IALS: Chapter 35
Urat na urat akong nagkamot ng ulo, nang marinig ang sunod-suno na katok sa pintuan ko sa kalagitnaan nang tulog. Itong Angelica na ito, ang lakas ng trip sa buhay at ako pa ang napiling disturbuhin. Hindi man lang alam ang katagang, biruin mo na ang lasing huwag lang ang bagong gising.Marahas kong hinablot ang hinihigaang unan. Agad koitong itinakip sa mukha ko, at diniinan ang sa bandang tenga upang hindi marinig ang tuloy tuloy na pagkatok. Kapag ako nainis at tinayuan iyang Angelica na 'yan, talagang makakatanggap sa akin iyan ng malakas na suntok.
Paano ba nagawang pumasok niyan dito sa bahay. Ang alam ko ay naglalock ako ng main door ng bahay bago natutulog. Kaya paanong kinakatok niya ang pintuan ko. Lalo akong nairita sa kaisipang pinasok niya ako. Sa kalagitnaan nang iritasyon, ay may bigla akong naalala.
Batangas.
Mabilis kong binato ang unan, kung saan nang maalalang wala pala ako sa bahay namin. At nasa bahay pala ako ng Lola ni Romeo rito sa Batangas. Pati ba naman dito ay sinusundan ako nang kakupalan ni Angelica. Talagang ganoon, kapag kakupalan matik ng si Angelica iyon o di kaya ay si Romeo.
"Juliet?" mahinang tawag ni Romeo sa labas ng pintuan, kaya napairap ako sa kawalan.
Ang pabebe nang paraan nang pagtawag niya ha.
Nag-inat ako at inis na kinamot ang ulo bago tumayo sa kama. Naglakad na ako sa pintuan at walang mababakas na emosyon sa mukhang binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Romeo at matagal na napatitig sa akin.
"Alam mo, disturbo ka. Natutulog ako e" pagsusungit ko, kahit alam kong nasa lungga niya ako at walang karapatan maging little boss.
Pero talagang ang sama lang ng gising ko tapos si Romeo pa ang bubungad sa akin. Sinong hindi mababadtrip? Tumaas ang dalawa kong kilay nang mapansin ang suot niyang salamin. Wala siyang suot na salamin nang pumunta siya sa bahay at noong bumyahe kami rito sa Batangas.
Baka hiniram niya iyan sa pinsan niya o di kaya ay may salamin din siya rito sa kanila.
Bahala siya kung saan niya man iyan nakuha."Dinner," aniya nang magtagal ang paninitig ko sa mukha niya, dahil sa eyeglasses na suot.
"Ge, tara na" sagot ko at lumabas sa kwarto.
Nauna na akong naglakad pababa nang maisara ko na ang pintuan ng kwarto. Ramdam kong sabog ang buhok ko ngayon. Ito ang mahirap sa kulot na buhok, kapag galing ka sa matagal na paghiga at tulog, ay gigising kang sabog na sabog ito.Tila isa ng pubic hair. Tapos ganitong buhok ang gusto ni Angelica?
Tahimik ang sala nila Romeo nang makababa ako kaya sigurado akong nasa hapag na sila ngayon. Bigla akong nahiya, kaya hinintay ko muna si Romeo nang tuluyan na akong nakababa. Akala mo ay isang hari kung makababa sa hagdan. Feel na feel niya ang mahinang lakad, akala mo ay nagdedebut at pababa sa engrandeng hagdanan.
"Pakibilisan," naiinip ko nang sabi.
Nagmumukha akong demanding kahit wala ako sa lungga ko. Gago ko talaga kahit kelan. Kapag nasa bahay namin si Romeo, sinisinghalan ko. Tapos kahit nasa lungga niya ako, sinisinghalan ko pa rin siya.
Nice naman.Pinauna ko na si Romeo papasok sa hapag nila. Naroon na ang Lola niya at may katabi itong babae, iyan na siguro si Miya na siyang pinsan ni Romeo. Ngumiti sa akin ang pinsan niya, nang makita ako.
"Hello po," bati sa akin ni Miya kaya tumango ako sa kaniya.
Hindi ako palangiti, kaya pasensya na.
BINABASA MO ANG
It's A Love Story
RomanceThis is not your typical Romeo and Juliet love story. This is a story where a feeling cool Juliet, met the loser-type Romeo. This story... it's not just a story. It's a l.o.v.e story. Posted: May 21, 2020 - June 12, 2020 UNEDITED.