IALS: Chapter 25
Dahan-dahan kong binuksan ang mata, nang sabihin ng pinsan ni Angelica na dumilat ako. Tinitigan niya kung pantay ba ang pagkakalapat niya ng kung ano pa mang pintura sa mata ko. Ngumiti siya nang makontento naman sa gawa niya.
"Ang lamig ng mata mo. Bagay nga sa'yo smoky eyes" sambit niya.
Gusto ko sanang itanong kung umuusok ba ang mata ko, dahil smoky daw. Pero hinayaan ko nalang dahil pinagpatuloy niya ang pagmemake-up sa akin. Hindi ako sanay, kaya pakiramdam ko ay mabigat ang mukha ko.
Kanina pa tapos ayusan si Angelica. Panay siya picture sa harap ng salamin namin. Isang kulay midnight blue ang suot niya na may ekis-ekis sa likod. Dark blue rin ang suot niyang maskara. Kanina ko palang binuksan ang paper bag, dahil gusto nang makita ni Angelica ang bigay sa akin ni Romeo.
Inaasar niya pa ako na kilig betlog daw dahil binilhan pa ako ng night gown at high heels, may kasama na ring mask. Isang kulay champagne iyon, at ang mask naman ay golden brown. Daming alam, puwede naman ata iyong jabawaki mask.
Nang matapos ayusin ang buhok ko, na nilagyan pa ng kung ano-anong abubot na maliliit na bulaklak, ay tinulungan na nila akong magbihis. Kanina pa nga pinapasuot ni Angelica sa akin ang gown, ayaw ko lang.
"Tangina, kakabagin naman ako rito sa lamig" komento ko.
Sleeveless ang night gown, at may malalim na neckline.
"Wag ka na mag-inarte! Susunduin na tayo ng Papa ni Julio," kunot noong sabi ni Angelica.
Pwede naman kasi kaming magjeep papunta sa PU. Pero sabi ni Julio susunduin niya kami, at ipagdadrive kami ng Papa niya. Nakagown daw kasi kami, at hassle iyon kapag nag-abang kami ng jeep. Hassle? Kung gusto nila, lakarin ko pa school e.
Nang matapos na ako sa pagbibihis ng gown, at nang tanginang heels, ay agad akong umupo sa sofa. Hindi ko matagalan, dahil ang sakit sa paa. Legit, ito ang unang beses na nagtakong ako buong buhay ko. Patulis at manipis pa naman ang takong. Pag ito nabali, at natapilok ako, at nabalian ng buto, humanda sa akin si Romeo. Babalian ko rin siya ng buto, para kwits kami.
"Tangina ka, Juliet. Ang ganda mo pala!" komento ni Angelica, habang pinipicturan ako.
"Gago, matagal na. Ikaw lang naman hindi" usal ko at nginisihan siya.
Ang pinsan na ni Angelica ang siyang nagbukas ng pintuan, nang kumatok si Julio. Napatigil pa ito sa pagpasok nang ako agad ang una niyang nakita."Gago, Juliet. Ikaw ba 'yan?"
Tinaasan ko siya ng gitnang daliri ko kaya humalakhak siya. Isang ganiyang salita pa nila ni Angelica nang tungkol sa ganiyan, hindi na talaga ako dadalo. Ang cringe lang. Kakaumay.Sumabay na ang pinsan ni Angelica sa amin at ibaba siya sa kanila Angelica bago dumiretso sa PU. Panay picture lang si Angelica sa loob ng kotse, wala naman akong pakealam, at nasa labas lang ang tingin. Iniisip kung ano kayang mga nakaserve na pagkain. Nagugutom na ako.
"Yet, suotin mo mask mo. Picture tayo" si Angelica.
Kinuha pa ang mask ko na nakapatong sa hita ko at inabot sa akin. Hindi ko naman iyon tinanggap dahil wala ako sa mood magpicture. Inismiran niya ako, at hinawakan nalang ang mask ko at tinapat iyon sa may mata ko. Ngumiti siya sa camera habang ako ay poker face lang.
"Tangina, Juliet. Ang hot mo sa part na 'to" si Angelica, at pinakita pa ang picture na tinutukoy niya.
"Hotdog," nakangisi kong sabi.
BINABASA MO ANG
It's A Love Story
RomanceThis is not your typical Romeo and Juliet love story. This is a story where a feeling cool Juliet, met the loser-type Romeo. This story... it's not just a story. It's a l.o.v.e story. Posted: May 21, 2020 - June 12, 2020 UNEDITED.