Fifteen

65 5 0
                                    

IALS: Chapter 15

Nang dumilat ako ay sinalubong ako ng puting paligid. Nakahiga rin ako sa kama, kaya alam kong nasa clinic ako ngayon. Umupo ako sa kama dahil mukha akong tangang nakaratay ngayon. Ano kayang hitsura ko kanina? Baka mukha akong siraulong nahimatay doon.

Nahagip ng mata ko si Romeo na nakaupo sa monobloc chair at may binabasa, tungkol ata sa discrete math naming subject. Tahimik lang siya at seryosong nakatitig sa hawak niyang binder notebook.


Anong ginagawa niya rito?

Nang mag-angat siya nang tingin at nakitang buhay na ako, ay niligpit na niya iyong inaaral niya. Tumayo siya sa upuan at binitbit ang bag kong ngayon ko lang napansin na nakapatong sa hita niya.

Tumayo na ako sa kama at naglakad papalapit sa kaniya, upang kunin ang bag. Iniwan ko na siya roon para umalis na. Nang makita ako ng nurse ay pinasulat niya ang pangalan ko roon sa logbook nila.


Sinabihan din ako na bakit pa raw ako pumasok gayong masama naman pala ang pakiramdam ko. Nagsorry nalang ako, dahil iyon ang siyang unang lumabas sa bibig ko. Nagpasalamat din ako sa kaniya nang matapos isulat ang pangalan, habang tahimik namang nakasunod lang si Romeo sa likuran ko.

Bakit siya ang nandito? Nasaan si Julio? si Angelica? 

Nagulat ako nang paglabas ko sa clinic ay sinalubong ako ng madilim na paligid. Ilang oras ba akong nawalan ng malay? Bakit gabi na pagkabuhay ko? Tahimik na ang school ground ngayon, at bukas na ang mga kahel na ilaw na nasa tabi ng mga puno. May puti rin naman na ilaw, ngunit mas marami ang kahel.

Kinuha ko ang cellphone sa bag at nakitang mag-aalas siete na ng gabi. Nakita ko ang iilang text ni Angelica, kaya naman ay binuksan ko iyon.

Anggenda ko:

Juliet? May emergency sa bahay namin at sa bahay nila Julio, kaya nauna na kaming umuwi.


Anggenda ko:

Enjoy! Ingat kayo ni Romeo hihi.

Agad akong nagtiim bagang at bumuntong hininga. Pinasok ko na ang cellphone sa bulsa dahil wala na akong balak magreply. Wala naman akong load, kaya hindi rin maisesend ang pagmumura ko sa kaniya. Sa personal ko nalang mumurahin.


Ang laking gago lang talaga 'nun e. Hindi man lang naawa sa akin. Wala man lang konsiderasyon? Bakit kailangang iwan ako kay Romeo? Hindi man lang nag-alala sa akin na nakaratay ako sa clinic kanina? Lintek na Angelica 'to, inuna pa ang kaka-stan niya sa amin ni Romeo kesa sa akin. Kapag sinapak ko 'yun, tignan natin kung clinic lang aabutin niya. Nakakabadtrip!

Ang mga estudyante nalang ngayon sa campus ay ang mga fourth year students, na hanggang gabi ang uwian. Naabutan ko pa sila kahit maaga naman dapat ang uwi ko ngayon. Sobrang tagal ko namang nakaratay. Buti ay nabuhay pa ako.


Nilingon ko ang tahimik lang na si Romeo sa tabi ko, at pinapakiramdaman ang mood ko. Base sa hitsura niya ngayon, ay mukha siyang nag-iingat dahil takot lang siguro niya na baka masapak ko siya o ano pa man. 

Wala naman akong ginagawa ah.

"Bakit ka pa nandito?" inis kong baling sa kaniya.


Wala naman akong sinabing magpagabi siya para sa akin.

Lintek lang talaga na Angelica 'yun. Alam kong siya ang dahilan kung bakit naghihintay ngayon si Romeo. Nang abala pa ng ibang tao, kung pwede namang siya ang nasa tabi ko ngayon. Parang sarap lang itakwil ng taong 'yun.


Emergency niya ulo niya, akala niya hindi ko alam mga tumatakbo sa utak niya? Kupal.

Kapag siya ang hinimatay, iiwan ko nalang siyang nakahandusay. 'Wag nang dalhin sa clinic. Para saan pa? Maabala niya lang ang nurse roon. Total traydor din naman siya.

It's A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon