Thirty-two

55 4 0
                                    

IALS: Chapter 32

Tatanga-tanga si Romeo at hindi pa agad umuwi pagkatapos kumain. Kaya ang nangyari ay inabutan siya nang malakas na ulan. Biglaan at walang may alam sa aming dalawa na bubuhos ito. Samahan pa nang malakas na hangin. Kaya ang nangyari ay nasa bahay pa rin siya ngayon kahit gabing-gabi na. Tatanga-tanga kasi.

"Dyan ka sa sofa matulog, bahala ka dyan. Pwede rin sa labas, paulan ka roon" sabi ko sa kaniya, habang pinunasan ang mukha ng face towel. Katatapos ko lang maghilamos at naghahanda na sa pagtulog.

Alangan namang sa kwarto ko patulugin si Romeo? Ang swerte naman niya kung ganoon nga. Si Julio nga kapag narito, sa sofa lang e. Bahala siya, hindi siya umuwi agad e. Ano? Nakikain na nga, makikitulog pa? Hanep naman, anong tingin nito sa bahay namin, bahay ampunan?

"Yeah, I'm fine here" sabi niya at tinapik tapik ang sofa.

Umismid nalang ako.


Bahala siya pagkasyahin sarili niya. Si Julio nga nahihirapan, siya pa kaya. Mas matangkad siya kay Julio nang kaonti.

"Pakipatay nalang ilaw kapag matutulog ka na, para di sayang kuryente. Ayos lang din kung hindi mo patayin, basta ikaw magbayad" sabi ko at iniwan na siya.

Wag na siyang mag-unan, may armrest naman iyong sofa. Pagtiisan nalang niya. Bumuntong hininga na lamang ako at umiling bago pinihit ang doorknob. Magkakaroon pa tuloy ako nang isipin dahil sa papunta-punta niya rito. May pa home visit pa siya dyan. Ayan, mangalay siya sa sofa.

Habang nakahiga sa kama, ay binuksan ko ang data ko. Wala namang mga chat doon. Tahimik din ang ang GC namin ngayon. Si Alberto lang ang nag-iingay. Panay ang send noong nakaset na lobong emoji sa GC namin. Wala na naman 'tong magawa sa buhay niya.


BSCS 1-3 LANG MALAKAS:

Alberto Burgos:

*Red Balloon Emoji

Ang dami ng balloons, sunod sunod ang pindot niya.

Juliet Fernandez:

Birthday mo?

Pinatay ko na rin ang data nang masend iyon dahil matutulog na ako. Tahimik si Angelica ngayon, kaya feeling ko nasa Nueva Ecija na 'to. Mahina ang signal sa kanila, kaya siguro hindi siya nakakapag online. Wala ring wifi roon sa bahay ng Lola niya.

Sa kalagitnaan nang pagtulog, habang nakanganga ay naalimpungatan ako. Naririnig ko ang malakas na hilik nang kupal na Romeo. Bagot at kunot noo akong tumayo para labasin siya. Nakasara pa ang mata ko, nang lumabas sa kwarto.

Tumaas agad ang kilay ko, nang makita siyang pinagsisikan nga niya ang sarili sa sofa. Nakaunan nga siya armrest nito. Bahagyang nakanganga si Romeo at humihilik. Hindi siguro siya sanay matulog na walang ilaw, kaya hindi niya pinatay.

"Sumakabilang bahay ka pa ha," bulong ko at tinalian ang buhok, at panay kurap dahil nanakit ang mata dahil kagigising lang.

Ayaw na ayaw ko kapag naalimpungatan ako sa pagtulog, kasi hindi na ako nakakatulog ulit. Aabutin muna nang ilang oras? Bago makatulog. Umiling-iling ako habang nakatitig kay Romeo. Ang hirap talaga kapag pinagsisik-sikan mo ang sarili mo. Malamang, mangangalay 'yan. Hindi lang stiff neck aabutin niyan bukas.

Nakakaawa naman 'tong Romeo na 'to. Napailing iling nalang ako at naglakad sa kwarto na katabi ng kwarto ko. Matagal muna akong tumayo sa harapan ng pintuan, bago ko inabot ang susi ng kwarto, na nakasabit lang sa taas ng pintuan mismo.

Nabubuweset ako kay Romeo.


Ako pa tuloy naabala dahil sa papunta-punta niya rito. Tapos hindi ko rin naman matiis na nangangalay siya roon sa sofa, na walang unan at kumot. Kahit kasalanan naman niya kung bakit siya nasa ganoong posisyon at sitwasyon ngayon.

It's A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon