Twenty-two

28 4 0
                                    

IALS: Chapter 22

"Korni mo. Hindi pa rin ako dadalo,"

Inirapan ko nalang si Romeo, at binalingan saglit ang mga estudyante na malapit sa mesa namin. Bakas ang excitement sa mga hitsura nila, dahil sa paparating na event. Hindi ako makarelate, dahil hindi naman ako interesado.

Panay pa rin irap sa akin si Angelica kahit nang makarating na sila kasama ang mga pagkain. Panay ngisi naman ako para maasar siya lalo. Nabubuhay ako sa asar na asar niyang mukha. Iyon ang isa sa mga bagay na gusto ko sa kaniya.

Pagalit-galit pa, susuyuin din naman ako maya-maya. Hindi naman ako natitiis niyan. Mas natitiis niya pa si Julio kesa sa akin. Ngunit mukha mali nga ata ako. Tao pa rin pala talaga ako, at nagkakamali. Hindi niya ako pinansin kahit nang maisipan na naming umuwi.

Kapag tinatanong ko siya, sumasagot naman siya. Ang kaso ay kay Julio o di kaya ay kay Romeo nakabaling. Nagmumukha lang siyang tanga sa ginagawa niya. Akala niya maasar ako, ang hindi niya alam pinagtatawanan ko na siya sa isipan. Kawawa sa kaniya.

"Bye, Romeo. Gagawa ako GC natin mamaya. Tayong tatlo lang, kasi tayo lang naman ang pupunta sa freshman night" aniya, na nilakasan ang boses para marinig ko iyon.

Sinulyapan niya pa ako at inirapan. Nginisihan ko lang siya kaya kita ko ang pagpipigil niyang mainis, dahil hindi ako naapektuhan sa asta niya ngayon. Parang bata talaga oh. Iyong mga bata na hindi lang pinahiram ng laruan, hindi na raw kayo bati. Ipagkakalat niya pa 'yan sa ibang kaibigan, para marami silang galit sa'yo. Naghanap nang kakampi.

Kahit nang nasa loob na kami ng jeep, ay hindi siya tumabi sa akin. Doon siya sa tabi ng driver. Habang ako naman ay nasa pinakadulo. Napapansin kong tinitignan niya ako sa salamin na nasa harapan. Iniirapan niya ako kapag nagtatama ang mata namin.

"Parang gago lang oh," bulong ko at napangisi, nang muli na naman siyang umirap sa salamin.

Kapag nakita siya ng ibang pasahero sa ginagawa niya, ay iisipin nilang nababaliw na siya. Kahit 'wag na nilang isipin, dahil ganoon naman talaga siya.

Mas mauuna akong bumaba sa kanila ni Julio, at dahil nasa tabi siya ng driver ay hindi ko magagawang magpaalam sa kaniya.

"Una na ako. Ingatan mo 'yan," tapik ko sa hita ni Julio, nang huminto na ang jeep.

Muli kong sinulyapan ang harapan at naabutan ulit siyang sinisilip ako sa salamin. Alam na rito na ako bababa. Nginisihan ko siya bago niya ako irapan. Mabilis na akong bumaba sa jeep, para hindi na makaganti at nang mas lalong maasar.

Nang makauwi ako sa bahay, ay nagligpit nalang muna ako. Nagsaing na rin, at nanood ng videos tungkol sa programming at calculus. Mas gusto kong sayangin oras ko sa ganito. Mukhang may napapala naman ako sa pagsasayang ng oras sa ganitong bagay.

Nasa kalagitnaan ako nang panonood, nang maalala si Angelica. Inalis ko agad ang video at binuksan ang messenger ko. Binuksan ko agad ang conversation namin, para lamang salubungin ng 'you can't reply to this conversation'.

"Gago talaga" mahina kong sambit at umiling-iling.

Nagtext ako sa kaniya, pero hindi naman siya nagreply. Tinawagan ko nalang, para lamang marinig ang out of coverage area. Napailing nalang ako sa isipan. Ayaw sanang mastress sa kaniya, dahil alam ko naman na hindi niya ako natitiis.

Nagluto nalang ako ng ulam nang sumapit ang alas syete y media ng gabi. Panay pa rin tingin sa conversation namin at pinapanood kung maalis ba ang you can't reply to this conversation.

It's A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon