang dumalo dahil dadalo naman na ako ng freshman night. Kaso mapilit iyong classroom president namin at sinabi niyang required daw umattend. Siraulo kasi 'to si Angelica dahil sinabi niyang hindi raw ako pupunta.
Denim ang siyang theme namin at si Angelica ang siyang nagpasuot sa akin nitong denim skirt. Ayaw ko sana ang kaso ay binili niya iyon para sa akin. Porket nalaman niyang dadalo na ako ng freshman night, gusto na rin niyang daluhan ko ang year-end party.Pagbigyan nalang natin at baka malugi at umiyak. Ayos lang din, dahil may pagkain naman. Iyon talaga ang siyang pakay ko. Hindi na ako magluluto ng lunch dahil kakain naman ako sa room. Hindi rin naman ako magluluto ng dinner, dahil may food sa freshman night. Ang sarap ng buhay ko ngayon.
Nakawhite v-neck shirt lang ako sa taas at nakaputing converse na sapatos. Si Angelica naman ay nakasuot din ng puting sapatos na katerno sa puti niyang long sleeve, sa loob ng maong na jumper.
Napaka-korni, pwede namang hindi sumunod sa theme sabi ng classroom president, kung wala talaga. Ang mahalaga raw ay dumalo kami. Kung pwede nga ay dumalo akong nakapajama lang, total baka matulog lang din ako sa party namin.Kami lang ni Angelica ang magkasama ngayon. Si Julio ay kasama si Romeo at nasa PU na silang dalawa kanina pa. Kailangan ni Jianna ng mga lalaki na siyang magbubuhat ng kung ano anong kailanganin nila para sa party. Kung nagsipagtulog nalang kasi kaming lahat, edi ayos! Magkikita-kita rin naman mamayang gabi.
"Ano ba naman 'yan Juliet. 'Wag mo ngang hawakan 'yan! Nasisira na oh!" inis na tapik ni Angelica sa kamay ko, dahil panay ang hawak ko sa buhok kong nakabraid na parang headband.
Hindi nga ako sanay na may ganito kaya lagi kong ginagalaw. Ang daming alam nito ni Angelica, alas nuebe pa naman mag-uumpisa ang party tapos alas singko ng umaga ay kinakatok na niya ako sa bahay para ayusan daw.
Daming alam, pwede nga umattend na nagwiwisik lang.
Iyong pinsan ni Angelica ay pupunta sa bahay mamaya, dahil siya ang nag-aayos para sa amin. Napapangiwi ako kapag naiisip na magmemake up ako. Pwede namang hindi, dahil may maskara naman kami.
Kababa lang namin ngayon ng jeep, at naglalakad na papunta sa school gate. May mga estudyante kaming nakasalubong nang makapasok ng tuluyan. Abala na rin ngayon ang mga nag-aayos sa school ground. Tinatapos nalang ang design. May mga nakakalat ng mga mesa na may mga puting tela.
Magkano naman kaya ginastos nila para sa freshman night na ito. Wala naman kasi kaming binayaran. Sabagay, maraming sponsor ang PU. Kelan kaya may magssponsor sa akin? Ay meron na pala.
Nagpaalam ako kay Angelica na dadaan muna ako ng canteen, at bibili lang nang makakain.
"Ano ba naman 'yan, Yet. Kakain na nga tayo ng mga handa mamaya bibili ka pa rin" reklamo niya bago ako iniwan.
E sa nagugutom na ako. Mamaya niyan ay may kung ano anong activities pang ipagawa sa amin bago kumain. Sabagay, hindi rin naman ako sasali sa pa games nila kung meron man. Panonoorin ko lang mga kaklase ko, at pagtatawanan na rin sa isipan.
"Oh kupal!" bati ko kay Romeo nang makita ko siyang bumibili ng pagkain din.
Parehas lang pala kami e.
Nakasuot siya ng ripped jeans na itim. May suot siyang denim na jacket at sa loob 'nun ay v-neck din na white shirt.
Gaya gaya na naman 'to.
BINABASA MO ANG
It's A Love Story
RomanceThis is not your typical Romeo and Juliet love story. This is a story where a feeling cool Juliet, met the loser-type Romeo. This story... it's not just a story. It's a l.o.v.e story. Posted: May 21, 2020 - June 12, 2020 UNEDITED.