Thirty-one

57 5 0
                                    

IALS: Chapter 31

Si Romeo na ang nagbukas ng pintuan nang kumatok si Angelica. May dala silang box ng pizza, at meron din take-out na rice at chicken. Nanuot agad iyon sa ilong ko, kaya lalo kong naramdaman ang gutom.

"Tagal niyo naman" sabi ko at inirapan sila pareho.

Dumiretso na kaming lahat sa kusina, at iniwan ang pizza sa center table. Mamaya raw namin iyon kakainin, kapag nanood na kami. Ang mga engot, ay may balak pang magmovie marathon. Handang-handa sila. Mukha ako lang ang hindi updated.

"Magtimpla ka ng juice, Romeo" utos ko sa kaniya habang kumukuha ako ng mga pinggan.

Nang naayos na ang mga pagkain sa mesa ay nag-umpisa na kaming kumain. Hayahay naman ako dahil hindi na nga ako nagluto, hindi pa ako naghugas nang pinagkainan. Si Julio na ang siyang gumawa 'nun sa akin. Habang si Angelica naman, ay nasa sala na kasama si Romeo at hinahanda ang panonoorin.

Umupo lang ako sa hapag at hinihintay si Julio na matapos sa ginagawa. Sabay na rin naman kaming pumunta sa sala, habang bitbit ko ang pitsel na may juice, na bagong timpla ni Romeo. Dahil naubos na iyong unang gawa niya.

Sumalampak na ako sa sofa. Ang puwesto namin, ay ang siyang puwesto rin namin noon. Nakapagitna kami ni Angelica sa kanila ni Julio. Nakabukaka pa ako. Ayos lang, naka pajama naman ako. Tahimik lang kami habang nanonood, si Angelica lang ang hindi. Lagi naman.

Sumusubo ako ng pizza, kahit hindi pa naman oras ang tinagal nang matapos kaming kumain kanina. Ngumunguya ako, habang tamad na nakatitig sa screen ng laptop. Parang mas gusto ko ata iyong zombie na movie na gustong panoorin ni Julio. Ayaw ko lang makipagtalo kay Angelica kaya hinayaan ko nalang siya.

"Salamat naman" ani Julio at huminga nang malalim, nang matapos na iyong cartoons na pinapanood ni Angelica.

"Ah! Takbo tanga!" tili ng kupal na Angelica.

Nakatakip pa ang dalawang kamay sa mata, para hindi makita ang zombie pero may awang naman sa daliri niya para maipagpatuloy pa rin ang panonood. Grabe, ang galing. Umiling nalang ako sa pinaggagawa niya.

Nang lingunin ko si Romeo ay tahimik lang itong nanonood. Kunot noo ko siyang tinitigan at umiling na lamang sa isipan. Inalis ko rin ang tingin sa kaniya at yumukod. Umabot ako ng isang slice ng pizza at binigay sa kaniya.

"Oh, para hindi ka lugi sa ambag mo" sabi ko at binalik na ulit sa latop ang tingin.

Ako lang naman walang ambag sa pagkain na binili nila ngayon. Gusto ko sanang mahiya, dahil ako ang siyang maraming kinain. Pero wala akong time mahiya. Next time nalang.

Rinding-rindi na ako sa tili ni Angelica. Parang mas gusto ko nalang atang manood siya ng cartoons, kesa marinig ko ang matinis niyang tili. Magkatabi pa naman kami sa sofa. Kapag tumitili siya ay tinatago niya minsan ang ulo sa balikat ko. Edi ang resulta, nabingi ako.

Binuksan na ni Julio ang ilaw nang matapos na namin ang palabas. May pizza pang natira sa mesa at juice na tinimpla ni Romeo kanina. Nakaupo lang kami sa sofa at pinatong ko ang paa sa center table.

Nagpapatugtog nalang ngayon si Angelica sa cellphone niya. Halos sa favorite artist niya ang laman 'nun. Sinasabayan niya pa. Edi sana siya nalang kumanta, nahiya 'yung artist sa kaniya e.

"Saan kayo ngayong bakasyon?" tanong ni Angelica, nang matapos ang kantang sinasabayan niya.

"Sa Cavite  kami ngayon. Doon balak magpasko at bagong taon ni Mama" ani Julio.

It's A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon