Eight

73 6 0
                                    

IALS: Chapter 8

"Para sa midterm exam natin, I want you to group yourselves into five. At gagawa kayo ng sariling steps para sa aerobic exercise. You can search on youtube and get ideas there. Pero huwag gagayahin lahat ng steps. With music" sabi ng professor namin sa PE.

Nasa loob kami ng isa sa mga room ng PE building, dahil wala kaming outdoor activity ngayon.

"That will be performed two weeks from now, kaya dapat lahat may performance" dagdag niya, kaya nagpataas ng kamay iyong classroom president namin.

"Ma'am? Kami po ba gagawa ng sariling group o countings nalang po?" tanong niya.

"You can group yourselves according to your friends, para mas madali at komportable kayo sa isa't-isa kung gusto niyo. Basta five groups with 10 members, at dahil 53 kayo right? may tatlong grupo with 11 members"


"Ma'am? Bawal po ba tatlong member lang sa isang grupo?" tanong ko matapos magpataas ng kamay, kaya nagtawanan naman mga kaklase ko.

Mga engot, anong nakakatawa? E sa tatlo lang kaming magkakaibigan nila Angelica. Share naman nila kung bakit sila natawa? Gusto kong makarelate e. Hindi ko alam kung sino ang hindi normal. Kung sila ba dahil bigla nalang tumatawa, o ako dahil hindi natawa sa kung ano mang pinagtatawanan nila.

"Makisali nalang tayo sa ibang grupo" mahinang sabi ni Julio, nang sabihin ng professor na bawal daw.

Nagkibit balikat lang ako at hinayaan nalang si Angelica na maghanap ng grupo, kung saan kami makakasali. Ito pinakaayaw ko e, yung mga ganitong performace. Mas gugustuhin ko nalang magreview, kesa sumayaw. Total kapag written exam naman, puwedeng manghula. Kapag sayaw, magmumukha kang siraulo kapag nanghula ng steps at hindi nakasabay sa kagrupo.

"Kasama na tayo sa grupo nila Helen" masayang balita ni Angelica sa amin, ako hindi masaya.


Bakit lagi ko nalang kasama sa grupo 'yun? Kakairita pa naman pagmumukha. Inaartehan pa ako. Kung yayain niya nalang ako nang suntukan, edi natuwa pa ako.

"Walang mag-iinarte ha. Magpapractice tayo tuwing uwian sa may oval" sabi niya na panay sulyap sa akin.

Akala niya natatakot ako e. Ano? Suntukan nalang kami sa gitna ng oval? Baka trip niya akong alukin.

"Boy, nagtryout si Romeo sa basketball, isipin mo 'yun" narinig kong sabi ni Alberto, habang tumatawa kaya natawa rin mga kaibigan niya.

"Gago payat pa naman 'nun, pag nasagi 'yun kalas agad buto 'nun" tumatawang sabi ni Kirt kaya nag-apir pa sila ni Alberto.

Si Alberto nga, pwedeng bola e.

"Pasok 'yan si Romeo, water boy nga lang" tumatawang gatong ni Sean.

Nawala tawa nila nang tahimik na pumasok si Romeo sa room na may dalang bottled water. Wala professor namin at magthi-thirty minutes ng late, kaya nag-iingay lang 'tong mga kaklase ko.

"Kamusta pala result ng tryouts niyo?" tanong ni Angelica kay Julio.

"Maraming nagtryout e, kaya tsaka palang malalaman kapag tapos na lahat. Tatlong session daw e" sabi niya, kaya tumango nalang si Angelica.

"Balak kong magtryout sa badminton" sabi niya at binalingan ako, para tanungin kong may sasalihan ba ako. Nagkibit lang ako ng balikat dahil wala naman akong balak magtryouts sa kung ano anong sports.

"Tawang tawa si Alberto, mas maganda nga performance ni Romeo kahapon" mahinang sabi ni Julio at mahinang humalakhak, kaya tumaas dalawang kilay ko at umismid.

It's A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon