IALS: Chapter 10
Nakatitig ako sa mga naglalaro ng ultimate sa oval. Nagtatakbuhan ang mga players doon, para habulin ang hinagis na frisbee disc. Walang pambato sa sport na ito ang college department namin. Ang college of education at college engineering ulit ang siyang naglalaban.
Nasa pinakataas kami ng pwesto ng grandstand. Bumili nang makakain si Angelica sa convenient store na malapit sa school. Bumili siya noong pillow size na pop corn. Siya ang nasa gitna namin ni Julio, kaya nakapatong sa hita niya ang pagkain.
Panay ang sigaw ng mga college engineering, at hindi rin nagpatalo ang college of education. Punong-puno ang grandstand ngayon, at mabuti ay nakahanap kami ng puwesto namin. Sa bawat sigaw ng mga estudyante, ay nasasapawan nila ang announcer na siyang tila DJ sa laro.
"GO ENGINEERING! ONE ENGINEERING!"
Napatingin ako sa bandang kaliwa namin, dahil doon sila nakapuwesto. Panay ang tili nila at ang pagkaway ng mga mahahabang lobo. Nakatayo pa ang iilan sa kanila. Nang maupo ang isang hilera ng mga nagtitilian, ay agad na nahagip ng mata ko si Romeo. Tahimik lang siyang nanonood, at tutok na tutok ang mata sa malawak na oval.
Mag-isa lang siya. Natigil ang pagdukot ko sa pop corn, kaya naiwan ang kamay ko sa loob ng plastic. Pinaglandas ko ang dila sa loob ng pisngi. Napangisi sa hitsura ngayon ni Romeo. Tila naliligaw na tahimik at loser na elemantary kid, sa dagat nang maiingay na estudyante.
"Ano ba 'yan, Juliet! Ang tagal kumuha!"
Agad akong napabaling kay Angelica, nang hampasin niya ang kamay ko na nasa loob ng plastic. Agad ko namang inalis ang kamay doon, kahit hindi pa nakakakuha ng pop corn. Binaling na rin naman ni Angelica ang atensyon niya sa oval, habang sumusubo.
Muli kong pinasok ang kamay sa loob ng plastic at kumuha ng popcorn. Muli kong binalingan ang puwesto ni Romeo. Hindi ko na siya makita ngayon, dahil muling nagsitayuan ang mga nagchicheer. Mukhang nakascore ang college department nila.
"Ang galing! Grabe Juliet!"
Napapikit ako nang malakas niya akong hampasin sa likod. Nilingon ko siya, at naabutan siya na tumatalong talon kahit nakaupo. Ang mga mata ay nasa mga naglalaro pa rin. Hindi alintana na muntik nang malasog buto ko sa likod dahil sa hampas niya.
Inis ko na lamang na binaling ang atensyon sa harapan. Wala namang nakakamangha roon. Ang naabutan ko nalang ay ang isang player na nakahiga na sa damo ng oval. Tila lumalangoy iyon kahit wala namang tubig. Nice one.
Natigil ang laro, nang isa sa mga player ng college of education, ay na-injured. Inaalalayaan ito ngayon pahiga sa stretcher. Ang ibang mga nagchicheer sa kanila, ay bumaba sa grandstand para makiusisa.
"Hala, kawawa naman" mahinang sambit ni Angelica.
Inalis ko na lamang ang tingin sa harapan, para balingan ang puwesto ni Romeo. Nagsipag-alisan na ang ibang estudyante roon. At mukhang pati si Romeo ay umalis na rin. Wala na siya sa puwesto niya kanina. Nagkibit balikat nalang ako."Uy Yet! Si Romeo oh!" mahina sigaw ni Angelica.
May nginuso siya sa may oval. Tumaas naman ang dalawang kilay ko, at hinanap siya ng dalawang mata ko. Agad ko siyang nahanap, at nakitang kasama niya si Rosaline. Mukhang paalis na silang dalawa ngayon sa oval.May dala siyang bottled water, at tahimik lamang na nakasunod kay Rosaline. Umismid naman ako sa nakita. Mukha na naman siyang loser elementary kid. Tila hinahabol ang teacher, at pinipilit na huwag nang papuntahin ang nanay sa school, dahil sa nagawa niyang kasalanan.
"Ano kayang meron sila ni Rosaline, no?" tanong sa akin ni Angelica, kaya nagkibit balikat lang ako.
"Nagseselos ka?" tanong niya ulit.
Nginiwian ko naman siya at tumayo na rin sa upuan. Pinagpag ko ang puwetan ko, para tanggalin ang dumi roon, kung meron man. Naramdaman ko rin ang pagatayo ni Angelica at Julio. Tumambay nalang kami sa canteen, at bumili na rin nang makakain.Nasa PU Hall kami ngayon dahil pinilit ako ni Angelica, na samahan siya. Manonood daw ng preliminaries ng Mr. and Ms. PU pageant. Hindi ako mahilig sa ganito, kaya si Angelica lang ang natutuwa at sumisigaw sigaw pa.
BINABASA MO ANG
It's A Love Story
RomanceThis is not your typical Romeo and Juliet love story. This is a story where a feeling cool Juliet, met the loser-type Romeo. This story... it's not just a story. It's a l.o.v.e story. Posted: May 21, 2020 - June 12, 2020 UNEDITED.