IALS: Epilogue
"Kailangan kong umuwi,"
Mama stopped mixing the pasta, upon hearing me. Bakas ang kaba na may kasamang pagkamuhi sa mukha niya. Napatingin din sa akin si Xyla, ang nakababata kong kapatid.
"They're back, Ma. Juliet is alone there, in the Philippines,"
"How did you know that they're back?" she asked.
"I just received her father's message," sagot ko, na siyang nagpapikit sa kaniya.
"Mag-iingat ka,"
"I will. Call Lola and Miya to leave the house in Batangas,"
She nodded.
Bumuntong hininga ako at lumapit kay Mama. I hugged her tight and kissed her head. I tapped Xyla's head. "Mag-iingat kayo rito. Kapag may kakaiba, you can leave. Don't let anyone track you, I'll find you,"
I left Mama's house, mabilis akong tumungo sa paliparan ng Taiwan. Wala na akong dalang kahit ano, maliban sa pera at cellphone. Doon na rin ako mismo nagbook ng flight pabalik sa Pilipinas.
I was very busy with my phone, while receiving Juliet's father's messages. Ilang saglit na lamang, ay lilipad na ang sinasakyang eroplano.
Nagpakawala ako ng buntong-hininga. I expected for this day to come. Pero nasa dibdib ko pa rin ang kaba. Buhay ang nakataya rito. Pera. At ang mundo.
From Mr. Fernandez:
Mag-iingat ka. Utang ko sa'yo ang buhay ni Juliet.
I sighed.
Mabilis ang mga hakbang ko habang palabas sa airport. Hindi na ako kabilang sa mga kukuha ng mga dalang bagahe, dahil wala ako noon. Sa isa sa mga taxi na naghihintay sa labas ng paliparan ako sumakay.
Nagpapasalamat na meron pa ring naghihintay na iilan, kahit ilang oras na lang ay magbabagong taon na. They should be staying in their houses, with their families. Habang hinihintay ang pagpapalit ng taon sa kalendaryo. Pero narito sila, at nagtatarabaho.
To Mr. Fernandez:
Nasa bansa na ako.
From Mr. Fernandez:
Good. Mag-iingat ka. Pagsikat ng araw bukas, magkita tayo.
To Mr. Fernandez:
Can I see Juliet for now? She's alone.
From Mr. Fernandez:
Yes. Just don't let anyone track you.
Pagod na pagod ako nang makarating sa bahay nila Juliet. Walang kakaiba sa paligid. Nagkalat ang mga bata, hawak ang mga torotot nila. Ngunit kahit walang masamang hangin, hindi ko maiwasan ang magmatyag.
"Gago, bakit ngayon ka lang?" iyon ang siyang bungad niya, nang pagbuksan ako ng pintuan.
I stared at her wearily. I wanted to hug her, but I forced myself not to. Magugulat siya. I just told her to get changed, and she obliged. May biko sa center table, na siyang pinagdiskitahan ko, dahil nakaramdam ng gutom.
She offered to cook food for me, but I refused. After changing her clothes, umalis na kami sa bahay nila. Dumaan muna kami sa convenient store na malapit sa bahay nila. Bumili ako nang puwedeng kainin namin ni Juliet.
After buying, we then headed to Publico Unibersidad. Nakasara ang matayog na gate ng paaralan. Kaya inakyat pa namin iyon, upang makapasok lamang. Bakas kay Juliet na ayaw niya, ngunit wala ring nagawa kundi ang sumampa.
Sa likod ng paaralan, ay may ilog. Sa dulo ng ilog, ay mga bahay at gusali. At isa na ang gusali kong nasaan ang condo ko. Tuwing bagong taon, ay nagkakaroon ng fireworks display sa building ng condo. Na alam kong matatanaw din sa likod ng school namin.
As much as I want to bring her in my condo, they might track us down. Ayos lang din naman dito, dahil payapa. Maiingay ang insketo, pero hindi iyon sapat na ingay upang umalis kami. Hindi rin naman siya lalamigin at kakagatin ng lamok, dahil nakasuot siya ng hoodie, katulad ko."Aalis ka?" Juliet asked.
"Kung aalis ako. Saan ako pupunta?" I asked back.
"Aba'y gago ka. Ako nagtatanong, tapos tatanungin mo ako,"
Napangiti ako sa isipan.
"Hindi ako aalis, Juliet. Gusto lang kitang makasamang manood ng fireworks," I simply said.
Tahimik lamang kaming dalawa. Maraming tumatakbo sa isipan ko, na kahit gusto kong sabihin sa kaniya, ngunit pakiramdam ko hindi pa ito ang tamang oras. Nilibang na lamang namin ang mga sarili sa pagkain na binili ko sa convenient store, habang hinihintay ang pagbabago ng taon.
I handed her phone. Nakalapag iyon sa inuupuan namin, sa gitna naming dalawa. I opened it, to check the time. I glanced at Juliet. Nakatingala siya, at nakatitig sa buwan. Bumuntong hininga ako.
She's as pretty as the moon. Meron sa loob-loob ko na gusto siyang halikan.
BINABASA MO ANG
It's A Love Story
RomanceThis is not your typical Romeo and Juliet love story. This is a story where a feeling cool Juliet, met the loser-type Romeo. This story... it's not just a story. It's a l.o.v.e story. Posted: May 21, 2020 - June 12, 2020 UNEDITED.