IALS: Chapter 6
Tamad akong naglakad papasok ng PU. Nakasuksok pa ang dalawang kamay ko sa bulsa ng puti kong hoodie. Makulimlim ang paligid at malakas din ang hangin, kaya nagsuot ako ng jacket dahil sa lamig.Nasa may sidewalk ako at nasa tapat ng outdoor basketball court. Mula sa kung nasaan ako ay natatanaw ko ang ang mga kaklase sa malawak na oval, mula sa diamond wire mesh. PE ang unang subject namin ngayon, kaya roon sila nagkukumpulan.
Tulad ko ay may mga suot ding jacket ang iba. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. Nang makarating sa oval, ay naupo agad ako sa may hagdan ng grandstand. Lalong lumamig, nang umihip ang malakas na hangin.
"Juliet! Gooodmorning!" bati agad ni Angelica.
Tinanguan ko lang siya habang pinapanood ang mga kaklase ko na masayang naghaharutan. Binaling ko saglit ang mata sa mga athlete na tumatakbo. Humikab pa ako at tinakpan ang mukha atsaka nag-unat."G-goodmorning Juliet," napalingon ako sa gilid ko.
Si Romeo na nakangiti sa akin, ang siyang nabungaran ko. Matagal ko siyang tinitigan at inismiran, bago umirap at muling binaling sa mga kaklase ang atensyon. Anong nakain nito? Share naman niya."Uy, goodmorning daw Juliet! Wala ka bang sasabihin?" pang-aasar ni Alberto, na hindi ko alam kung paanong nasa malapit lang pala siya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at umirap.
Ang aga aga, ito ang mga bubungad sa akin.
"Ang taray naman Juliet. Para goodmorning lang sabi ni Romeo," dagdag pa ni Alberto, kaya bahaw ko siyang nginisihan.
"Walang good sa morning, kung mukha mo ang makikita ko" sabi ko, at inirapan siya ulit atsaka tumayo nalang sa pagkakaupo sa hagdan.
Hindi rin naman nagtagal ay dumating na iyong professor namin.
Magkakasama kaming nagsiksikan, habang nasa harapan ang professor. Tila mga batang nagkakagulo sa pila, dahil may feeding na magaganap. Tahimik ang mga kaklase ko, at nakatuon ang buong atensyon sa professor."Nagbabadya ang ulan, kaya next meeting nalang tayo magkakaroon ng outdoor activity. For now, use my time para magreview kayo at nabanggit ng classroom President niyo, na may quiz daw kayo sa susunod niyong subject" aniya, kaya nagsipagbusangot naman itong mga kaklase ko na hayok na hayok sa outdoor activity at ayaw magreview.
"Anyway, I want you to get your BMI. Write it on one half index card together with your 1x1 picture and pass it next meeting" dagdag niya, kaya naman ay tumango kami at nang idismiss niya ay nagsipag-alisan na ang mga kaklase ko.
Sa canteen naman ako dumiretso, para bumili nang makakain at nagugutom na ako. Parang puro kain nalang ang ginagawa ko rito. Bumili ako ng pancake at bottled water. Tahimik akong naglakad papunta sa malapit na mesa. Maaga pa, kaya bilang lang sa daliri ang mga nasa loob ng canteen.
Habang kumakagat sa pancake, ay tamad kong pinanood si Julio at Angelica. Mukhang nagtatalo silang dalawa sa counter. Iyong tindera ay nakatitig lang sa kanilang dalawa. Kung ako iyang tindera? Baka tinaboy ko na 'yan.Kawawang Julio at tindera.
Kung alam ko lang na ididismiss din kami agad ng professor, ay sana natulog nalang ako. Lalo na at inaantok na naman ako ngayon. Pero sabagay, sayang din naman attendance kaya ayos lang din na pumasok ako nang maaga.
Ang weird ni Romeo nitong mga nakaraan. Palagi ko nalang siyang nakakasalamuha, kahit iwas na iwas ako sa kaniya, dahil nakakasira ng araw buong pagkatao niya. At bukod pa roon, ay talaga namang ang lakas ng loob, na ichat ako sa mga ka-mema-han niya sa buhay.
BINABASA MO ANG
It's A Love Story
RomanceThis is not your typical Romeo and Juliet love story. This is a story where a feeling cool Juliet, met the loser-type Romeo. This story... it's not just a story. It's a l.o.v.e story. Posted: May 21, 2020 - June 12, 2020 UNEDITED.