Seventeen

60 4 0
                                    

IALS: Chapter 17


May iilang estudyante rito sa likod ng school, pero bilang lang sila ng sampung daliri ko. Ang iba ay kasama ang mga jowa nila, at ang iba naman ay tahimik na nag-aaral. Malayo sila sa may pwesto ko kaya payapa at tahimik kong tinatanaw ngayon ang ilog. 

Masarap ang hangin gawa ng umaga pa lang at kaharap ko ang ilog. Nasa parte akong walang mga basura kaya sariwa ang nalalanghap kong hangin. O baka nasanay nalang din ako sa amoy ko na mas higit pa sa basura, kaya hindi na ako apektado.

Parang gago lang kasi 'to si Angelica e, hindi na ata kaya ang pagkaumay sa akin kaya naghahanap na ng iba. Tapos irarason niyang hindi naman sila palaging nasa tabi ko. Kupal pala iyon at may balak ata akong iwan.

"G-goodmorning,"

Muntik na akong mapatalon na parang isang tipaklong, nang marinig ko ang boses ni Romeo sa likuran ko. Kabute na ngayon si Romeo. Iyon na ata ang misyon niya sa buhay at laging sumusulpot nalang basta-basta.

Hindi ko siya nilingon at nakipagtitigan pa rin sa ilog. Naramdam kong naglakad siya at huminto sa gilid ko. Saglit ko siyang nilingon, at naabutan siyang nakatitig na rin ngayon sa ilog. Umiling nalang ako sa isipan, at binaling nalang ang tingin ulit sa harapan.

Gaya gaya talaga 'to kahit kelan.

"Nag-away kayo ni Angelica?" tanong niya na nasa ilog pa rin ang tingin.

"Oo, nagsapakan nga kami e" 

Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin. Binalingan ko rin siya, habang nakataas ang dalawang kilay ko. Titig na titig ito sa akin, kaya nginisihan ko nalang siya. Iniwas ko na ang tingin sa kaniya at bumuntong hininga.

"Hayaan mo 'yun. Sinusumpong lang sa'kin 'yun, kaya nag-iinarte" umiling-iling kong sabi.

Hindi siya nagsalita, kaya nilingon ko siya. Tahimik lang siyang nakatitig na ngayon sa ilog na nasa harapan namin. Hindi na ako magugulat kapag may umahon bigla na sirena dyan sa ilog. Kung makatitig naman kasi si Romeo roon, ay tila may binabasang mahika sa isipan.

Napailing nalang ako.

Dahan-dahan ang ginawang kong pagpapalandas ng dila sa panloob na pisngi ko. Pasimple ko ulit na sinulyapan si Romeo, bago bumuntong hininga.

"April...April 30" sambit ko.


Napalingon siya sa akin, na halatang nagtataka. Nginisihan ko lang siya, na ngayon ay halata pa rin ang pagtataka sa mukha niya.

"Ge, balik na ako roon. Epal mo e, nagpapahangin ako tapos mag-aala kabute ka riyan," umiling-iling ako at tinalikuran na siya.

Naglakad na ako palayo sa kaniya, upang tumungo ng freshman building. Naabutan ko ang mga kaklase kong nagtitilian at may pinapanood sa cellphone nila. Hinanap agad ng mata ko si Angelica, at naabutan kong  nakasubsob ang mukha sa armchair. Si Julio naman ay mahina siyang tinatapik sa likuran.

Tignan mo 'to, ang lakas ng loob awayin ako tapos siya itong iiyak iyak ngayon. Gagamitin pa ako ng reverse card.

"Iyakin naman," pang-aasar ko, at tahimik nang umupo sa tabi niya "Hulaan ko, kakalasin mo 'yang tirintas mo mamaya" dugtong ko, habang nakatitig ngayon sa buhok niyang nakatirintas na naman nang magkabilaan.

Umahon siya mula sa pagkakasubsob. Masama niya akong tinitigan, at may luha pa sa pisngi niya. Napayagit niyang tignan. Ang iyakin, ako nga iniwan niya kay Romeo noong nakaraan, hindi naman ako umiyak. Isusumbat ko sana ang pang-iiwan niya, kaso huwag na muna. Baka umiyak lalo. Aping-api?

It's A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon