Twelve

69 5 0
                                    

IALS: Chapter 12

Kung hindi ko pa naramdaman na nagsibabaan ang mga kasamahan ko sa jeep, ay hindi ko malalamang nasa tapat na kami ng PU. Anong oras na akong nakatulog kagabi. Pinag-aralan ko 'yung calculus kaya hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog.

Antok na antok akong bumaba ng jeep at tumawid sa may pedestrian lane, kasabayan ng mga estudyante. Inangat ko ang kamay ko upang takpan ang bibig dahil sa paghikab.


"Tangina," napamura ako, nang biglang may mabilisang pumreno na sasakyan sa harapan ko.

Nawala bigla antok, kupal 'tong kotse na 'to, papatayin pa ata ako.

Kunot noo ko 'tong tinitigan dahil huminto ito sa mismong harapan ko. Sa pedestrian lane mismo. Masama kong tinitigan ang bintana ng kotse. Dahan-dahang bumaba ang bintana, at nakita ko ang mukha ng lalaking nasa harapan pa rin ang tingin. At wow nakashades pa.

"Kupal ka! Nakashades ka pa? Balak mo ba akong sagasaan!" sigaw ko at hinapas ang kotse niya, ang sakit sa kamay.

Napapatingin na sa akin iyong mga estudyante na dumadaan. Wala akong pakealam sa kanila, hindi naman sila iyong muntik nang masagasaan.


Hindi ko siya makapaniwalang pinapanood habang dahan dahan niyang binaba iyong suot niyang shades. Dahan dahan din ang ginawa niyang paglingon sa akin. Malaki niya akong nginitian. Tila nang-aasar. Kapag ako naasar, baka sirain ko 'tong kotse niya.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan, kupal" inis kong sambit at pinanlakihan siya ng mata.


Natawa siya sa sinabi ko at pinadaan pa ang kamay sa tungki ng ilong niya, gago niya. Lumapad lalo ang ngiti niya sa akin, matapos haplusin ang tungki ng ilong. Lumubo pa ang pisngi niya, nang haplusin ng dila niya ang panloob na pisngi.


"Nice to meet you, Juliet" aniya, at tinaas baba ang kilay niya sa akin.

Mabagal ang naging pagtaas ng kilay ko sa sinabi niya. Gago? Hindi ko nga 'to kilala tapos alam niya pangalan ko.

"Ganda mo diyan sa ID mo ah," biglang sabi niya at sinulyapan ang ID ko, kaya agad ko naman iyong hinawakan.

"Gago alam ko. Akala mo mauuto mo ako? Muntik mo na akong mapatay kupal!" inis kong sabi, kaya natawa siya bago napangisi.

"Grabe sa mamamatay ha. Hindi pa naman...sa ngayon" sabi niya at humalakhak, hindi ko alam anong dapat ikahalakhak.


Alien din ata ang isang 'to. Wala namang nakakatawa sa sinabi niya. Tapos kung humalakhak, para gustong magpasapak. Kung butasin ko nalang gulong ng kotse nito, nang matahimik na ako.


"Juliet,"

Napalingon ako sa may kanan ko habang nasa mukha pa rin ang inis. Nakita ko roon si Romeo na walang mababakas na emosyon sa mukha. Tinaasan ko siya ng kilay at pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng plain vneck grey shirt at itim na jeans. Wala rin siyang salamin ngayon.

Hindi ko tuloy alam kung malabo ba mata nito o mema lang 'yung salamin niya.

Nawala ang tingin sa akin ni Romeo at humakbang nang kaonti palapit sa akin, kaya umatras ako. Kunot noo ko lang siyang pinapanood, habang nakikipagtitigan siya doon sa lalaking muntik nang bumangga sa akin. Nakangisi lamang ito kay Romeo. Itinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"Wala akong binabalak," sabi niya at bahaw na tumawa, at binaba na ang kamay para isara ang bintana niya.

Tangina, tatakasan ata ako nito.


"Hanggang sa muli, Juliet" pahabol niya at kinindatan ako, bago tuluyang sinara ang bintana.

Ilang saglit lang ay umalis na ang kotse.

"Kupal talaga oh!" inis kong sabi habang pinapanood ang paglayo ng kotse.


Inis kong nilingon si Romeo na walang emosyon sa mukha, habang nakatitig din sa kotseng nasa malayo na. Kumunot ang noo ko at binalik ang tingin sa kotse at kay Romeo. Hindi ako sigurado, pero hindi ako pwedeng magkamali, iyon ang kotse na nakita ko dalawang beses at may kausap si Romeo sa loob 'nun.

It's A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon