Two

90 6 0
                                    

IALS: Chapter 2

Tahimik lang akong nakaupo habang nagbibilang ang mga kaklase ko para bumuo ng grupo. Si Angelica ay kanina pa bumibilang, para malaman kung magiging magkasama ba kami.

"Ano ba 'yan! Hindi tayo magiging group mate," malungkot na bulong ni Angelica sa akin, kaya nilingon ko siya.

"Thanks, then" nakangisi kong sabi sa kaniya, kaya sinamaan niya ako ng tingin at lukot ang mukhang bumaling sa harap.

"Five!" sigaw ni Angelica na kunot pa rin ang noo at hindi na bumabaling sa akin.

"One," ani ko at sinulyapan si Angelica, habang may ngisi sa labi ko.

"Napakabad mo talaga!" inis niyang sabi sa akin na parang naiiyak.

Lumaki lang ang ngisi ko sa kaniya, kaya naasar siya at inirapan ako. Muli niyang inalis sa akin ang tingin, at binalik na lamang iyon sa harapan. Kumibot ang labi ko, habang titig na titig sa asar na asar niyang mukha.

Mabuti na ring hindi ko kagrupo 'to. Hindi ko deserve e, minsan tinatablan ako nang katamaran at tiyak na lugi sa akin 'to. Ayaw niya 'nun? Bawas stress na sa kaniya. Madalas pa naman, kapag magkakasama ang magkaibigan sa iisang grupo, ay walang nangyayari at natatapos. Kaya mabuti nalang talaga at hindi ko siya kasama sa grupo ko.

"Hoy Romeo, ikaw na!" ani Kirt sa likuran.

Tumaas ang dalawang kilay ko at tamad na lumingon sa likuran, para makita lamang ang nakayukong si Romeo. Hindi niya napansin na siya na ang magbibilang. Nang kaniyang mapagtanto na siya na pala ang magbibilang ngayon, ay bahagya siyang nataranta.

Tsk. Tsk. Tsk.

"Six," mahina niyang sabi kaya, nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Raulo 'to! Anong six? Hanggang five lang ang groupings boy," natatawang sabi ni Kirt, kaya napangisi nalang ako at umiling-iling.

Loser talaga.

"Boy, kakaisip niya 'yan kay Juliet" ani Alberto, kaya nagtawanan ulit ang mga kaklase ko at sabay sabay na bumaling sa akin.

"Ayieee, kilig beshy ko!" si Angelica.

Mabilis ko siyang binalingan at pinanliitan ito ng mata, pero binelatan niya lang ako at nakiasar din. Halatang bitter pa rin siya, dahil hindi kami nasa iisang grupo. Parang kasalanan ko pa ah? Malamang magkatabi kami, anong ine-expect niya? Alangan naman kasunod ng number 5, ay 5 pa rin. 

"One hijo, hindi six," sabi ng professor, kaya mahinang tumango si Romeo.

Muli na namang yumuko sa armchair, upang ipagpatuloy ang kinokopya sa board. Siya lang ang nagsusulat, dahil kami ay pinicturan lamang ang mga iyon. Baka running for laude pa nga ito.

"Yun oh! One rin si Juliet!" anunsyo ni Angelica, kaya naghiyawan ang mga kaklase ko.

"Naniniwala na ako sa forever!" si Alberto habang kinakanta iyon.

Tamad akong lumingon sa likuran at masama ko siyang tinititigan, pati si Angelica ay hindi ko pinalampas. Binelatan niya lang ako, kaya sinamaan ko siya ng tingin, at tahimik nang bumaling sa harapan.

"Hoy love story theme song nila 'no!" saway ni Angelica kay Alberto, kaya muli na namang naghiyawan ang mga kaklase ko at nagkakanta na.

"Romeo save me!" panimula na naman ni Alberto, kaya tumaas ang kilay ko at binalingan siya ulit.

It's A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon