IALS: Chapter 30
"Tantanan mo ako sa ganiyang linyahan mo ha. Kilabutan ka naman" umiling-iling kong sabi at nauna nang maglakad.
Sumunod naman siya sa akin, at tinabihan ako habang naglalakad. Tahimik lang siya, kaya umismid ako. Hindi ko na siya binalingan pa, dahil sa tuwing sinusulyapan ko siya ay nginingitian niya ako. Nakakakilabot. Hindi ko man lang alam kung anong nginingiti niya riyan.
Nang makarating kami sa bahay, ay tahimik siyang umupo sa sofa. Dumiretso naman ako sa kusina para kumuha ng tubig sa ref. Dinala ko iyon sa sala at pinatong ang pitsel at baso sa center table.
Naupo rin ako sa sofa, ngunit malaki ang distansya sa kaniya. Yumukod din naman ako, para salinan ng tubig ang baso. Isa lang ang kinuha ko para tipid sa hugasin. Tubig lang din naman 'to.Uminom ako at nilapag din ang baso sa mesa, nang maubos na ang laman ng baso. Nginuso ko naman kay Romeo iyon, nang maabutan siyang pinapanood ako sa ginagawa. Akala na naman siguro nito, TV ako.
"Kung gusto mong uminom, inom lang. Pero tubig gripo 'yan," usal ko at umayos nang sandal sa sofa.
Tumaas ang dalawang kilay ko, nang gumalaw siya sa sofa at nagsalin ng tubig sa basong ininuman ko. Ngumisi ako dahil doon.
"Baka hindi kaya ng sikmura mo ang tubig gripo. Wala akong pang ospital sa'yo, kapag nagkadiarrhea ka" sabi ko at inismiran siya.
"Ayos lang," aniya at uminom na.
Matapos siyang uminom, ay sumandal din siya sa sofa kagaya ko. Nasa harapan lang ang tingin niya. Dahan-dahan ko namang pinilig ang ulo kong nakasandal sa sandalan ng sofa. Tinitigan ko siya, habang may ngisi sa labi ko. Nasa harapan lang ang tingin niya. Tila elementary na pinagface the wall, dahil nakakuha ng zero na score.
"Pssst," tawag ko sa kaniya.
Nilingon naman niya ako, kaya lalong lumapad ang ngisi ko. Sa tamad na mata ko siya tinitigan, habang nilalandas na naman ang dila ko sa panloob na pisngi. Kinagat ko rin ang pang-ibabang labi habang nakangisi pa rin.
"Ano nang gagawin natin?" usal ko habang nakatitig pa rin sa kaniya.
Tila inosenteng bata siyang nakatitig sa akin ngayon. Umiling-iling nalang ako at pinilig na ulit ang ulo sa harapan. Kahit kelan talaga walang kwentang kausap 'to. Mula noon hanggang ngayon.
"Who's that guy earlier?" tanong niya, matapos ang mahabang katahimikan.
Muli ko siyang binalingan. Nasa akin pa rin ang tingin niya.
"Clarence," maikli kong sagot at nagkibit balikat.
"What about him?" dagdag niya pa.
"Gangmate ko noon," sagot ko.
"And then?"
Tumaas ang dalawang kilay ko at umayos nang upo. Nasa akin pa rin ang tingin niya, at tila gusto niyang ipagpatuloy ko ang kwento tungkol kay Clarence.
"Isa siyang gago noon,"
Tumango siya at mukhang gusto pang makarinig nang kwento sa akin. Ito ba gusto niyang gawin namin? Ang magkuwentuhan? Tila isang loser elementary kid na naman na hayok sa bedtime story. Baka gusto niyang sa higaan pa kami pumwesto?
"Lima kami sa samahan namin. Pangalan ng gang namin...tigang gang. Sila ang nagpangalan 'nun. Hindi naman ako maarte, kaya pumayag na ako" tumatango-tango kong sabi, "Ako ang boss nila, kasi maangas ako. Kung naangasan ka saakin ngayon, paano pa kung nakilala mo ako noon," nakangisi kong sabi, at nginisihan siya, tila nagyayabang.
BINABASA MO ANG
It's A Love Story
RomanceThis is not your typical Romeo and Juliet love story. This is a story where a feeling cool Juliet, met the loser-type Romeo. This story... it's not just a story. It's a l.o.v.e story. Posted: May 21, 2020 - June 12, 2020 UNEDITED.