IALS: Chapter 33
Sobrang bigat ng mata ko nang magising ako kinabukasan. Pakiramdam ko ay hindi ko na ito mabuksan. Sobrang hapdi pa. Pakiramdam ko ay tila kinagat iyon ng bubuyog. Sana hindi todo ang pamamaga nito.Narinig ko ang katok sa pintuan ng kwarto ko kaya napakamot agad ako sa ulo.
Anong oras na ba? At ang aga naman atang mambuweset ni Romeo? Feeling close naman agad 'to, porket nayakap niya ako. Umirap ako bago tumayo ako sa higaan at bagot na bagot na nagkamot ng ulo. Inis na naglakad patungo sa pintuan at binuksan iyon.
"Tangina," napamura ako agad.
Paano e nakatopless si Romeo."Hoy bawal hubad dito" ani ko at pinanlakihan siya ng mata, bago bumaba ang tingin sa katawan niya.
Ang yabang, porket may namumuo ng kaonting abs ay may pa-hubad na ng damit.
"Nakiligo ako," aniya kaya roon ko lang napansin na basa ang buhok niya.
Namimihasa na 'to si Romeo a.
"Share mo lang?" sabi ko at tuluyan nang lumabas sa kwarto ko para pumunta ng kusina at kumuha ng tubig.
Kumunot ang noo ko nang may makitang sunny side up at corned beef sa mesa. May plato na rin doon at fried rice. Ipupusta ko si Angelica, kapag hindi si Romeo ang siyang nagluto nito. Malamang kaming dalawa lang narito sa bahay.
Lintek na Romeo 'to, nangingialam pa ng kusina.
"Nagluto ako," sabi niya na nakasunod na sa akin ngayon, kaya nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.
Nadidistract ako sa katawan niya.
"Magbihis ka nga, feeling model ka dyan" kunot noo kong sabi sa kaniya at tinalikuran na siya at nagsalin ng tubig sa basong nasa mesa.
"Basa damit ko. Nilabhan ko, natuyuan na ng pawis" aniya, kaya nilingon ko siya ulit at namamanghang tinitigan.
"Lakas ah. Bahay mo?" nakangisi kong tanong sa kaniya.
Iba rin naman kasi, nakilaba rin.
"Dito ka lang naman buong bakasyon diba?" tanong niya habang umiinom ako ng tubig.
Nasa harapan ko na rin siya ngayon at hinila na iyong upuan para maupo siya. Inis pa rin akong nakatitig sa kaniya habang nilulunok ang iniinom na tubig. Nasa akin din naman ang tingin niya, at hinihintay ang sagot ko, habang inaabala rin niya ang sarili sa pag-upo.
"Ano sa tingin mo?" tanong ko at nilapag ang baso sa mesa at umupo na rin.
"Sumama ka sa akin," aniya.
Umawang ang labi ko at kumurap kurap sa kaniya."Wow, itatanan mo ako?" taas kilay kong tanong sa kaniya.
"I'll spend my Christmas vacation in Batangas" aniya, kaya napaismid ako, "I want to bring you with me, so you wouldn't be alone this vacation,"
"Edi pumunta ka mag-isa, bakit kasama ako" umiling-iling kong sabi at nilagyan na ng fried rice ang pinggan.
Kahit kumakain na kami, ay panay pilit si Romeo na sumama raw ako.
"I'll be gone for long, so I wouldn't be able to visit you again...that's why I'm inviting you to come with me," sabi niya, habang hawak ang kutsarang may kanin.
"Hindi mo naman obligasyon na pumunta rito para samahan ako...kaya kahit huwag ka na bumisita ulit," usal ko at nagkibit ng balikat.
"Juliet," aniya sa tila seryosong tono.
Para akong tangang nag-eempake ngayon. Bigla akong naexcite. Mag-Babatangas kami ni Romeo. Ngayong araw kami aalis at babalik ng December 27. Isasama niya raw ako sa kanila at baka umiyak daw ako mag-isa rito sa pasko.
Ang kapal ng mukha, akala naman niya iiyak ako ulit.
Sumama nalang din ako dahil gusto kong sumubok ng mga bagong experience. Hindi naman palagi ay magyaya sa'yo na mag-out of town. Iinggitin ko rin si Angelica, akala niya dyan ha. Akala niya siya lang 'tong may pa out of town.
BINABASA MO ANG
It's A Love Story
RomanceThis is not your typical Romeo and Juliet love story. This is a story where a feeling cool Juliet, met the loser-type Romeo. This story... it's not just a story. It's a l.o.v.e story. Posted: May 21, 2020 - June 12, 2020 UNEDITED.