IALS: Chapter 9
Ngayon na ang huling basketball practice nila Julio. Bukas ay ilalaban sila sa College of Engineering, na siyang nanalo kanina sa elimination round, laban sa College of Social Sciences and Development.
Andito ulit kami ngayon sa outdoor basketball court. Narito ang iilang mga blockmates namin para panoorin sila. Bakante ang outdoor basketball court ngayon, dahil schedule ng college department namin ang siyang makakagamit nito.
Ang iba naman na gustong buong araw magpractice, ay nagrerenta ng basketball court na malapit dito sa PU. Ayaw ko sanang samahan si Angelica ngayon. Gusto ko nalang matulog pero mapilit siya. Susuportahan daw namin si Julio, kahit ang totoo ay iba naman ang susuportahan niya."Go number 11!" tili niya, kaya masama ko siyang binalingan.
From eight to eleven, real quick!
"Si Julio pala ah," nakangisi kong sabi sa kaniya, kaya pagilid niya akong tinapunan ng tingin.
"Go fifteen!" sigaw niya ulit nang hawak na ni Julio ang bola, plastic talaga oh.
Ang mga nagkikiskisang sapatos nila at ang tumatalbog na bola ang siyang naririnig na ingay sa paligid. Syempre hindi mawawala ang tili, na pinangungunahan ni Angelica. Dapat sa cheering squad nalang siya nag-aution. Baka pinalad siya roon. Magaling naman siya magbadminton, nagkataon lang na magagaling din talaga ang mga nakalaban niya.
Kung makatili ang mga nanonood sa practice, ay akala mo tunay na laro na. Pati siguro pagchecheer nila, ay pinagpapractican na rin nila. Ako lang walang ganap dito. Gusto ko sanang bumili nang makakain sa canteen, ang kaso ay sarado na. Nagugutom na naman ako ng sobra. Kung hindi ko na pinaunlakan 'tong imbeta ni Angelica, ay baka natutulog na ako ngayon sa bahay at busog na busog na.
Sumayad ang dulo ng dila ko sa panloob na pisngi, habang nakatitig kay Romeo, na nagdidribble ng bola. Pawis na pawis ito katulad ng mga kasamahan niya. Pagkatapos magdribble ay mabilis siyang tumakbo. Umaalog-alog ngayon ang buhok niya, dahil nahahawi iyon ng hangin. Salubong ang mga kilay niya habang nakatitig sa basket.
"Tch," ngisi ko at umiling-iling sa isipan.
Hindi ba natatakot iyan? Sa sobrang payat niya, baka kumalas braso niya kapag nagshoot ng bola. Mamaya ay pati braso niya ay nashoot na rin. Awit sa kaniya. Napangisi ako lalo nang inapiran siya ng kasama niya, nang maishoot niya ang bola. Pinunasan niya ang noo niya gamit ang likod ng kamay. Yumukod siya at hinawakan ang magkabilang tuhod habang humihingal.
Agad kong iniwas ang tingin nang mag-angat siya ng tingin at magkasalubong ang mga mata namin. Mahirap na kapag hindi ko iniwas ang tingin, baka isipin ay nakatitig ako sa kaniya. Kahit sa bola naman talaga na dinidribble niya. Mamaya isipin niya cool siya. Hindi ako papatalo, cool din ako.
Nang matapos na silang magpractice, ay nagform silang ng bilog. May kung ano anong sinabi iyong captain nila at nagyakapan pa.
"Go BSCS!" sigaw nilang lahat, kaya tili nang tili si Angelica na akala mo totoong laban na.
Inismiran ko na lamang siya at hinayaan ko na lamang na gumala ang tingin. Hindi na muling nagbalak na tignan si Romeo. Baka isipin niya may pagtingin ako sa kaniya. Ano siya chix?
Nagsipag-bro fist sila nang maghiwalay na. Sabay-sabay ulit kaming nagsipaglabasan sa gate. Amoy na amoy ang mga pawis nila. Hindi naman mabaho, kaya ayos na rin. Nagkahiwalay lang kami, nang magsitawiran na kaming mga sasakay ng jeep to Cubao. Tumabi bigla sa akin si Angelica na kanina ay katabi si Julio. Siniko niya ako, kaya tinaasan ko siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
It's A Love Story
RomanceThis is not your typical Romeo and Juliet love story. This is a story where a feeling cool Juliet, met the loser-type Romeo. This story... it's not just a story. It's a l.o.v.e story. Posted: May 21, 2020 - June 12, 2020 UNEDITED.